Chapter 27: Second Training

2K 118 0
                                    

Second Training

Lumabas na kami ng main building. At pumasok na rin kami sa loob ng Arena.

Wala namang pinagbago dito sa loob ng Arena bukod sa may isang malaking Screen sa harapan kung saan makikita ang laban niyo. Napapalibutan pa rin naman ng salamin yung paligid kaya naman, kitang kita ito mula sa main building. Tumahimik ang lahat nang magsimulang magsalita si Sir.

"Bakit nga ba tayo nandito? Minsan niyo na ba yang natanong sa sarili niyo. Isa lang ba 'tong pagsasanay para lang sa wala? O may deepest reason behind that? What can you say? Anyone?," Sir Roudner started.

"Yes Kendra," si Kendra Flare, ang isa sa mga nakalaban ko dati.

"In order for us to be safe. Kasi kung hindi namin kayang makipaglaban, paano kami magiging ligtas. Sa ngayon, wala nang iba pang magliligtas sa sarili mo kundi ikaw lang din. Atleast, kung may alam ka sa pakikipaglaban at alam mo kung paano gamitin yung ability na ipinagkaloob sayo, maililigtas mo yung sarili mo sa panganib na nagbabadya sa buhay mo," sabi ni Kendra sabay balik sa pagkakaupo.

"May point siya. Aside from that. Hmm, Ms. Shakira," Sir Roudener called me.

Wala akong masabi. Bakit nga ba? Para saan ba ito? Bakit nga ba ako nandito?

"Para makapaghiganti," I said without any expression in my face and stare at him with my cold and blank eyes. I have nothing to say. Out of nowhere, bigla na lang 'yan lumabas mula sa bibig ko. Totoo naman e, andito ako para makapaghiganti. Makapaghiganti sa mga Allies na 'yun.

"Ano daw?,"

"Ano bang pinagsasabi niya?,"

"Is she out of her mind? Tss!,"

Tumingin sa akin sila Jarmae para ipahiwatig na hindi ko dapat 'yun sinabi. Oo, alam na nila na kailangan kong makapaghiganti sa mga Allies Vampire. Sinabihan din nila ako na mas makabubuti kung hindi ko na ituloy pa 'yung gusto kong mangyari. Pero inexplain ko sa kanila ang lahat at wala naman na silang nagawa. Dahil kahit ano pang sabihin nila, kahit kaibigan ko pa sila, itutuloy ko pa rin ang gagawin ko. Dahil bago pa ako pumasok sa Academy na 'to at bago ko pa sila maging kaibigan, 'yun na ang plano ko at hindi na 'yon magbabago.

"All I know is that... we're here for a reason...," tumahimik lahat ng kaklase ko pati sila Jarmae.

"Sa likod ng mga ginagawa natin, may mga nakatagong dahilan, kung bakit nga ba tayo nandito. Kung bakit nga ba natin ginagawa ang isang bagay. Dahil nga may dahilan tayo. Some are nonsense but mostly are not. And the reason why we're here is that, we have goals in life. Ito ay ang mga bagay na gusto nating makuha. Mga bagay na ating minimithi at mga bagay na dapat lang natin makamtan," pinutol ko na ang sasabihin ko medyo lumalayo na kasi sa tanong. Baka kung ano pang masabi ko.

Ang gusto ko lang naman ay ang magbayad sila. Magbayad sila sa ginawa nila sa mga magulang ko.

"Very well-said, Ms. Sutherland," he said.

"So, we can proceed to our second training... Lahat kayo ay papasok sa mga portal na 'to," he added.

"Sir, akala ko ba ikaw ang makakalaban namin?," naguguluhang tanong ng isa kong kaklase, Mark.

"Kaya nga, Sir," pagsang-ayon ng iba kong kaklase.

"Tapos na ba akong mag-explain? 'Yan kasi ang hirap sa inyo eh, patapusin niyo kaya muna ako. Okay lang ba 'yun?," pagbibirong sabi ni Sir.

"Sorry Sir. Hehehe," sabi naman ni Mark na nahihiyang natawa.

"Okay. Back to our topic. 'Yun nga, papasok kayong lahat sa portal na 'to. Pero, take note: pagpasok niyo dyan hindi kayo magkikita-kita o magkakasama, dahil iba-ibang lugar yung pagdadalhan sa inyo at ako lang ang makakalaban niyo. Through illusion, makakalaban niyo ako. Pero hindi lang siya basta ilusyon, dahil kaparehong-kapareho ko siya. Kung anong ability meron ako, ganun din siya. Kung paano ako mag-isip ganun din siya. Dahil kontrolado ko siya. Kumbaga, kung sino yung makakalaban niyo mamaya ay ako pa rin 'yun. Okay ba? May tanong pa ba kayo?," Sir Roudner explained everything.

Wala namang nagtanong. Kaya sinimulan na namin ang pagpasok sa portal.

Gaya nga ng sinabi ni Sir, hindi kami magkakasama. Nandito ako ngayon sa isang gubat. Anong lugar kaya napunta sila Jarmae. Magaling na nga pala si Dwayne, pero excepted siya sa training na 'to dahil kagagaling niya lang. Nagpupumilit pa nga siya e. Pero napilit pa rin namin siya na magpahinga muna. Naalala ko na naman tuloy 'yung nangyari sa amin. Tsk. Kalimutan mo na muna 'yan Shakira, mag-focus ka sa kailangan mong gawin.

Nasaan na ba si Sir? Alam ko isa lang itong ilusyon pero sabi nga niya kanina, kung anuman ang mayroon sa kaniya at kung anuman ang nasa isip niya ay ganun pa rin dahil kontrolado niya ito. Ganun siya kagaling pagdating sa ganito.

"Hi Shakira," Sir Roudner.

"Hello," so awkward. Kaysa naman sa hindi ako sumagot diba. Tsk.

Hindi dapat ako makampante. Hindi ko pa alam kung anong kakayahan niya. Kung anong ability mayroon siya.

"Alam mo. Napakamisteryosa mong bata ka," he said then smile. Creepy.

"Wala lang. Kapag nakikita kita, parang kakaiba ka. Kakaiba ka sa ibang estudyante. Ano bang meron ang isang Shakira? Haha. Don't get me wrong. Baka isipin mong nababaliw na ako. Masaya lang ako dahil mas makikilala kita nang lubusan," he added. Hindi ko pa nga siya ganun kilala.

Isang Empathy Ability, the ability to feel the emotions, thoughts, hopes, desires, and dreams of others.

Alam kong hindi lang 'yan ang ability na mayroon siya. Dahil hindi naman siya maglalakas-loob na kalabanin kaming mga estudyante niya nang ganyan lang ang ability na mayroon siya. In the first place, hindi ito sapat. Ang Empathy Ability ay kamag-anak ng mga Mind Reader katulad ni Dwayne pero mas maganda pa rin 'yung kay Dwayne dahil eksakto ito. Samantala, yung sa Empathy naman, walang kasiguraduhan. Parang 50/50.

But on the other hand, depende rin naman kasi sa mga Vampire na gumagamit nito kung paano nila ito mahahasa kahit ito lang ang ability nila. Pero mukhang hindi nga lang talaga ito ang kapangyarihang mayroon si Sir Roudner. As if, he's doing this as a bait. Na kapag minaliit siya ng mga makakalaban niya dun na niya gagamitin ang isa pang ability niya.

I'm not a mind reader but I can sense it. I can sense something strange behind him. He's not an ordinary.

"You're so witty, Shakira," Sir Roudner said amusingly.

~~~~~

Twilight Academy
of Vampires with Extraordinary Abilities

#TwilightAcademyVEA

CptnSprmn_08

Vote. Comment.

Twilight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon