New Year, New Love?

569 21 3
                                        

Ambilis talaga ng araw. Biruin niyo 'yun, 45 minutes na lang bagong taon nanaman! New Year, new life! Magbabago na ako, praamis! Hindi na ako magpapakagaga sa isang lalaking niloloko lang pala ako! Promise 'yan! 'Pag hindi ko natupad... edi hindi ko natupad! That's easy! Haha, kidding.

So anyway, dito lang kami sa bahay magbabagong taon. Medyo malaki naman ang bahay namin kaya napagkasunduan nilang dito na lang mag-celebrate with our relatives sa both side. Nung Pasko naman, sa rest house namin sa Japan kami nagdiwang. Gusto daw kasi nila maka-experience ng snow nung Christmas kaya kami napadpad dun. And luckily, hindi muna business ang inisip ni dad nung Christmas at ngayong New Year.

Nag-prepare lang kami nang nag-prepare para sa New Year hanggang sa isang minuto na lang ang natitira sa taong 'to.

Hinanda na nila 'yung mga fireworks. Well, halos taon-taon naman kami nagpapaputok ng paputok at sa awa ng Diyos, eh wala pa namang nangyayaring masama kapag nagpapaputok kami.

And in, “10! 9! 8! 7! 6! 5! 4! 3! 2! 1! Ha--”

Napatigil ako sa pagsabay sa countdown nang mag-ring ang phone ko. In-accept ko 'yung call kahit hindi ko tinignan ang caller ID.

“HELLO?!” Nilakasan ko talaga ang boses ko. As in maximum volume talaga! Nagsipaputukan na kasi sila ng mga fireworks! Hindi ko tuloy napaputok 'yung pina-reserve ko pang paputok!

[Asdfghjvcdfesx!] Hanudaw? Hindi ko pa din marinig 'yung boses niya, the fact na ni-loud speaker ko pa. Puro din kasi fireworks at turotot ang naririnig ko. Tinignan ko 'yung caller ID. Nako, si Maurice pala.

“KUYA, WALANG GAGALAW SA PAPUTOK KO! KAPAG 'YAN PINAPUTOK NIYO O KAHIT NA-MOVE NANG KONTI IKAW IPAPAPUTOK KO!” mahinahon kong bilin kay kuya. Oo, ‘mahinahon’ talaga.

“Oo na. Makasigaw ka wagas, ha? Tsk.”

Nilapag ko na 'yung paputok sa may upuan saka pumasok muna sa bahay at dumiretso sa kwarto ko.

“Hello Maurice!” sabi ko tapos dumungaw sa may bintana ko. Ang ganda talaga ng sky ngayon. Madaming bituin, nakikita ko pa nga 'yung constellation ni Cassiopeia eh. Tapos may makikita ka ring nagpuputukang fireworks.

[Hi Leah! Happy New Year!]

“Happy New Year din. Sorry ha? Ang ingay kasi nila sa labas kaya pumasok muna ako.”

[Okay lang. Pero, pfft HAHAHAHAHAHAHAHA! 'KUYA, WALANG GAGALAW SA PAPUTOK KO! KAPAG 'YAN PINAPUTOK NIYO O KAHIT NA-MOVE NANG KONTI IKAW IPAPAPUTOK KO!' BWAHAHAHAHAHA] Tapos pina-girl niya pa 'yung boses niya. Luh? 'Di naman siya tawang-tawa nuh? Nag-laugh out loud pa amp*ta!

Pinakinggan ko lang ang pagtawa niya at after mga two minutes na pagtawa ay tumigil naman na siya.

“So, tapos ka na tumawa?” sarkastiko kong tanong.

[Ha? Hindi pa eh. Wait lang ha, itutuloy ko lang pagtawanan ka. HAHAHAHAHAHA! Ayan tapos na KITANG pagtawanan.] Wow lang ha? In-emphasize pa talaga niya na ako ang pinagtatawanan niya.

“I hate you to death.”

[I love you too to death!]

Huh? Ang layo naman ata ng I love you sa I hate you? O baka, assuming lang talaga siya na I love you ang sinabi ko?

“Excuse me, Mr. ASSUMING, wala akong sinabing I love you, I HATE YOU 'yun.”

[Hahaha! Excuse me din, Ms. WALANG-GAGALAW-SA-PAPUTOK-KO, the more you hate, the more you love!]

