Chapter 43: Imperia

1.7K 78 0
                                    

Imperia

"So, 'yung kaninang ginawa mo. Iyon ang isa sa pinagbabawal dito ang pumunta sa underground floor," may kung ano akong naramdaman. Parang may nag-uudyok talaga sa'kin na pumunta doon pero bakit?

"Bakit naman?," hindi ko na naiwasang matanong. Naglalakad lang kami papuntang Academy. Hindi ko pa nga alam ang lugar na ito tapos mag-aaral pa ako dito.

"Basta. Kung ako sa'yo, susunod na lang ako," hindi na ako nagtanong pa. Baka hindi lang talaga sila, pinapapunta doon. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nakalabas na kami ng kastilyo. May nakaparadang sasakyan sa tapat namin na tila ba naghihintay sa amin.

"Go," pinauna niya akong papasukin sa loob ng sasakyan at sumunod naman siya.

"Nag-aaral ka rin ba?," hindi ko maiwasang magtanong.

"No," she said directly.

"Why?,"

"It's because, I'm more knowledgeable than the professors who teach there," so...

"I have the extraordinary mental ability. So, I don't need that," I see. Kaya pala ganun na lamang ang kaalaman niya sa mga bagay-bagay.
Tumahimik na kaming dalawa, wala ng nag-salita. Sobrang dilim pala talaga sa lugar nilang ito.

"Can I ask something. What place is this?."

"Ito ang Imperia. Imperia, where dark creatures live," dark creatures? Familiar sa akin 'to. Biglang sumakit ang ulo ko. Ouch!

"What's happening to you? Are you ok?."

"Yes. I'm ok." Pinikit ko na lang ang mga mata ko.

*~*~*~*

"Shakira, we're here. Gising na," niyuyugyog na pala niya ako.

"Sorry," lumabas na kami ng sasakyan, may sinabi lang siya sa driver at bumalik na siya sa tabi ko. Napanganga ako, ito na ba ang...?

"Welcome to Adreana Academy," hindi ako nakapagsalita, pumasok na kami sa loob ng Academy.

"Oh my!-," tinakpan ni Samantha yung bibig ko. Nagulat kasi ako sa mga nagbabantay ng gate nila dito, mga halimaw ang istura. As in literal na halimaw.

"They are the dark creatures. Sila ang pinagbabantay dito, dahil di hamak na mas malakas sila kaysa sa ordinaryong tagabantay," Samantha explained. Natawa na lang ako sa sarili kong reaksyon.

"Hi," bati ko sa kanila at ngumiti naman sila. Ang creepy grabe. Gusto kong sumigaw kaso bawal.

Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad, ang daming estudyante sa paligid at lahat sila ay nakatingin sa'kin. What's the problem?

"They can smell your blood. Kaya kailangan mo itong inumin. Blood potion," ininom ko naman ito kaagad kasi kulang na lang sunggaban ako ng mga aso- este mga estudyante dito. Maya maya lang nawala naman yung atensyon nila sa akin. Para silang mga robot na sunud-sunuran, tila ba may kumukontrol sa bawat kilos nila. Pumasok kami sa isang office.

"Sir, nandito na po siya," nakatalikod lang yung lalaki. At maya maya'y humarap na siya sa amin.

"Hi Shakira." Ang lapad ng ngiti niya. Teka... Kilala ko siya. Sir Roudner? Bigla na namang sumakit ang ulo ko. Pinaupo naman ako ni Samantha saglit.

Twilight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon