Chapter 17: Margareth and Alexander Twilight

2.7K 134 0
                                    

Margareth
and
Alexander Twilight

Dwayne's POV

May bisita daw ngayon ang Twilight Academy. Sina Queen Margareth at King Alexander daw. Nung una, hindi ko pa sila kilala.

Pero in-explain naman sakin nila Jethro. Sila daw ang may-ari ng school na ito. Hinango pala sa apelyido nila ang pangalan ng school.

Twilight Academy. Kaya pala. Alam na kaya ni Shakira ang tungkol dito? Sigurado ako na wala siyang alam tungkol sa kanila.

Hindi kasi marunong magtanong yun e. Mas gusto niyang makilala ang ibang tao nang sarili niya lang.

May napapansin ako kay Shakira. Para bang ang weird niya ngayong mga nagdaang araw. Di ko alam pero napapansin ko lang.

Ano kayang problema niya? Sana wala siyang problema. At kung may problema man siya. Andito lang naman ako. Handang tumulong sa kanya.

Syempre bestfriend ko yun e. Kaya sino pa bang unang magtutulungan. Edi kami. Hayst! Yung babaeng yun talaga.

Lumabas na kami nila Kenzo. Dumerecho kami sa cafeteria. Hihintayin naman namin sila Shakira.

Habang naghihintay napansin ko na medyo maingay. At wala silang ibang bukang-bibig kundi ang pagbisita nila Queen and King Twilight.

"Ano kayang dahilan bakit bibisita sila dito?," sabi nung isang babae.

"Kaya nga. Simula nang mag-aral ako dito. Ngayon lang sila bibisita," sabi naman ng kausap niyang babae.

"Pero. Excited ako. Gusto ko rin kasi silang makita sa personal e," sabi pa nung isa.

So ibig sabihin, hindi pa sila nakakabisita dito. Kaya pala. Bihira lang siguro. Imposible naman Kung ganun. Eh sila yung may-ari nito.

Andyan na sila Shakira, Jarmae, Rosanna, at Olivia. Kaya umorder na ako ng pagkain kasama si Jethro.

Tumingin ako kay Shakira at nginitian ko siya. Pero umiwas lang siya ng tingin. Ano meron sa kanya? Galit ba siya sakin?

Ah. Baka wala lang siya sa mood. Siguro nga. Umalis na kami at bumili na ng pagkain.

Shakira's POV

Tumingin sa akin si Dwayne at ngumiti siya sakin. Di ko alam kung anong ireresponse kaya umiwas na lang ako ng tingin.

Baka kung anong isipin ng lalaking yun. Baka isipin niya na galit ako. Papansinin ko na nga siya mamaya. Bwisit na pag-ibig yan. Bakit ngayon pa?

Dumating na sila dala dala ang pagkain namin. Tiningnan ako ni Dwayne at nginitian niya ulit ako. Ang kulit talaga ng isang to eh. Kaya nginitian ko na lang din siya. Hahaha.

Natatawa tuloy ako. Pero syempre sa isip ko lang. Baka isipin nilang nababaliw na ako dito. Haha. Totoo naman pala. Baliw na ako. Nababaliw na ako sa pag-ibig na yan. Bwisit!

Kumain lang kami. At habang kumakain, napansin ko na ang ingay ng mga estudyante dito.

"Anong meron? Bakit ang ingay nila? Meron na naman ba akong hindi alam?," tanong ko sa kanila.

"Absolutely. Meron kasing bibisita dito sa Academy mamaya. Ang may-ari ng school na to. Sina Queen and King Twilight," Jarmae explained.

"Ah. Okay," I said in a cold voice.

Kumain na lang kami ng kumain at hindi pinansin ang mga estudyanteng nag-iingay. Kasi kung papansinin lang namin sila, mabu-bwisit lang kami.

Twilight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon