Comfort Zone
Nandito ako ngayon sa labas ng building ng Academy. Gusto ko munang mapag-isa ngayong gabi. Bukas na ang first training namin.
Hanggang ngayon kasi ay nalulungkot pa rin ako dahil nga sa sitwasyon namin ni Dwayne. I am not used to it. Hindi lang talaga siguro ako sanay sa ganitong senaryo. Nalulungkot ako kasi hindi naman kami ganito dati. Basta masaya kami ay okay na sa amin iyon. Kahit parehas pa kaming pagalitan ng mga guro namin.
Madalas pa nga kaming palabasin sa classroom namin. Kasi naman si Dwayne ang kulit-kulit. Lagi ba naman akong ginugulo. Ako naman itong si ano nagpapagulo rin kaya ang kinalabasan parehas kaming pinaparusahan. Pero masaya naman ako. Kasi kasama ko ang kaibigan ko. Kasama ko ang bestfriend ko. Dwayne.
Napangiti na lang ako nang mapait. Parang ang layo na kasi namin sa isa't isa. Nasasaktan talaga ako. Hindi ko namalayan na may katabi na pala ako. Nabigla pa nga ako.
"Oh! Jethro, anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.
"Wala. Gusto ko lang magpahangin. Ikaw?" balik tanong niya.
"Ah. Ganun din," sabi ko naman.
Nabalutan ng katahimikan ang paligid. Napaka amo pala ng mukha niya. Wala kang mababakas na kahit anong problema sa kanya. Bigla naman siyang nagsalita na nakapagpabasag ng katahimikan.
"Okay ka lang ba? I mean... may problema ka ba? Kung meron. Andito lang ako. Pwede mo namang sabihin sa akin. You know. Para hindi masyadong mabigat iyang dinadala mo," sabi niya na ikinabigla ko.
"Bakit mo naman naitanong?" I asked him.
"Kasi napapansin ko these past few days ang lungkot ng mga mata mo. Even though parang wala kang emosyon, halata naman sa mga mata mo na malungkot ka," pagpapaliwanag niya.
"May kinalaman ba si Dwayne dito? Parang hindi na kayo masyadong nagpapansinan ah?" dagdag pa niya.
"A-ahm. K-kasi...," di ko na napigilang umiyak.
Bigla naman akong niyakap ni Jethro na ikinagulat ko. Pero hindi ko na lang muna ito pinansin. Naiiyak na talaga ako. Pero ngayon ko lang nailabas lahat. Ewan pero parang gumaan ang pakiramdam ko. I think, I need someone to comfort me right this moment. Kahit naman wala akong emosyon lagi, hindi ibig sabihin nito ay hindi na ako marunong umiyak. Bumitaw na ako sa pagkakayakap ko sa kanya at pinunasan ang mga luha ko.
"Hindi naman ganoon kalaki ang problema namin ni Dwayne. May kaunting hindi pagkakaunawaan lang. Pero maaayos din naman namin ito. Ano pa't naging bestfriend ko iyon," pagsisinungaling ko sa kanya.
Sana nga ganoon na lang kadali ang lahat. Sana magkaayos na kami ni Dwayne. Namimiss ko na kasi talaga siya. I miss him so much. Kaso hindi ako sigurado sa bagay na iyon. Walang kasiguraduhan kung babalik pa kami sa dati. Hays.
"Ah. Ganoon ba. Mabuti naman kung ganoon. Ayaw ko kasing may problema kahit sino sa pamilya at kaibigan ko. Kung anong problema nila parang problema ko na rin. At kayo ni Dwayne, kaibigan ko na rin kayo kaya sana tuluyan na rin kayong magkaayos," Jethro said.
"Salamat Jethro ah. Maraming salamat kasi nariyan ka. Sana nga talaga magkaayos na kami ni Dwayne. Namimiss ko na kasi iyong loko na iyon," sabi ko.
BINABASA MO ANG
Twilight Academy
Vampire(COMPLETED) Si Shakira Sutherland ay isang Vampire na walang ibang hinangad kundi ang mamuhay nang mapayapa. Ngunit isang pangyayari ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Matututo siyang maghiganti sa mga Vampire na pumatay sa kanyang mga magu...