The Hidden Ronicames
of
ImperiaNasa classroom kami ngayon. As usual, may kani-kaniyang mundo. Nakita ko sila Kiera sa isang sulok, nakatingin sa akin. Di ko na lang sila pinansin.
*ring bells*
Naglalakad na lang ako ngayon papuntang cafeteria. Back to normal. Parang wala lang nangyari. Parang wala lang namatay.
How can they ignore things easily? How can they ignore important things that will happen? Acting like nothing has happened. Acting like nothing will happen.
Umupo ako sa isang bakanteng pwesto. Ako lang mag-isa, hindi pa kasi pwedeng magpakita si Dwayne e. Inaasikaso pa ni Jethro ang lahat para maging official na siyang estudyante dito.
Umorder ako ng pagkain, pagkatapos ay naghanap ng table saka umupo.
Maya-maya lang ay umuuga na ang table ko. Nagulat ako. Yung mga binili kong pagkain ay nakalutang na sa ere, at isa-isa itong bumagsak sa akin.
Mabilis ang mga pangyayari.
Naagaw ko ang antensyon ng mga estudyante na kailanman ay hindi ko inasam. Naramdaman kong parang lumulutang ang upuan na inuupuan ko, ibig sabihin, nakalutang na rin ako sa ere.
Wala akong magawa para ipagtanggol ang sarili ko. Nakita ko sila Kiera na nakangisi, at napagtantong si Athan ang may kagagawan nito. Telekinesis.
Babagsak na ako sa sahig, ipinikit ko ang mga mata ko...
Babagsak na ako...
~
~
~Ngunit, nakapagtatakang hindi ako nasaktan.
Idinilat ko ang mga mata ko, at nakita ang mukha ng isang lalaking nag-aalala, puno ng pagmamahal.
"Dwayne..." tanging lumabas sa bibig ko. Tumulo ang luha ko.
Hindi dapat ako nagpapakita ng kahit na anong kahinaan dahil baka gamitin nila iyon laban sa akin, pero hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.
Pinunasan niya naman ang luha ko.
"You're safe now, baby," he said.
"Wow! Look who's here. Her knight in shining armor. Great!" Natassa. Sumusubra na sila. Ano bang problema nila sa akin?
"Sino ka naman? Ah. Hindi na ako magtataka kung magkakilala man kayo, dahil parehas lang kayong sumusulpot na parang kabute," sabi naman ni Alvah, kaya nagsitawanan silang lahat.
Naglabas ng apoy si Kiera, dark fire.
"Ito ang nararapat sa inyo. Magsama kayong mamatay," bibitawan na sana niya ang apoy nang biglang sumakit ang ulo niya.
"What the hell is this?! Ahhhhh!" Sigaw niya.
Dwayne's POV
Hinding hindi ko hahayaang may manakit sa'yo Shakira. Dadaan muna sila sa akin bago ka nila masaktan. At sisiguraduhin kong hindi sila magtatagumpay na saktan ka.
BINABASA MO ANG
Twilight Academy
Vampir(COMPLETED) Si Shakira Sutherland ay isang Vampire na walang ibang hinangad kundi ang mamuhay nang mapayapa. Ngunit isang pangyayari ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Matututo siyang maghiganti sa mga Vampire na pumatay sa kanyang mga magu...