Painfully Sweet : Part 2

1.1K 37 4
                                        

(Rhea’s POV)

Finally, natapos na rin 'yung film showing.

Now, gagawin ko na ang aking trabaho. BWAHAHAHA

"Eya, tara na?" Tinanong ko si Leah pero hindi pa siya nakakasagot, hinila ko na agad siya. Galing ko nuh?

"Uuwi na ba tayo agad?" tanong niya

"Hindi. Uhmmm..." Saan ko ba pwedeng dalhin 'tong babaeng 'to? Ah! Alam ko na! Galing ko talaga! "Tara dun sa park!"

Hindi na siya sumagot. Hahaha.

~❤~

(Eya's P.O.V)

"Tara dun daliii! Kain tayo ng ice cream!" Excited na sabi sa 'kin ni Rhea.

Hinila niya ako papunta dun sa may dirty ice cream.

Nakakahalata na ako ahh... Kanina pa ako hinihila-hila ng Rheang 'to. Masakit na ha?

"Kuya, dalawa pong 20 pesos."

Maglalabas pa sana si Rhea ng pera pero pinigilan ko siya. "Libre na kita nang maka-uwi na tayo."

Umupo na kami sa bench.

Nilantakan ko na 'yung ice cream ko para maka-uwi na kami agad. Wala ako sa mood gumala.

Pano naman kasi, pagatapos hawakan ni Clark 'yung kamay ko, naging cold na 'yung treatment niya sa 'kin. Psh. Kainis.

"Eya, bumalik daw tayo sa Theater Center sabi ni Clark."

"Tch. Wala akong pake kay Clark. Saka, ano nanaman gagawin natin dun?" sabi ko saka nag-roll eyes

"Tss... Affected much? Porket ang cold lang niya sayo eh."

Huh? Pano niya nalaman? Ang alam ko wala akong pinagsabihan nun eh.

"Pano mo nalaman?"

Iniwas niya ang tingin niya.

"B-basta! Tara na nga dun!" Nagsimula na siyang maglakad.

Sumunod na lang ako. How suspicious naman.

~❤~

Nasa Theater Center na kami.

Tsk. Wala namang tao eh. Nakakainis naman 'yang Clark na 'yan.

"Uy, nag-text 'yung bespren mo sa 'kin. Sabi niya, nasa loob daw siya kasama si Clark at..."

Tumingin sa 'kin si Rhea nang gulat na gulat, "... kasalukuyan daw siyang ginagamot... dahil sinaksak siya ng is-"

Nagulat ako sa sinabi niya.

Pumasok ako agad sa Center.

Huh? Akala ko ba ginagamot si Clark, eh bat sobrang dilim?

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon