Survival Game
"Shakira! Ilag!," pasigaw na sabi ni Dwayne.
Kaya umilag ako. Shit! Muntikan na yun. Isang fire ball. Bwisit siya. Pinatamaan ko naman siya ng dagger. Kaya natumba siya at umalis na kami sa lugar na yun.
"Salamat Dwayne," pagpapasalamat ko sa kanya.
Naglakad lakad lang muna kami sa loob ng kagubatan. Nasan na kaya sila? Wala naman akong nararamdamang panganib sa paligid.
Sa paglalakad namin, nakita namin sila Jarmae at Kenzo na naglalakad-lakad. Na parang may hinahanap.
"Shakira, Dwayne. Buti naman at okay lang kayo. Kanina pa namin kayo hinahanap. Tara pasok na tayo sa kweba. Andun na sila Jethro at yung iba pa nating ka-myembro," sabi ni Jarmae.
"May dalawa na kaming nakuha na flag. Tara na," sabi naman ni Kenzo.
Flashback
"Dahil nasa eksaktong 80 kayong lahat, ang isang grupo ay bubuuin ng walong miyembro. So, each group ay magkakaroon ng isang flag," Sir Roudner said.
"Ang flag na ito ay kailangan niyong ingatan. Dahil kapag lumitaw na sa kagubatan na ito ang flag pole, kailangan niyo itong ilagay dun. At ang unang grupo na makapaglalagay ng flag dito, ang siyang tatanghaling panalo," paliwanag naman ni Ms. Gutierrez.
"Kailangan niyong gumawa ng strategies, plans or whatsoever. Basta ingatan niyo lang ang flag niyo. Kapag nakuha ito ng ibang grupo disqualified na kayo sa game na ito," pagdudugtong ni Sir Roudner.
"Diba may mga grupo na kayo. So maghanda na kayo dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang survival game niyo. Pwede na kayong magusap-usap as a group," dagdag pa ni Sir Roudner.
Kami nila Dwayne, Jethro, Olivia, Jarmae, Kenzo, Rosanna, at Daniel ang magkakakampi. Bakit pa kami maghahanap ng ibang kakampi kung mahihirapan lang kami diba? Atleast may mga pinagsamahan na kami. Kaya hindi na kami mahihirapang mag-adjust.
"Oh. Anong plano natin?," Jethro starts the conversation.
Nag-Isip kaming lahat. May isang minuto na lang kami para mag usap usap. Kasi mamaya 2 by 2 ang pagpasok sa lugar kung saan gaganapin ang laro.
So, hindi namin alam kung saan kami papadpadin. Ako at si Dwayne ang magkasama. Si Olivia at Jethro naman ang magkasama. Jarmae and Kenzo. At si Daniel at Rosanna naman ang pansamantalang magkasama.
Kailangan muna naming maghiwa-hiwalay para mas mabilis ang proseso. Yun ang isa naming strategy.
"The Survival Game begins in 5... 4... 3 .... 2.... 1.... Let's get go!," Sir Roudner and Ms. Gutierrez said in chorus.
Pagkapasok pa lang namin sa area ay may nakaharap na kaagad kami ni Dwayne. Kinontrol niya ang sanga ng puno at pinulupot sa kalaban namin. Hindi namin siya kaklase. Dahil ngayon ko lang siya nakita. Ibang section.
Kinuha ko ang archer ko at pinatamaan siya sa may pocket niya. Pero mukhang wala naman sa kanya yung flag nila. Tss!
Iniwan namin siyang nakasabit sa may puno. Naglakad lakad lang kami. Sana mahanap na namin sila Jarmae. Okay lang kaya sila?
Tss! Ano ba tong iniisip ko? Malamang okay lang sila. E magagaling ata mga kagrupo ko. Pero hindi dapat kami maging kampante.
BINABASA MO ANG
Twilight Academy
Vampire(COMPLETED) Si Shakira Sutherland ay isang Vampire na walang ibang hinangad kundi ang mamuhay nang mapayapa. Ngunit isang pangyayari ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Matututo siyang maghiganti sa mga Vampire na pumatay sa kanyang mga magu...