"Clark, where are you?!" I asked over the phone. "Ikaw mismo nagsabi, Saturday, 10:00 SHARP mo ako susunduin dito sa bahay! Pumayag na nga ako kahit ayoko talaga eh! 10:26 am na tapos wala ka pa ngayon?!"
[Leah, I'm here outside your gate. Kanina pang 9:45.]
"What?!" Dali-dali akong sumilip sa bintana ko. Andun nga siya, nakatayo habang nakatingin din sa bintana namin.
Agad akong lumabas ng bahay.
"Bakit hindi ka man lang nag-doorbell?!"
"I'm ashamed of your family."
"Edi sana tumawag or nag-text ka!"
"Someone deleted your contact info. In my phone."
Who did that? Tss...
"Ghaad fine! Where's your car?"
"Sa bahay. We'll use my motor para mas mabilis."
What?! D-Does that mean, aangkas ako sa kanya? T-Tsk! Nevah!
"No. We'll use my car."
Akmang papasok na ako sa gate para kunin ang kotse nang magsalita siya. "Traffic sa highway. Gusto mo bang makarating tayo sa bahay nang hapon?"
Tsk! Oo nga pala, may binabakbak na kalsada sa highway. Tss.
"Urgggh! Fine!"
Sumakay na siya sa motor at ini-start 'yun.
Sh*t aangkas ba ako?
"Tatayo ka na lang ba diyan?"
Kaya wala akong nagawa kundi umangkas. Geez! It's awkward you know! Dun na lang ako kumapit sa bandang likod.
Pinaandar na niya ang motor.
Saka ko lang naalala ang past ko sa motor. So, ito 'yung motor ni Seven? At mukhang nabasa niya ang iniisip ko.
"No. Hindi ko kinuha ang motor niya. This is mine."
Agad nag-strike ang curiosity ko.
"Bakit hindi mo kinuha?"
"Because if I'll accept it, it means I fooled you just to have that motor."
"Eh--"
"Naka-move on ako kay Pearl at nahulog ako sayo. I think that's more than enough... But it seems, wala na akong pag-asa sa puso mo. But, I'm still r-relieved dahil kay Maurice ka napunta." Wait--is he crying? 'Yung boses kasi niya parang pinipigilan lang niyang mag-crack. "At least you're in good hands." Lumingon siya sa 'kin. Buti na lang at nakahinto kami dahil sa stop light. "But I'm not saying I'll stop loving you. I'll still fight for you because you're mine, and what's mine is mine. Don't forget that."
~♥~
Nakarating naman kami ng ligtas sa bahay nila. That's actually my first motor ride.
Nakasalubong namin si kuya Chris sa hallway papuntang Music Room daw nila. Antaray lang eh nuh? May Music Room pang nalalaman.
"Bro, peram muna si Leah. Ibabalik ko din mamaya." paalam ni kuya Chris.
Wow ha? Kung makapagtanong siya nun, parang ga--
"Kuya, she's not an object. You're asking as if you're just borrowing a d*mn scissor."
Wew.
"Oh? I'm sorry Leah. Odi, mag-uusap lang muna kami ni Leah sa may garden."
"Better. I'll give you 20 minutes. Is that enough?"
"Yeah bro, more than enough. Thanks." Tapos tumalikod na siya at naglakad pababa sa staircase. "I'm just helping you out, dumbass." bulong niya pa.
Helping him out? Helping him on what? Hay, basta ang alam ko, nalilito ako kay Maurice at Clark, 'yun ang importanteng problema ko.
Nakarating kami sa garden nila, at antaray lang ng fountain sa gitna ng garden ha? 'Yung garden naman nasa gitna din ng mansion nila. Na-iimagine niyo ba? Basta ganun na 'yun, pero walang bubong sa gitna ng mansion ha, basta hindi sa loob ng mismong bahay ang garden.
"A-Ano pong pag-uusapan natin?"
He took a glance on my direction. "'Po'? Do I look that old?" natatawa niyang sabi. "I'm only 20. Ka-batch ko ang kuya mo. And siya ang King ng last Christmas Ball before my brother, right?"
Tumango ako sa tanong niya. Christmas Balls in our academy only happen every after 3 years.
"Do you know my brother?" I asked him.
Muli siyang napatingin sa 'kin. "Uhmmm... Yeah. But, our past isn't that good."
Na-trigger ng topic ang curiousity ko. And if my curiousity strikes, I can get people say everything. Bwahahahaha!
"What happened on your past with my brother?"
Tumingala siya sa langit. "We were once best friends but we turned out to be rivals because of a girl. Tch." He gritted his teeth against each other.
Biglang nag-flash sa utak ko ang little chitchat namin ni kuya dati.
"Tss! Palibhasa kasi ang dali mo lang nakuha si ate Trisha!" sigaw ko kay kuya. Eeh kasi naman, papatulong lang naman akong mapansin ni Clark ayaw pa niya.
"You think so?" sumbat niya sa seryosong tono. I think I've hit him below the belt. Kapag ganyan ang tono ni kuya, soooobrang serious mode na siya. At nakakatakot siya 'pag seryoso siya.
"Sa tingin mo ba hindi ako naghirap for her to end up with me? I even rivalled my bestfriend to have her! Is that easy?"
Now it all makes sense.
But, a sudden thought hit me. Clark can rival with his closest cousin, Maurice just for me.
"Pero hindi kita gustong kausapin para lang sa past ko." Now it's my turn to look at him. "I want to know your decision." I was shocked of what he said. My decision?
"Sinong pipiliin mo sa huli, Leah?" Nakaramdam ako ng kaba. "Si Clark na once na niloko ka pero na-realize na mahal ka na niya at kaya niyang gawin lahat para sayo, o si Maurice na mahal ka pero hindi ka kayang ipaglaban nung una?"
His words hit me, once na akong niloko ni Clark pero mahal na niya ako and he can do anything for me, but it can't be denied na kaya ulit niya akong lokohin kapag siya ang pinili ko, and Maurice loved me from the very start, pero hindi niya pinaglaban ang pagmamahal na 'yun, and if siya ang pinili ko, and problems and hindrances may come, naaaaring hindi na niya ako maipaglaban pang muli.
"Think wisely Leah, this little decision can cause big happenings in the future."
BINABASA MO ANG
The Dare
Fiksi RemajaAkala mo totoo na, laro lang pala. Meet Leah Rodriguez. Isang mabait, anak mayaman, maganda, matalino, mahinhin, loyal, halos lahat na ng positive adjectives para sa babae pwedeng ipang-describe sa kanya. Sa mas maikling description, full packaged l...