(Eya's P.O.V)
Pagka-upo na pagka-upo ko sa upuan ko sa room, inubob ko agad 'tong ulo ko sa lamesa. Kakatapos lang ng break time at kakagaling ko lang sa Guidance. Urghhh!!! Nakakainis talaga!!!
Flashback
The moment I stepped on the Academy grounds, nagbulungan agad ang mga students habang nakatingin sa 'kin.
'di naman halatang ako 'yung pinagbubulungan niyo no? Tss.
Dumiretso muna ako sa CR dahil na-conscious ako sa itsura ko.
Nung na-feel kong okay na ang itsura ko pumasok muna ako sa isang cubicle at umihi nang may marinig ako.
"Si Ms. Leah ang girlfriend ni King Clark, diba?" - girl's voice 1
"Oo. Ang swerte nga niya eh." - girl's voice 2
"Si Leah, swerte kay Clark? Nagpapatawa ba kayo?" - girl's voice 3
"Of course not, Amber. Lahat kaya pinagpapantasyahan si King Clark." - girl's voice 2
So, Amber pala 'yung pangatlo.
"Oo, lahat pinagpapantasyahan si Clark. Pero, hindi swerte si Leah kay Clark." - Amber
"Anong pinaglalaban mo?" - girl's voice 1
"May hindi alam si Leah."
Napataas ang kilay ko sa sinabi nung Amber daw.
"Ano naman 'yun?" tanong ni girl 1.
"Ganto kasi 'yun, dinare si Clark na makipagrelasyon sa isang babaeng 'di niya kelan man mamahalin saka makipagbreak sa eksaktong monthsary nila at kapag nagawa niya 'yun, motor ni Seven ang pabuya niya. Pero once na nalaman ni Leah ang tungkol dun, game over and he lost."
End of Flashback
Kaya ayun, hindi ko napigilan ang inis ko kaya nasampal ko siya tapos sinampal din niya ako kaya nahuli kami ni Pearl at binigyan ng detention slip. Buti nga first degree lang eh.
Lumilipad pa rin ang kaluluwa ko pero naramdaman kong may kumalabit sa 'kin sa right ko kung saan naka-upo si Ced.
"Ced, ano bang pro--"
Pakingsh.t! Bat sila Maw 'yung andito?!
"Anong Ced?! Kakaalis lang niya, gaga." wika ni Sam
"Ahehehe, ganun ba? Bakit daw? Tapos, bakit wala 'yung ibang kaklase natin?"
Sabay-sabay silang limang nag-facepalm. Sorry naman, wala akong alam.
"Free cut natin, bobita. May meeting daw ang profs."
~❤~
On the way to TNT kami nang magsalita si Sam, "Kamusta naman 'yung trip to Guidance mo?"
"Malas mo naman naka-meet and greet mo 'yung guidance counselor." - Ricar
"Makakanood ka pa ng live SONA ng mudra mo sa bahay niyo!" - Yannie
"May detention gift packs ka pa!" - Rhea
Saka sila sabay-sabay tumawa. Bigla naman silang tumahimik nang batukan ko si Sam. "Aray ko naman! Bakit ako lang nabatukan?!"
"Kasi ikaw nagpasimula." bored kong sagot
"Tsk."
"Nga pala Eya, anong meron sa inyo ni Marie with Cedric?" tanong ni Rhea na nagpatigil sa 'kin sa paglakakad.
Tinignan ko si Marie.
Wala kasi talagang alam sila friends. Ewan ko nga kung bakit 'di namin sinasabi eh. Pero, I think dapat na nilang malaman.
"They're our childhood friends but suddenly they left us."
Napa-gasp sila sa gulat pero agad napalitan ng unknown expression ang gulat sa mukha nila. Para silang kinikilig na ewan.
After a bit, nakarating na kami sa TNT.
"Dali ngarud magkwento ka!" - Yannie
Kaya ayun, mala-Charo ang drama ko ngayon.
Naikwento ko sa kanila ang buong kasaysayan ng malalim na pagkakaibigan namin. Char! Malalim na tagalog 'yan oy!
"OH MY GOSH Yan--- este Eya pala! Pero bakit hindi naging kayo ni Fafa Patrick kung pareho kayong may pagtingin sa isa't isa?" tanong ni Sam
Agad nag-react ang kamay ko at binatukan ang gaga, "Shunga, ang bata-bata namin noh!"
"Pero, duhh! Dapat at least man lang nag-confess kayo sa isa't isa kahit nung graduation." - Ricar
I give them a weak smile. "'Yun na nga eh."
"Sayang naagaw ka na ni Clark!" - Yannie
"Wait nga, sino ba talagang mas gusto niyo para sa 'kin, si Clark o si Patrick?"
"Syempre si Clark! Matapos kang iwan ng Patrick na 'yon?!"- Rhea
"Teka lang mga gaga ha? Bakit ako lang ata tinatanong niyo?"
"S---"
Naputol ang sinasabi ni Marie nang may kumatok. Lumapit ako sa pinto at binuksan ko 'yun. Pumasok naman siya at ginreet pa sila Maw.
"Hi din, Clark!" bati nila.
Oo, si Clark 'yung intruder.
"So, I'll borrow my girl first, is it okay?"
"Oh sure, Clark. Kahit 'wag mo nang ibalik!" -Rhea
Ngumiti si Clark tapos hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas ng TNT.
"O-Oy san tayo pupunta?"
Tinigil niya ang paghigit sa 'kin tapos nginitian niya ako ng nakakaloko, "Sa simbahan. Ikakasal na tayo." Lumaki ang mata ko sa sinabi niya tapos nagsalita ulit siya, "Joke lang 'to naman! Punta tayo sa malapit na restaurant, date tayo." sabay kindat.
~~~~~
(Sa restaurant...)
"Eya, I'm sorry" Huh? May kasalanan ba siya sa 'kin?
"B-Bakit?"
"Basta. Sana mapatawad mo ako kapag may nagawa akong makakasakit sa--"
"Hey! You won't hurt me right?"
"Sana nga. Anyway, kilala mo ba 'yung fiance ni Cedric Jimenez?" sambit niya kaya nabilaukan ako.
"Okay ka lang? Tubig oh."
Nag-abot siya ng tubig at inabot ko naman 'yun.
Sh.t, sabihin ko na kaya?
"Sabihin mo na." bulong ng matapang na ako.
"Wag muna ngayon, baka magalit siya." - weak na ako
"Sabihin mo na. Pano kung malaman nya sa iba?" - matapang na ako.
Kay fine. It's now or never.
I took a deep breath first before I talk, "Uhh, Clark, k-kasi..."
"Kasi?"
"'wag kang magugulat at magagalit ah."
"Oo naman. Ano ba yun?"
"Uhhh, ano kasi... In-arrange marriage ako ni dad kay Cedric."
Naibuga niya 'yung eww... kinakain niya. Phew. Buti naiwasan ko. "We'll stop that!"
"I know, I know. Saka, may gagawin si Cedric para pigilan 'yun."
"Still, we can't guarantee that will work. Tara, we'll talk with Cedric."

BINABASA MO ANG
The Dare
Ficção AdolescenteAkala mo totoo na, laro lang pala. Meet Leah Rodriguez. Isang mabait, anak mayaman, maganda, matalino, mahinhin, loyal, halos lahat na ng positive adjectives para sa babae pwedeng ipang-describe sa kanya. Sa mas maikling description, full packaged l...