Camping
Pagkagising ko, naligo na kaagad ako at nagbihis. Panibagong araw na naman sa Twilight Academy. Dumiretso na ako sa cafeteria. Naglalakad na ako nang may napansin ako. Parang may kakaiba. Para kasing ang ingay. Mas maingay pa sa mga nakaraang araw. Ano kayang meron? Hayst!
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Pagkapasok ko pa lang ng cafeteria ay mas umingay pa lalo. Dito pala nanggagaling ang ingay na naririninig ko kanina pa. Naku-curious na talaga ako. Naglakad na ako papasok. Bigla naman silang tumahimik. At maya-maya rin ay bumalik na rin sa pag-iingay. Ano ba talagang meron? Naiinis na ako!
"Shakira! Dito bilis!" pagtawag sa akin ni Jarmae.
Naglakad na ako patungo sa direksyon nila. Napansin ko na nag-uusap-usap rin sila.
"Ano bang meron?! At parang ang ingay yata dito?!" naiirita kong tanong.
"Magkakaroon daw tayo ng camping," parang excited na sabi ni Rosanna. Nandito na rin pala siya.
"Bakit naman? Para saan?" sunod-sunod kong tanong.
"Isang beses sa isang taon lang ito ginagawa. Dito sa gaganaping camping na ito, marami tayong gagawin. Sa loob ng isang linggo, mamumuhay tayo sa labas nitong Academy. Di nga namin alam kung bakit isang linggo e. Kasi dati naman dalawang araw lang. Pero maganda na rin siguro iyon. At sigurado akong magiging masaya rin ito," paliwanag ni Kenzo.
"Dito sa camping na ito, Magha-hunt tayo para may makain. Balita namin sa kalapit na bayan ng Macedonia daw iyong lugar eh. Basta kagubatan iyon. Sa Mycenean yata. Oo, tama!" dagdag naman ni Daniel.
"So kailan naman iyang camping na sinasabi niyo?" tanong ko.
"Mamayang hating gabi," sagot ni Jarmae.
"Oh, diba maganda iyon! Exciting!" sabi naman ni Jethro.
"Teka nasan si Olivia?" tanong ko naman nang mapansin na wala siya rito.
"Ah. Pinatawag kasi siya sa Principal's Office. Siya kasi ang namumuno sa mga estudyante rito. Siguro kakausapin siya tungkol sa magaganap na camping. Siya rin yata ang mamumuno sa mga estudyante mamaya," sabi ni Rosanna.
"Ah," iyan na lang ang nasabi ko.
Pumasok na kami sa classroom namin pagkatapos naming kumain. Statistics ang subject namin ngayon. Ang boring kaya! Buti naman natapos na. Nag-lunch na kami. Mabilis na lumipas ang oras. Naghanda na kami para sa camping mamayang hating gabi. Matapos maghanda ay nagtipon-tipon na kami sa gate ng Twilight Academy kung saan nakaabang ang mga sasakyan na gagamitin namin.
"So ako at si Ms. Allaina Gutierrez ang makakasama niyo sa camping na ito," pagpapakilala ni Sir Roudner kay Ms. Gutierrez na ngayon ko lang din nakita sa Academy na ito.
"Hi. Goodluck sa magiging camping niyo. Nandito lang kami para i-guide kayo," sabi ni Ms. Gutierrez.
Maganda siya. Matangos ang ilong. Mapula ang kaniyang mga labi. Mukhang magkasing-edad lang sila ni tita Carmela. Nasa 28 years old na yata siya. Napatingin siya sa direksyon ko. At nginitian niya ako. Ewan ko. Pero parang ang weird ng pagngiti niya. Parang may meaning.
"Sige. Pumasok na kayo sa loob ng sasakyan. Susunod na lang kami sa inyo," sabi ni Sir Roudner.
Pumasok na kami sa loob ng sasakyan. Umandar na ito. Bumukas naman ang malaking gate ng Twilight Academy. Hiwalay ang sasakyan ng mga lalaki sa babae. Itong camping na ito ay para lamang sa aming mga senior. So medyo konti lang kami. Siguro tatlong kotse na malaki para sa mga babae at tatlong kotse rin para sa mga lalaki.
Tama nga sila. Malayo talaga ang bayan ng Mycenean sa Macedonia. Hayst! Nakita ko si Jarmae na nakaidlip na. Pati na rin si Rosanna. Medyo inaantok na rin ako kasi 4 am na. At nasa kalahati palang kami ng biyahe. 12 am kami umalis. So mahigit walong oras ang magiging biyahe namin patungo sa Mycenean.
Natulog na rin muna ako. Habang si Olivia, ay nakatingin lang sa may bintana.
"Shakira, gising na. Nandito na tayo."
Nagising ako. Umaga na pala. Bumaba na kami ng sasakyan. Maganda ang paligid. Tanaw ko ang malusog na kagubatan. Maraming puno at mga halaman. Ramdam ko rin ang mga hayop na nasa paligid lang namin. Ang sariwa ng hangin. ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman lang ang kapaligiran. Sobrang payapa ng paligid. It's kind of relief. I love the comforting feels. I opened my eyes, at nakita ko ang asul na asul na lawa. Madamo rin ang paligid. Hindi naman kataasan iyong damo. Tamang-tama lang na pag-picnic-an at iba pa.
Inilabas na namin ang mga gamit namin, at inayos na rin. Iyong iba, hinahanda na ang mga tent na gagamitin nila. Iyong iba naman ay naghahanda na rin ng mga pagkain na kakainin namin. Sila siguro ang in-assign ni Olivia para sa pagkain. Nagugutom na rin pala ako. Sumikat na ang araw. Magdadalawang buwan na pala kami sa Twilight Academy. At anim na araw na lang ay kaarawan ko na. I'm turning 18.
Paano kaya iyon? Akala ko ba kada dalawang buwan ay lalabas kami ng academy para bisitahin ang relatives namin? Tss. Kumusta na kaya si Tita Carmela? Gusto kong makita kung maayos lang ba ang kalagayan niya. Mukhang malabo pa iyong mangyari sa ngayon dahil sa rami ng ginagawa namin sa academy. Malaki rin naman ang maitutulong nito sa akin, lalo na at kailangan kong kumilos para ipaghiganti ang aking mga magulang. Kukuhanin ko na ang pagkakataon na ito para maisakatuparan ko ang aking hangarin.
"Shakira! Halika na rito! Kain na muna tayo!" pag aaya sa akin ni Dwayne.
Nginitian ko na lang siya bilang pagtugon. Pumunta na ako kung saan sila naka-puwesto. Kumakain na rin ang iba sa mga kasama namin. Iyong iba ay nagkumpulan sa isang tabi gaya ng ginagawa namin, at iyong iba ay nagso-solo.
"Kumuha ka na ng pagkain roon," sabi ni Jarmae.
Kaya kumuha na lang ako ng pagkain. Pagkatapos naming kumain ay nagtitipon-tipon na kami.
"Good Morning Seniors. So, sa camping na ito marami tayong gagawin. Susukatin namin kung hanggang saan kayo tatagal. Magkakaroon tayo ng survival game kung saan hahasain ang inyong mga kakayahan sa pakikipaglaban, pakikisalamuha sa inyong mga ka-myembro, at pakikipagsapalaran," paliwanag ni Sir Roudner.
"Sana sa activity na ito ay marami sa inyo ang may matutunan. At mas maganda kung lahat kayo," sabi naman ni Ms. Gutierrez.
"So goodluck sa inyo," dagdag pa niya.
~~~~~
Twilight Academy
of Vampires with Extraordinary Abilities#TwilightAcademyVEA
CptnSprmn_08
Vote. Comment.
BINABASA MO ANG
Twilight Academy
Vampire(COMPLETED) Si Shakira Sutherland ay isang Vampire na walang ibang hinangad kundi ang mamuhay nang mapayapa. Ngunit isang pangyayari ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Matututo siyang maghiganti sa mga Vampire na pumatay sa kanyang mga magu...