The Plan
Nandito na kami ni Dwayne sa Twilight Academy. At alam na rin nila Jarmae na nawawala ang tita ko. At alam na rin nila na kinuha siya ng mga Allies Vampire.
Nasa panganib si tita Carmela. Kaya kailangan ko siyang iligtas pero di ko alam kung nasaan ba siya ngayon.
Kaya pumunta kami sa library para magbasa basa. Di ako sure pero sana may makuha akong impormasyon.
"Limited lang ang information ng mga Allies Vampire dito sa Academy. Mukhang wala pa nga ata tayong mahahanap tungkol sa kanila," sabi ni Jarmae.
"Kaya nga, Shakira," pagsang-ayon ni Rosanna kay Jarmae.
Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paghahanap. May nakakuha ng atensyon ko.
"The Betrayal"
Ito na kaya yun? Sana nga. Binuksan ko na ang libro at nagbasa. Tumabi naman sakin sila Olivia at nakibasa na rin. Kakaiba tong libro na to dahil kapag binuklat mo wala namang nakasulat pero bigla na lang mag-eexist.
"Oh my goodness! Meron nga," hindi makapaniwalang sabi ni Jarmae.
Nagpatuloy kami sa pagbabasa...
"Adrasteia? Sounds unique huh!," sabi ni Olivia.
"Ano kaya yang Adrasteia na yan? Ngayon ko lang narinig yan," sabi ni Rosanna na nag-iisip pa.
"Di kaya... Yan yung lugar kung nasaan ang mga Allies Vampire?," sabi ni Kenzo sabay akbay kay Jarmae. Andito na rin pala sila.
"Ehem. Ehem. PDA! Bawal yan," sabi ni Rosanna.
"Hay, nako! Wag mo nang pansinin yang mga yan Rosanna. Andito naman ako e," sabi ni Daniel sabay kindat pa kay Rosanna.
"Don't me Daniel! Just others. Okay? Tsk!," sabi naman ni Rosanna sabay irap.
"Tama na nga yan. Andito tayo para maghanap ng impormasyon hindi para maglampungan. Okay?," sabi ni Olivia na halata mong naiirita na.
"Okay po boss!," sabi nila Kenzo na nakasaludo pa. Mga abnormal talaga.
Nagpatuloy na lang kami sa pagbabasa. May nakapukaw ng atensyon ko.
"Afanas and Hadriana Cerberus? Parang ang misteryoso ng mga pangalan nila," komento ni Jarmae.
"Ano kayang koneksyon nila sa mga Allies Vampire?," tanong ni Jethro.
Nagbasa-basa pa kami. Base sa nabasa namin, dati palang magkaibigan ang mga Allied at Allies Vampire. Pero dahil sa isang pangyayari, naging immortal silang magkalaban.
Ano kayang dahilan? Pangyayari?
Siguro naman malalaman ko rin yan balang araw. Sana ako mismo yung makatuklas niyan.
"Tara na! Baka pagalitan tayo ni Principal Ledger at ni Sir Roudner," pag-aalalang sabi ni Rosanna.
"Hindi yan. Ako na ang bahala. Ako naman yung namumuno sa mga estudyante kaya walang problema. Ang kailangan nating gawin ngayon... ay ang gumawa ng plano para maibalik ang tita ni Carmela," sabi ni Olivia.
"Yun oh! Tara na!," masayang sabi ni Kenzo.
"Ano ba Kenzo?! Ang ingay mo! Baka may makarinig sayo!," naiinis na sabi ni Jarmae.
"Sorry na babe," naka-pout na sabi ni Kenzo.
"Anong babe?! Nakakadiri ka! Tigilan mo nga ako!," naiiritang sabi ni Jarmae na ikinalungkot ni Kenzo.
"Hahaha. Buti nga!," sabi naman ni Daniel.
"Okay lang. Basta, hindi ako susuko sayo Jarmae. Matututunan mo rin akong mahalin. Sinisiguro ko yan," sabi ni Kenzo sabay ngisi.
"Ikaw naman Daniel! Tigilan mo na yang pagtawa mo! Hindi naman yan makakatulong diba?!," sabi naman ni Rosanna.
"Sorry na po," sabi naman ni Daniel.
"Tara na. Kailangan na nating magplano sa lalong madaling panahon," sabi naman ni Dwayne na kanina pa tahimik.
Pumunta na kami sa dorm nila Dwayne. Dun muna kami pansamantala kasi medyo malaki yung kwarto nila kumpara sa amin.
Pumasok na kami at nag-usap.
"Paano kaya kung mag-isang room na lang tayo Shakira? Tayo nila Rosanna at Olivia. Okay ba yun?," request ni Jarmae.
"Kaya nga. Para mas masaya," masayang sabi ni Rosanna.
"Okay lang sa akin. How about you Shakira?," tanong naman sa akin ni Olivia.
"Sige," maikli kong sagot.
"Yeahey! So, kailangan na nating ipaayos mamaya yung magiging kwarto natin. I'm so excited na talaga," sabi pa ni Rosanna.
"So, anong plano natin?," pagsisimula ni Jethro.
"Siguro kailangan pa nating malaman kung ano ba yang Adrasteia na yan," sabi ni Daniel.
"Para sa akin, lugar yan at nandyan lahat ng Allies Vampire," sabi ni Dwayne.
"Parang tama si Dwayne. Kaya kailangan nating makakuha pa ng ibang impormasyon tungkol dyan," sabi naman ni Jethro.
"Sige. Ako na bahala dyan. Pupunta ako mamaya sa loob ng Prinicipal's Office. Kunwari may gagawin lang ako na reports pero maghahanap lang ako ng ibang libro baka sakaling makatulong at makakuha pa tayo ng ibang impormasyon," sabi ni Olivia.
"Maraming Salamat sa inyo ah. Salamat dahil nandyan kayo para tulungan ako. Napakasaya ko dahil nagkaroon ako ng kaibigan na tulad niyo," I said with full of sincerity.
"Thank you guys for everything,"
~~~~~
Twilight Academy
of Vampires with Extraordinary Abilities#TwilightAcademyVEA
CptnSprmn_08
Vote. Comment.
BINABASA MO ANG
Twilight Academy
Vampire(COMPLETED) Si Shakira Sutherland ay isang Vampire na walang ibang hinangad kundi ang mamuhay nang mapayapa. Ngunit isang pangyayari ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Matututo siyang maghiganti sa mga Vampire na pumatay sa kanyang mga magu...