Surprise!

663 22 3
                                    

Yes! Wala pang prof! Kaya pala ang gulo nila eh.

Mabilis akong lumakad papuntang upuan ko. Ang katabi ko nga pala ay si... *sigh* wala nga pala akong katabi.

May narinig naman kaming kumatok sa pinto ng room namin kaya lahat ng mata napunta sa pinto.

Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko ang MGA tao sa pinto.

Nakabukas lang kasi ang pinto ng room namin kaya nakita ko sila agad.

Oh no! Bakit kasama niya 'yan?!

Bakit kasama ni Clark ang Guidance Counselor?! Sino nanamang may ginawang kalokohan sa 'min?!

Baka nagtataka kayo kung bakit may mga loko-loko sa 'min.

Ang section ko ay 4-1, and alam niyo naman siguro kung bakit. Kaklase ko din si Pearl, ang pres. ng student council.

And the question is, bakit may mga loko-loko sa 'min kahit na section 1 kami at nasa klase pa namin ang president at vice president ng SC? That's life. We're normal students din naman eh.

"The student council officers and Ms. Heart please." sabi nung counselor gamit ang kanyang creepy voice.

Nako, dedoks na si Rhea!

~❤~

(Rhea's P.O.V)

Shocks! Papunta pa lang kami sa Guidance Office kinakabahan na ako!

'To naman kasing Rhea na 'to, kalimutan ba naman daw pumunta sa Guidance.

Pagkapasok namin sa office, dumoble ang kaba ko pero naging triple naman nang makita ko si Sir Jacob.

Patay na talaga ako neto.

Andito sina Pearl Medina na president, Leah Rodriguez na tropapits ko na vice president, si Clark Sanford na secretary, si Jordan Sanford na treasurer at si Rhianne Ramos na tropa ko din na fourth year representative. In short, ang student council.

Umupo na sila sa long table, bale ang sitting arrangement nila ay nasa gitna si Ma'am Bartolome—ang Guidance counselor, sa left niya si Clark, then Leah, then Pearl. Sa right naman ni Ma'am si Jordan, then Rhianne, then Sir Jacob.

Umupo na rin ako sa harap ng table.

"Ms. Rhea Heart, is it true that you're not paying attention in your English class under Mr. Jacob?" tanong agad ni Ma'am

"Y-Yes ma'am."

"That's why he gave you third degree detention, correct?"

"Y-Yes ma'am"

"And you didn't come here after class, correct?"

"Y-Yes ma'am"

"Do you wanna escape from your punishment?"

"Y--- No ma'am"

Pinanglakihan ako ni Eya ng mata.

Phew. That was close.

"Ohh... Then, why didn't you come?"

"I forgot ma'am."

"You forgot?" tapos pinagtaasan niya ako ng kilay. "Are you even old enough to forget that you need to go here?"

Psh. Matanda lang ba kasi may karapatang makalimot?

"I'm sorry ma'am."

"Okay. Being the student council's president, what do you think is the suitable punishment for her, Ms. Medina?"

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon