Flashbacks: Part 2

510 26 3
                                        

Bumalik lang ako sa Earth nang may marinig ko ang boses ni...

"Patrick..."

Hindi ko maintindihan pero sigurado akong boses ni Patrick 'yun.

"Leah and Marie, please come here." utos nung Master nila na ama pala ni Ced. Si Tito Francis Jimenez

"Yes tito."

Hinawakan ko ang kamay ni Marie at sabay kaming lumapit kay Tito Francis.

Ngayon ko lang napansin na katabi pala ni Tito si Tita Celine Jimenez. Ang asawa ni Tito Francis at ina ni Cedric Jimenez.

"Dad, where are they?"

Narinig ko naman ang boses ni Ced mula sa laptop na nakaharap kay Tito Francis.

Huminto kami sa harap ng table ni Tito.

"Sit down, first." alok ni Tita Celine kaya ginawa namin.

"Please bring the cupcakes that I baked and please make some orange juice for us. Thanks."

"Yes, your Highn-- I mean, yes Ma'am."

"Anong huling pangako niyong apat sa isa't isa?" tanong ni Tito

Nag-brainstorm muna ako and after 1 minute of silence, naalala ko ang huling pangako namin.

"Hindi po kami mag-iiwanan, kahit kailan."

Nagbuntong-hininga si Tito at Tita at hinarap ni Tito ang laptop niya sa 'min.

"A-Anong ibig sa-sabihin… nito?"

Nagawa pang magtanong ni Marie pero ako, walang masabi. Para ngang nanigas ako sa kinauupuan ko sa gulat eh.

"B-Bakit po naka-skype sila? A-Asan mo ba sila? B-Ba't wala po ata kaming alam?" dagdag pa ni Marie.

"I think we---" hindi naituloy ni Tito ang sinasabi niya nang i-end nila Pat ang skype call.

"Ano po bang meron? Asan po sila Cedric?"

"Leah, they're now studying in Korea" sabi ni Tita.

Tila gumuho ang mundo ko sa narinig ko.

Just like, what the heck?!

Pumunta sila sa Korea nang hindi kami sinasabihan?! And the worst of all, dun pala sila mag-aaral!

Anak ng tinapa! Di man lang kami sinama, porkchop naman! Nangako-ngako pang walang iwanan tapos mapapako din lang naman pala! Pakainin ko sila ng pako eh!

Tangna, wala bang tiwala 'yang perst krass ko sa 'kin?! Putspa!

"Leah, Marie, don't cry."

Dun ko lang na-realize na umiiyak na pala ako.

~❤~

Second year na kami, hindi pa bumabalik sila Patrick. Kahit bumisita man lang sana sila sa 'min ni Marie, kaso wala eh.

May bago na rin akong tinitilian... at ang pangalan niya ay Clark.

To be continued...

~~~

Short chapter only!

Vote ∞ Comment ∞ Share

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon