"I've met... Pat"
At ayun nga, kinuwento ni Maw este Marsh kung pano niya na-meet si Patrick na tinatawag naming Pat na member din ng Lucky 7 which is grupong pinamumunuan ni Baby Bear Clark KO. Kay liit nga naman ng mundo...
May naalala ako sa kinuwento ni Marsh, "Pakisabi na lang kay Yan, Maw" pahabol ni Patrick nang hindi lumilingon pero itinaas niya ang kamay niyang naka-form ng bilog.
If I remember it right, ang meaning ng kamay na naka-form ng bilog sa grupo namin dati is private group meeting.
Oo, may grupo kami. At ang mga miyembro?
Walang iba kundi ako, si Marie, Pat at... Cedric, Ced for short. At si Pat at Ced ay miyembro na ng Lucky 7 ngayon.
Haaaaayy... Pero, wait!
Nag-sign ba talaga si Pat ng bilog?
So does that mean... magkikita-kita ulit kaming apat?!
Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.
From: +63936*******
Let's meet at the back gate. I hope you'll come with Maw, Yan.
- Pat and CedO.O San naman kaya nila nakuha 'yung number ko?
Dalawang posibleng scenario ang naisip ko:
①Scenario kung saan nakontrol ang mga katropa namin gamit ang charms nila Ced at Pat at unconciously naibigay nila ang number ko.
②Simpleng kinuha nila kay Clark.
Ano sa tingin nyo ang tamang scenario?
Just text <OKANNE> space <the number of your answer> and send to 1434.
Kidding aside, alam kong sila Rhea ang nagbigay ng number ko. Haaay, ano pa bang bago?
Pero okey lang, mabait naman 'tong pinagbigyan nila eh.
Pinabasa ko kay Maw 'yung text nila. Pagkatapos niya itong basahin ay tinignan niya ako. Ang kanyang mga singkit na mata ay lumaki. "Hindi ko inisip na ngayon na tayo mag-uusap."
Pati naman ako eh. "So, pupunta tayo?"
Tumango siya at nagsalita, "Hindi naman siguro nila tayo ipapahamak diba?"
Oo nga naman. "Sige. Magpapaalam lang ako kay Clark."
Nginitian na lang ako ni Marie.
May bigla akong naalala. Shete! Ihahatid pala ako ni Clark!
To: Baby Bear Clark Ko :*
Baby bear ko, hindi mo muna ako mahahatid. Sorry ah... Magkikita kasi kami ng mga kababata ko. Don't worry, I'm with Marie. Sorry talaga.

BINABASA MO ANG
The Dare
Novela JuvenilAkala mo totoo na, laro lang pala. Meet Leah Rodriguez. Isang mabait, anak mayaman, maganda, matalino, mahinhin, loyal, halos lahat na ng positive adjectives para sa babae pwedeng ipang-describe sa kanya. Sa mas maikling description, full packaged l...