Chapter 25: Most Embarassing Day

2K 127 1
                                    

Most Embarrassing Day

Bumalik na ako sa main building ng Academy at sakto nakita ko naman sila Jarmae.

"Shakira! Kamusta na 'yung pakiramdam mo? Magaling ka na ba?," sunod-sunod na tanong ni Jarmae.

"Jarmae, easy lang. Baka naman mapaano naman si Shakira sa tanong mo. Hahaha," Rosanna said.

"Sorry na," Jarmae said.

Namiss ko sila ng sobra. Ang laki na pala ng epekto nila sa akin bilang kaibigan.

"Ah. Okay lang naman ako. Kayo?," I asked them.

"Ayun, katatapos lang namin mag-," pinutol at tinakpan ni Jethro ang bibig ni Kenzo dahilan para hindi niya maituloy ang sasabihin niya.

"Ah. Wala naman. May ginawa lang kaming ano. Hmm. Reports, tama. Tinulungan namin si Olivia na gumawa ng reports para sa Council ng Academy," Jethro explained.

"Ah. Ganun ba?," kahit alam ko namang nagsisinungaling lang sila.

"Oo, ganun nga Shakira," sabi pa nila.

"Alam niyo hindi niyo naman kailangan gawin 'to e," sabi ko.

Kumunot ang mga noo nila.

"Anong ibig mong sabihin Shakira?," Jethro asked.

"Hindi niyo naman kailangan itago sakin na naparusahan kayo at na-detention kayo," sabi ko naman.

"By the way, tutulungan ko na lang kayong maglinis araw-araw. Okay lang ba yun?," sabi ko na nangungusap ang mga mata.

"Pero-,"

"Sige na please. Payagan niyo na ako. Para naman makabawi ako sa inyo," pagmamakaawa ko pa.

"Wala ka naman dapat ibawi e. Pero sige papayag ako. Okay lang ba sa inyo 'yun guys?," Jethro asked them.

"Sige. Kung 'yan ang ikasisiya ni Shakira," sabi nila.

"Salamat," sabi ko sabay ngiti sa kanila.

Pumunta muna kami ng Cafeteria at kumain. Pagkatapos, tinulungan ko na silang maglinis. Ang hirap pala ng trabaho nila.

"Ilang beses n'yo na itong ginagawa?," tanong ko kay Rosanna.

"Pang anim na araw pa lang naman ito. Wag kang mag-alala, hindi naman kami nahirapan kasi magkakasama naman kami lalo na't kasama ka na rin namin ngayon. Sayang nga lang wala pa si Dwayne. Pero, sigurado ako na gusto niya rin tayong tulungan," sabi ni Rosanna.

Andito na kami sa may library, at para sa araw na ito, panghuli na itong lilinisan at bukas na naman ulit.

Biglang dumating si Sir Roudner baon ang ngiti sa kaniyang mga labi. Sinabi lang naman niya na tapos na ang parusa namin. I'm thankful na tapos na ang pagsubok na ito at matagumpay namin siyang nalagpasan.

As of now, bumalik na kami sa dorm namin at nagpahinga. Masaya ako dahil unti unti nagiging maayos na ang lahat.

*~*~*~*

5 a.m

Maaga akong nagising para sana magpahangin sa labas at para na rin bisitahin si Dwayne. Kaya naman lumabas na muna ako.

Twilight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon