Sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng TNT.
"Bakit parang bomba naman ata 'yung abbreviation?" aniko
"Kasi ako nag-isip!" sagot ni Sam nang may malaking grin sa mukha.
"Sino nagpagawa nitong building?" Tanong ko ulit tapos sabay-sabay kaming umupo sa couch
"Ako. Wala na kasi tayong kapayapaan sa mga public places dito sa university that's why I asked my father to talk to the owner and buy this space" - Yannie
"Ako ang nagbayad for the architect." - Ricar
"Kami ni bespren sa materials" - Eya
"And ako sa mga gamit sa loob." - Sam
Napansin ko lang...
"Bakit wala ata akong nailabas na pera para dito?"
"Akala mo lang wala, pero meron! Meron!" Ulol na sabi ni Sam
"Huh? Pano?"
"Hulaan mo!" Sabay-sabay nilang sagot
Hinalungkat ko ang aking utak para sa mga posibilidad. Pero seryoso, wala akong maisip.
Ilang minuto ang lumipas.
"Oh sige na nga. Sasabihin ko na. Kawawa ka naman" sabi ni Marsh sabay tawa.
Geh, pagtawanan niyo 'ko! Porket inosente lang ako eh! ●︿●
Biglang siyang nag-serious mode at, "Kinausap namin ang mama mo. Sinabi namin ang tungkol dito sa TNT at tinanong kung anong pede mo i-contribute para dito. Kaya ang sinabi ni tita, siya na ang bahala sa labor as your contribution." Diretsong sabi ni Marsh.
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
Loading... 99%... 100%... ting!
"SINABI 'YUN NI MAMA?!"
"Uhhh, oo. Kasama namin ang papa mo kaya nag-contribute ang mama mo."
Si papa talaga ang kahinaan ni mama. Kaya nga tuwing may hihingin ako kay mama, dapat laging kasama si papa eh.
"Anyway, ibibigay ko na ang spare key niyo pero in case, ibibigay ko ang master key nitong tambayan kay, Eya being the most responsible sa tropa natin." said Marsh
~❤~
(Eya's P.O.V)
Uwian na at sabay-sabay kaming dumiretso sa TNT para kunin ang ibang gamit namin.
"Haaaayyyy... Babye na mga girls. I'm tired na. May sasabay ba sa 'kin?" Pagkakuhang-pagkakuha ni Yannie ng gamit niya ay nagpaalam agad siya.
"Kung sabay-sabay na lang kaya tayong lahat?" Suhestiyon ko
"No, Eya. May pupuntahan pa tayo." Pag-ayaw ni Marsh
"Ooohhhh..." na lang ang nasabi ko.
"Okay then, una na kami" paalam ni Ricar
"Bye Eya at Marsh!" Paalam nilang apat.
"Okay! Bye people!" Sabay kami ni Marsh
Kasabay ng paglabas nila ang malakas na pagtawa ng mga... I think boys. Sigurado akong mula ito sa labas.
Sumilip kami ni Marie sa bintana at laking gulat namin nang makita sila Baby Bear Clark at Adrian sa loob ng isang room. Sumilip pa kami nang mas maigi at lumaki ang mata namin nang makita lahat ng member ng grupo nilang Lucky 7. At ang dalawang hindi ko inaasahang magiging miyembro, si Patrick at Cedric.
Pero hindi ko na lang pinansin.
Isang tanong lang ang prinoduce ng brain cells ko, "Ito ba ang sinasabi nilang HQ ng Lucky 7?"
Napatingin kami ni Marsh sa isa't isa at sabay na napatili.
"WAAAAAAAAAHHHHH!!!! O.M!!!!!!!!" - Marsh
"OH MY GOSH!!!! KATABI NG TNT NATIN ANG HQ NG LUCKY 7!!!!!!!" - ako
Oh my god, oh my god *insert Vice Ganda's tone here*
Oo na kami nang OA. Eh sa kinikilig kami eh. Sorry na ^_^V.
Napatigil ako dahil naalala ko 'yung 'pupuntahan' daw namin ni best friend.
"Ahhh, Marie, saan pala tayo pupunta?"
Biglang sumerious mode si Marie.
Ang sinagot niya ay hindi ang sagot sa tanong ko at ito rin ay ang pinaka-unexpected ko na sasabihin niya...
"I've met... PAT"
To be continued...
AUTHOR'S NOTE:
And there, isang pabitin epek and isa lang hihilingin ko, 'yun ay sana nabitin kayo.
Anyways, short chapter lang muna.
And BTW, if ever nalilito kayo sa mga nicknames nila, ililista ko na lang po below ang nicknames nila with their original names.
Leah~Eya/??
Marie~Marsh/Maw
Rhea~Rin
Samantha~Sam
Maricar~Ricar
Rhianne~Yannie
That's all...
Bye bye
BINABASA MO ANG
The Dare
Ficțiune adolescențiAkala mo totoo na, laro lang pala. Meet Leah Rodriguez. Isang mabait, anak mayaman, maganda, matalino, mahinhin, loyal, halos lahat na ng positive adjectives para sa babae pwedeng ipang-describe sa kanya. Sa mas maikling description, full packaged l...