Napa-facepalm na lang ako.

“Bakit ka pala agad-agad tumawag?”

[Hmmm... Kasi gusto ko boses mo ang una kong marinig sa bagong taon na 'to aside sa mga singer. Kanina kasi nung nag-countdown sila dito, sinalpak ko agad 'yung headset ko at finull volume para wala kong marinig na boses.] Napangiti naman ako sa sinabi niya. An-sweet naman!

“Ah ga--” naputol ako sa pagsasalita nang may marinig akong boses mula sa likod ko.

“Hoy, pinsan sino 'yan ha? Ang cheesy masyado! Ansarap tuloy agawin sayo.” Napalingon agad ako sa nagsalita. Si Yassy pala, ang pinsan kong medyo b*tchy kasama si kuya.

“Uso kasi mag-sarado ng pinto at hindi mag-loud speaker noh? Try mo kaya minsan? May nalalaman pa kayong ‘Kasi gusto ko boses mo ang una kong marinig sa bagong taon na 'to’”  Ginaya pa ni kuya 'yung boses at accent ni Maurice. Pero, hala! Nakalimutan ko pa lang i-off ang loudspeaker ko!

~~~

“Ano ba 'yan, antagal naman niyang magising!”

“Yaan mo na. 12:00 pa naman sila aalis. Saka 8:00 pa lang. 3:00 kaya 'yan natulog.”

Naalipungatan ako dahil sa nagbubulugan or should I say, nag-uusap. Minulat ko ang mata ko at ang nakita ko agad ay si Yassy at kuya.

“Hooh! Finally nagising ka din, couz!” Wow ha? Para naming 5 days akong natulog.

“Anong oras na?” tanong ko.

“8:00” sabay nilang sagot at ngumiti pa.

“Peste, bakit kayo nandito?” tanong ko ulit.

Ah nakalimutan ko pa lang sabihin na masungit ako ‘pag ginising nang walang dahilan.

“May pupuntahan tayo.” Sagot ni kuya. “Ah ganun ba? Wala akong pake. Matutulog na ako ulit.” Tumagilid ako at pumikit na ulit.

“Wait lang, Yassy ha? May kukunin lang ako.” Narinig kong sinabi ni kuya na sinundan ng pagbukas at sara ng pintuan. Naiwang tahimik ang kwarto ko. Haay, buti naman at makakatulog na ako ulit. Kaso lang…

“HOLY PAKINGSH*T!” Nagising ang diwa ko at nahulog pa ako sa kama. Sh*t lang, ang sakit sa likod nun ha?

Binuhusan kasi ako ni kuya ng sobrang lamig na tubig, ‘yung parang kagagaling lang sa ref, ‘yung parang ‘pag ininom mo, mabe-brain freeze ka ngay tapos parang may ice pa! Ganun kalamig! Sinong hindi magigising dun? Napamura pa tuloy ako!

Nakita ko ‘yung mukha ni Yassy, parang naaawang ewan, tapos si kuya naman nakangisi. Tss…

“Ayan, nakaligo ka na. Dalian mo magbihis tapos sumunod kang kumain sa baba.” Umiwas ako ng tingin tapos nag-make face.

“Kapag hindi ka nagbihis at bumaba in 20 minutes, maka-cut ang allowance at cards mo tapos grounded ka for a month.” Dagdag pa niya.

Pareho kami ni Yassy na literal na napanganga. Tengene, para lang dun, ganun na kalaki ang punishment ko?!
“Tara na Yas.”

Wala akong nagawa kundi sumunod. Pero syempre, naligo pa ako nuh.

~~~

“Magsha-shopping naman pala tayo, bakit hindi niyo sinabi para nag-ayos agad ako!”

Pagdating kasi sa shopping, go agad ako kahit kulang pa ako sa tulog o kung ano.

“To surprise you?” Yassy answered.

“Anong sumapi sayo kuya at nag-yaya ka na mag-shopping?” Si kuya kasi, hindi siya sasama ‘pag nag-mention ka ng shopping.

“Napag-utusan lang.” bulong niya. Pero narinig ko.

“Huh?”

“Ah wala! Sabi ko, bagong taon naman kaya dapat madami din tayong new stuffs.”

“Ahh…” sabi ko na lang kahit may doubt pa din.

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon