Mahina akong siniko ni Marie.
"Wait lang! Sinong nakakaalam ng CR? Ihing-ihi na kasi ako ehh..." -Maricar
"Ako." -Marie
"Pasama Marie, pleeease. *pout*"
"Aaah, s-sige"
"Uuliti---" pinutol ni Maurice ang pagsasalita ko at siya naman ang nagsalita.
"Wala akong gusto sa kanya. Kung pwede nga lang na siya na 'yung mamahalin ko eh, kaso hindi pwede, hindi pwedeng turuan ang puso kung sinong gugustuhin at mamahalin nito. Iba ang mahal ko. At 'yung mahal ko na 'yun, iba din ang mahal. At kung sinuswerte nga naman ako, 'yung pinsan ko pa ang gusto niya. Ang saya diba?" Sarkastiko ang pagkakasabi niya.
Sino naman kaya 'yung pinsan niyang 'yun? Hindi naman si Clark 'yun diba?
"Sino ba 'yang magaling na pinsan na 'yan? Tara, resbakan natin!" Sabi ni Clark.
"Hindi ko na sasabihin ang pangalan niya. Wala na rin lang akong magagawa dahil sila na. Saka hindi mo makakayanang resbakan 'yun"
Wait lang. Mag-isip ka pa Eya.
Sino pa ba ang mga pinsan na lalake ang meron ang mga mokong na 'to?
"So, ang gusto mo ay si Pearl, 'yung malanding haliparot na higad na 'yon? Siya ang syota nung g*gong bulok na PINSAN nating si Jordan diba? 'Yung kabit ni Pearl nung kami pa." sobrang harsh ng pananalita ni Clark. Parang kanina lang mukha siyang matinong prinsipe tapos ngayon para na siyang beast na pwede kang lamunin anytime.
Ang bitter naman ni Clark kay Pearl.
"O-oo siya nga. Kaya nga gusto kong si Marie na lang 'yung mahalin ko eh. Kaso ayoko siyang gawing rebound."
OMG. Ang haba ng hair ni Pearl ha? Imagine, tatlong hotties na magpipinsan ang nagkagusto sa kanya.
"Tsk." 'Yun na lang ang sinabi ni Clark tapos hinila na niya ako paalis sa Center.
Nung nakalabas na kami, huminto ako dahilan ng pagtigil din ni Clark.
"May problema ka ba?" Tanong ni Clark.

BINABASA MO ANG
The Dare
Teen FictionAkala mo totoo na, laro lang pala. Meet Leah Rodriguez. Isang mabait, anak mayaman, maganda, matalino, mahinhin, loyal, halos lahat na ng positive adjectives para sa babae pwedeng ipang-describe sa kanya. Sa mas maikling description, full packaged l...