The Confession
Hindi ako makatulog. Ewan ko kung bakit. Sabi nila kapag hindi ka raw makatulog, may nag-iisip sayo.
Sino naman ang mag-iisip sa akin?
Kaya ayun lumabas muna ako. Naglakad ako sa hall way. Nakita ko na naman ang imahe ng dalawang matandang mag asawa. Namataan ko ang sarili ko na nakatitig lang dito. Ang tagal kong nakatayo roon at nagdesisyon na rin na magpatuloy sa paglalakad. Pumunta ako sa isang terrace. Dito, nakikita ko ang labas ng Academy. Ang nagsisitaasang mga puno. Ang madilim na kagubatan. Pati na rin ang malakas at malamig na simoy ng hangin na nagdudulot ng pag bend ng mga sanga ng mga puno. A peaceful place everyone would want to live with.
Tanaw ko rin mula dito ang fountain sa gitna ng hardin. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang kagandahan nito. Iba-iba ang kulay ng tubig na tumataas-baba, animo'y may iba't ibang kulay ng ilaw ang nagrereflect sa tubig. Umaga kasi kami dumating dito sa academy kaya ngayong gabi ko lang ito nasaksihan gayong medyo madilim ang paligid.
Pumunta ako sa labas. Hinayaan ko na liparin ng hangin ang buhok ko. Ang sarap sa pakiramdam. Napaka sariwa ng hangin. Ang payapa ng paligid. Parang gusto kong maging ganito na lang ang paligid habang buhay.
Pero alam kong hindi mangyayari iyon. Walang permanente sa mundo. Lahat nagbabago. Nariyan pa rin ang mga nilalang na hindi titigil sa panghuhusga. At hindi titigil para pabagsakin ka. Hindi ka nila titigilan hangga't hindi ka sumusuko, hangga't hindi ka nada-down. Ganyan sila kabagsik. Hindi sila papayag na palagi kang masaya. Gusto nila ay iyong nakikita kang nahihirapan, iyong wala ka ng gustong ibang gawin kundi ang sumuko na lamang.
Kaya naman, ang kailangan mo lang gawin ay ang maging matatag. Matatag para hindi ka bumagsak. Kailangan mo ring maging matapang. Matapang para harapin ang lahat ng humahamon sa katatagan mo. Kailangan mong patunayan sa kanila na mali sila ng interpretasyon sa pagkatao mo. Na hindi ka tulad ng inaasahan nila na basta na lamang susuko.
Dapat laging pumasok sa isipan mo kung ano ba ang mga ipinaglalaban mo sa buhay, ano ba inspirasyon mo sa mga bagay na iyong ginagawa, at bakit ka magpapa-apekto sa iba kung kilala mo ang sarili mo higit sa kung ano ang alam nila tungkol sa iyo. Mababaw lang ang pagkakakilala nila sa iyo, at ikaw mismo ang tunay na nakakakilala sa iyong sarili.
Kaya kailangan kong maging matatag at matapang para labanan ang mga mapanghusgang mga mata nila. Magiging matapang ako. Hindi ako magpapatalo sa larong ito. Walang salitang talo sa aking bokabularyo.
May naramdaman akong lumabas ng pintuan. Agad akong nagtago at nakita ko...
si Dwayne lang pala. Nilapitan ko siya.
"Oh! Gising ka pa pala Shakira?" gulat na tanong niya.
"Hindi ba halata? Andito ako, malamang gising pa ako. Tss," cold kong sabi. A sarcastic one.
"Grabe naman 'to. Nagtatanong lang naman ako," naka pout niyang sabi.
"Ano ba yan?! Wag ka ngang mag pout dyan mukha kang pato!" halos pa-sigaw kong sabi sa kanya.
"Ang sabihin mo, naga-gwapuhan ka lang sa akin," sabi niya na nakangisi pa.
"Hahaha. Ang dami kong tawa sayo! Ang kapal ah?" halos natatawa ko namang nasabi.
BINABASA MO ANG
Twilight Academy
Vampiros(COMPLETED) Si Shakira Sutherland ay isang Vampire na walang ibang hinangad kundi ang mamuhay nang mapayapa. Ngunit isang pangyayari ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Matututo siyang maghiganti sa mga Vampire na pumatay sa kanyang mga magu...