And there, natapos din ang 25th dance ko. Pero may 15 din naman akong tinurn down. Pumipili din naman ako ng makakasayaw. Pero, ganun na ba talaga ako ka-stunning at andami nang nag-sayaw sa ‘kin? Charot lang!
But, recalling all the men I danced with, I only felt something special on the 2nd guy who asked me. I felt the spark, I felt giddy. And my heart beats so fast as if I ran in a marathon. I felt all the feelings only Clark can make me feel. Don’t tell me--
Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita ‘yung emcee. “Guys, tama muna ang pagsasayaw. Nakarami na kayo, tama na, bumalik na kayo sa tables niyo.” Nagtawanan lang kami at bumalik na sa mga table namin. “So anyway, pumasok na ang result ng King and Queen of this night’s ball. Are you ready to hear it?” Nagsimula naman silang magsalita. Makakarinig ka ng,
“Yeeaahh!”
“Sana ako ‘yung Queen tapos si Clark ‘yung King.”
At kung anu-ano pa. Sana nga ako ‘yung Queen, pero ‘yung King, ‘wag naman sana si Clark!
“Pero, bago ko i-announce ang King and Queen, let me hear your guesses first!”
“LEAH AND CLARK!!!” ang pinakamalakas na sigaw ng mga estudyante, pero meron din namang, “Ako at si Clark!” at “Ako at si Leah!” Nako, mukhang dumami ang mga may gusto sa ‘kin ha?
“Yes naman! Clark at Leah ang sinisigaw ng karamihan!” tapos siniko ako ni Marie kaya napatingin ako sa kanya. Is it just me, or nakangiti si Marie?
“Nakangiti ka dyan?” tanong ko.
“Ha? Wala ‘to, don’t mind me.” Sagot niya.
“So, ang Queen, ay si… Ms. Leah Rodriguez!” Leah Rodriguez? Ako ‘yun ah! Wait-- ako ang Queen?! “As expected of our Queen! Ms. Leah Rodriguez, come here your highness!” Yes! Ako nga!
Dali-dali akong tumayo at nagtungo sa stage. Inalalayan pa ako nung emcee na umakyat, ang hirap umakyat lalo na at naka-high heels ako at mahabang gown. Pero sh*t lang, ang sakit na ng paa ko!
Anyway, nilalagyan na ako ng isang magandang dilag ng sash at korona. Halatang maganda siya kahit naka-mask siya. Naka-high-low/low-back siya na navy blue. “Hi Leah, as expected, ikaw ang Queen.” Sabi niya. Parang kaboses niya si… Wait nga, siya ata si… “Ako ‘to si Trisha.” Tapos ngumiti siya sa ‘kin. Trisha?! Siya ‘yung shota ni kuya ah! So, siya pala ‘yung Queen ng ball last year, kaya pala eh.
“And the King is, Clasdfghjkl Saxcvbnm!” Hanudaw? Hindi ko narinig dahil sa matitinis na tilian ng mga babae! Pero wait nga, ‘yung pangalawang sumayaw sa ‘kin ang naglalakad papunta sa stage! Hmm, not bad.
Muling lumakas at bumilis ang pintig ng puso ko nang tumabi na siya sa ‘kin.
Sumunod naman si kuya Larry na naka-tuxedo at mask dala-dala ang korona at sash na isusuot niya sa King na katabi ko. Oo, si kuya ko ang King of the Ball last year.
“Following the tradition, the king and queen will lead the last dance. Kaya guys, find your partners for the last dance!” Ang astig, akalain niyo ‘yun, siya ang second and last dance ko.
Tumugtog na ang kanta, ibig sabihin, sasayaw na kami.
[N/P: Can I have this Dance?]
Hinawakan niya ang kamay ko at hinawakan din niya ang waist ko. There’s the spark again, shiz!
Take my hand, take a breath
Pull me close and take one step
Keep your eyes locked on mine
And let the music be your guide
BINABASA MO ANG
The Dare
JugendliteraturAkala mo totoo na, laro lang pala. Meet Leah Rodriguez. Isang mabait, anak mayaman, maganda, matalino, mahinhin, loyal, halos lahat na ng positive adjectives para sa babae pwedeng ipang-describe sa kanya. Sa mas maikling description, full packaged l...
