(Leah's POV)
Nagising ako dahil sa sinag ng araw.
Arrgh! Sino nanaman nagbukas ng kurtina ko?
Wait--pano ako nakauwi? Diba--OOUUCH! Shete otso nuwebe, ang sakit ng headibels ko! Haist! Buti na lang School Fest pa ngayon.
Nagkakamot ang ulo akong tumayo sa kama ko at dumiretso sa full length mirror nang mapatingin ako sa sofa.
Wait--who is this sleeping person on my sofa? Nakatalikod kasi siya sa direksyon ko kaya hindi ko ma-sight 'yung fes niya.
Nilapitan ko siya at sinilip ang mukha niya. O.O
"OMG! Clark?!"
Bigla siyang nahulog sa sofa at nag-roll konti. Sorry, nagulat yata siya. Ahehehehe.
Tumayo siya habang kinukusot ang mata. "Huh?"
"Huh-huh-hin mo mukha mo! Bakit ka nandito?!"
Shitsu, mas lalong sumakit 'yung parang nabibiyak at minamartilyo kong ulo! WAAAHH! Anyare ba kagabi?!
"Huh? Ikaw ah, bakit ka nasa kwarto ko?"
"Kwarto mo? Like duh, hindi mo ba nakikitang pink ang kwartong tinulugan mo?"
Inikot niya ang tingin sa buong kwarto tapos nagkamot ng batok. "Ah oo nga pala." sabi niya tapos pumasok sa bathroom ko.
Naka-crossarms akong umupo sa sofa ko.
Wait--bakit amoy alak ako? What happened last night?
I was in the middle of brainstorming nang mapansin ko ang backpack sa tabi ng sofa.
So, pinaghandaan talaga niyang matulog dito.
Narinig kong bumukas-sara ang pinto ng bathroom ko kaya napatingin ako sa direksyon non.
Oh--my...
GOSH! Shet! 6-pack abs, well-toned muscles! OMG! Ang hot niya! Isabay mo pa ang wet look! Sheet, he's half-naked in front of me!
Parang nawala ata 'yung sakit ng ulo ko sa nakikita ko ngayon.
Taeng tukso 'yan! Layuan mo ako, kundi baka magahasa ko siya ng wala sa oras!
I only snap back to reality when Clark snapped his fingers in front of my face. "Like what you're seeing?"
"Asa ka! Chupi!" Tapos tinulak ko siya palayo saka pumasok sa bathroom ko. Ay nako, palagi ko na lang bang isusuot ang maskarang iyon? Ang maskara na nagpapakita na hindi ko na mahal si Clark, na kaibigan na lang ang tingin ko sa kanya.
Matapos ng fifteen minutes na pakikipagsapalaran sa sabon at tubig, eh natapos din ako. Dito na din ako nagbihis sa cr.
Pagkalabas ko, wala na si Clark at 'yung bag niya.
Hmmp! 'Di man lang nagpaalam, tss.
Bumaba na ako agad papunta sa dining room. May nakita akong nakatalikod na lalaki. Siguro, si kuya 'to.
"Oy, ku-- Clark?! Andito ka pa?!"
"Yo!" bati niya sabay itinaas pa ang kamay. Uminom siya ng tubig saka tumayo at inakbayan ako. "Kumain ka na, Leah. Pinagluto kita."
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Don't mock me. Si Manang Lina ang nagluluto kapag wala ang parents ko."
"Yeah, but, I insisted that I will cook."
Uupo na dapat ako sa usual seat ko nang bumukas ang pinto ng dining room. Sabay kami ni Clark na napalingon doon.
"Kuya?"

BINABASA MO ANG
The Dare
JugendliteraturAkala mo totoo na, laro lang pala. Meet Leah Rodriguez. Isang mabait, anak mayaman, maganda, matalino, mahinhin, loyal, halos lahat na ng positive adjectives para sa babae pwedeng ipang-describe sa kanya. Sa mas maikling description, full packaged l...