(Patrick's P.O.V)
Kilala niyo pa ako? Kung oo, very good 👍😊 kung hindi, layas na 😛! Pero syempre, joke lang! Ayaw ni otor mawalan ng readers eh.
Anyway, 7:00 na pero nakatambay pa rin kami sa HQ daw namin dito sa school.
"Hindi na tuloy ang engagement party ko! YES!" sigaw ni Ced. Tss...
"Ahh okay." sabay sabay na sagot namin. Wala eh, 'di kami excited.
Oo nga pala, mamaya ko na sasabihin kay Yan ang dapat niyang malaman. Good luck to me!
~❤~
(Eya's P.O.V)
Tahimik akong nagsusulat ng letter para kay ClarkBabes ko a.k.a Chibi ko. Buti nga walang nangingialam eh. Sila bes nasa kani-kanilang upuan samantalang si Ced naman nakikipagdaldalan. Wala kasi 'yung prof namin eh tapos wala din namang nagsabing free cut namin. Kaya, use the time efficiently.
Mapayapa ang aura ko nang biglang may kumalabit sa 'kin. "Ay palakang kabayo!" react ko. Sorry na, OA ako magulat eh. Tinignan ko 'yung kumalabit sa 'kin. Si Veron lang pala, classmate ko. "Wow ha? Palaka na nga kabayo pa? Ano ako, hybrid?"
"Eh bakit ka ba nandito?" tanong ko habang tinatago ang letter.
"Kasi classmate mo ako, duh?" pambabara niya.
Kung kutusan ko kaya 'to? Makapangbara wagas eh. Okay Eya, kalma. Breath in and out, then, smile.
"What I mean is, why did you poke me?"
"Tawag ka ni Prince Patrick." tapos tinuro niya 'yung pinto.
Nagtataka kong tinignan 'yung pinto. Andun nga si Pat na nakasandal sa door frame. Wow ha? Nagawa pa niyang mag-posing. Bakit naman kaya nandito 'to?
Nilapitan ko siya. "Why?" tanong ko
"We need to talk." sabi niya saka ako hinila
"About what?"
Nilingon niya ako bago nagsalita. "About the truth." sabi niya saka humarap ulit habang ako ay puzzled sa sinabi niya.
Truth? What truth? Anong hindi ko alam?
Kinakain lang kami ng katahimikan hanggang makarating kami sa garden at hanggang maka-upo kami sa grass. Mga tatlong minuto din siguro ang lumipas bago ko basagin ang katahimikan. "Anong pag-uusapan natin, Pat?"
"Uhmmm... Kunwari may nilihim ang boyfriend mo sayo, anong mararamdaman mo?" tanong niya.
What's with the question? Parang anlakas ng tama sa 'kin. "Mararamdaman ko? Siguro may konting tampo kasi naglihim siya sa 'kin pero depende naman kasi sa ililihim niya at 'yung dahilan kung bakit niya nilihim 'yon. Bakit?" aniko saka siya tinignan.
Dahan-dahan siyang tumango saka ako tinignan. "Pano kung tungkol 'yon sa relasyon niyo tas nilihim niya kasi natatakot siyang malaman mo?"
BINABASA MO ANG
The Dare
Roman pour AdolescentsAkala mo totoo na, laro lang pala. Meet Leah Rodriguez. Isang mabait, anak mayaman, maganda, matalino, mahinhin, loyal, halos lahat na ng positive adjectives para sa babae pwedeng ipang-describe sa kanya. Sa mas maikling description, full packaged l...
