Chapter 35: The Letter

1.9K 99 1
                                    

The Letter

Jarmae's POV

Minulat ko na ang mga mata ko. Tulog pa pala sila Olivia at Rosanna. 3am pa lang pala. Hayst. Medyo inaantok pa ako. Napasilip ako sa kama ni Shakira...

Nasaan siya? Ah baka lumabas lang. Pero bakit parang ang aga yata. Kadalasan, mga 5 ng umaga yun lumalabas kapag gusto niyang magpahangin.

Nakaramdam bigla ako ng kaba. Agad akong tumayo sa kinahihigaan ko. Wala talaga siya dito. Pumunta ako sa cr baka andun lang siya kaso wala talaga. Sumilip rin ako sa bintana pero wala rin namang nasa labas.

May nakita akong papel sa lamesa. Kinuha ko naman ito agad. Isang sulat? Binasa ko ito.

Kung mababasa niyo man ito, gusto ko lang sabihin na maraming salamat. Maraming salamat sa lahat ng mga panahong naramdaman kong hindi ako nag-iisa. Nagkaroon ako ng mga tunay na kaibigan na akala ko'y hindi mangyayari. Pero sana maintindihan niyo na gusto kong hanapin si Tita Carmela. Dahil siya na lang ang kaisa-isang pamilya na mayroon ako ngayon. Pero wag kayong mag-alala, okay lang ako. Kaya ko 'to. Ayaw kong madamay pa kayo. Babalik ako, pangako.

~Shakira

Habang binabasa ko 'to, tumulo na ang mga luha ko. Shakira, bakit? Hindi mo naman kailangan gawin 'to eh. Dapat sinabi mo sa'min. Handa naman kaming tulungan ka. Ang tigas talaga ng ulo mo.

Pero 'wag kang mag-alala. Tutulungan ka namin. Para naman kasing ewan. Kapag may nangyari sa'yong masama baka hindi namin mapatawad ang mga sarili namin.

Kailangan ko na itong sabihin sa kanila. Ginising ko na sina Olivia.

"Ano?! Bakit naman?!," Rosanna.

"Ewan ko dun. Parang timang nga eh. Nagsarili. Hindi man lang sa'tin sinabi. Ano nang plano," sabi ko sabay abot sa kanila ng sulat.

Binasa naman nila ito at may tumulo rin na luha sa mga mata ni Rosanna. Pero pinunasan niya rin naman agad ito.

"Ipaalam natin ito kina Jethro," seryosong sabi ni Olivia.

"Tara," lumabas na kami.

Pumunta na kami sa dorm nila Kenzo. Kinatok ni Rosanna ang pintuan nila Daniel. At pinagbuksan kami agad ni Kenzo na pupungas pa ng mata.

"Oh? Good Morning. Ang aga niyo naman yatang mambulabog? Hi Jarmae," sabi niya sabay ngiti ng malapad.

"Wala kaming panahon para makipagbiruan. May kailangan kayong malaman," seryoso kong sabi.

Pumasok na kami. Umupo kami sa sofa. Lumabas rin naman agad sina Jethro, Dwayne, at Daniel.

"Oh? Anong problema? Nasaan si Shakira?," tanong ni Daniel nang mapansin na hindi namin kasama si Shakira.

Nagkaroon ng isang minutong katahimikan...

"Umalis si Shakira sa Academy," sabi ni Olivia na ikinabigla naman nila.

"Huh?! Bakit naman?!," si Kenzo na halata mong nagulat at nalungkot. Naging malapit na rin sa kanya si Shakira.

"Ito oh. Basahin niyo. Iniwan niya yan sa lamesa bago siya umalis," sabi ko.

"Tsk. Ano nang plano?," tanong ni Daniel.

Biglang lumabas si Dwayne. Sinundan naman namin siya.

"Dwayne! Saan ka pupunta?!," sigaw ko.

Hindi siya sumagot. Tsk. Alam ko namang napakahalaga sa kanya si Shakira pero hindi naman pwedeng mag-isa niyang susundan si Shakira. Hayst!

Hinabol ko siya.

"Dwayne. Ano ba? Hindi makatutulong kung magpapadala ka sa sitwasyon. Kailangan nating magtulungan. Kailangan nating gumawa ng plano. Hindi yung mag-isa ka lang. Mahalaga rin naman samin si Shakira. Kaya kung pwede lang. Maghunos-dili ka," hindi ko na napigilan po yung sarili ko.

Wala na nga si Shakira. Dadagdag pa siya. Kailangan namin ngayong pag-isipan ang bawat ikikilos namin para kay Shakira.

"Sorry," sabi naman ni Dwayne.

"Okay lang yun. Tara na. Pag-usapan muna natin sa loob ang planong gagawin natin."

Bumalik na kami sa loob ng dorm nila. Umupo kami na nakapalibot sa lamesa.

"So, kung balak niyang iligtas ang tita niya... ibig sabihin," sabi ni Daniel na nag-iisip.

"Nasa Adrasteia siya," pagtuloy ni Olivia sa sasabihin ni Daniel.

"Tama. Pero paano tayo pupunta dun?," tanong naman ni Kenzo.

Tahimik lang sina Jethro at Dwayne.

"Nasa 1000 miles ang layo nun dito sa Academy," sabi ni Olivia.

"Ang layo naman nun. Pero kaya natin 'to," sabi naman ni Rosanna.

"So, kailan tayo aalis dito?," tanong ko.

"Kaya nga," pagsang-ayon ni Rosanna.

"Siguro mamayang hating gabi para kapag dating natin dun hindi gaanong halata kasi madilim pa," sabi ni Daniel.

"Oh sigeklase natin, kay Sir Roudner at sa Principal," tanong ni Kenzo.

"Siguro 'wag na. Kasi kapag nagkataon, malaking gulo 'to," sabi ni Daniel.

"Oo. Tama si Daniel. Sa ngayon, tayo lang muna ang makaaalam nito," sabi ni Olivia. Isa talaga siyang mahusay na leader. Kung may itatalaga man kami, siya na 'yun.

"Pero teka... Paano kung magtanong 'yung mga kaklase natin at pati na rin ang mga guro kung bakit absent si Shakira. Anong sasabihin natin?," tanong ni Rosanna. May punto siya.

"Sabihin na lang natin na may sakit siya. Na kailangan niya munang magpahinga," sabi ko. Sumang-ayon naman sila.

Lumabas na kami. Bumalik na kami sa dorm namin dahiland may klase pa kami mamaya.

Shakira, antayin mo kami. Tutulungan ka namin. Dahil mahalaga ka sa amin.

~~~~~

Twilight Academy
of Vampires with Extraordinary Abilities

#TwilightAcademyVEA

CptnSprmn_08

Vote. Comment.

Twilight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon