(Leah's P.O.V)
Nagising ako dahil sa matinding gutom.
Urgghh! Anong oras na ba?
Tinignan ko ang oras sa alarm clock ko at halos lumuwa ang mata ko dahil sa oras. "5:30 pa lang?!"
Bakit ang aga ko atang nagising? Wait nga, anong oras ba ako natulog?
Anyway, pumasok na ako sa banyo at naghilamos.
Pagkatingin ko sa salamin, napasigaw ako sa gulat sa nakita ko.
Sobrang puffy ng eyes ko at ang pula din ng mata ko! Bakit ba ako umi-- Aaah. Naalala ko na. At ayoko nang pag-usapan 'yun.
By the way, hindi pa pala ako kumakain aside sa brownies na kinain ko nung 2-hour break namin kahapon. Kaya pala hungry much ako.
Kumuha muna ako ng isang bar chocolate bago ako bumaba.
Dumiretso na ako sa kusina pero sa kasamaang palad, "Sorry, baby. Nagluluto pa ako at magpeprepare pa lang si Manang Lina ng sandwich."
Manang Lina is our all-around maid.
"Okay, mom. I'll prepare my oatmeal na lang."
Kinain ko muna ang chocolate ko bago ako gumawa ng oatmeal.
Kumuha ako ng instant strawberry oatmeal at gatas.
"Mom, do we still have strawberries?"
"Yes, baby. There's plenty in the refrigerator."
Binuksan ko ang ref namin at nakita ko ang nakakatakam na strawberries. Kumuha ako ng sampo.
And tadaaa! I finished making my oatmeal instantly.
Isang malaking bowl ang ginawa kong oatmeal. Eh sa sobrang nagwawala na nga kasi ang mga alaga ko sa tiyan ko eh!
Agad kong nilantakan ang oatmeal ko at sa sobrang gutom ko, parang 3 minutes lang, ubos ko na agad 'to.
Pero nakaramdam pa rin ako ng gutom.
"Mom, are you done cooking?"
"Yeah baby."
Tapos inilapag niya 'yung plato sa harap ko.
~❤~
Pumasok ako sa school na mukhang zombie.
I can't help it, my eyes are red and puffy.
"Pfft." narinig kong nagpipigil ng tawa sila friends nung linapitan ko sila sa garden
Tinawagan ko sila pagkagising ko kanina para may kasama ako.
Naka-close pa ang room namin 6:30 pa lang eh.
"Anyare sayo, sister? Para kang walker." pang-aasar ni Maw
Tapos hindi na nila napigilan ang pagtawa. =_=
"Grabe siya, oh! Masyadong creepy ang walker! Pwede pang zombie ng PvZ! Pfft... MWAHAHAHA" pagpatol pa ni Rhea.
"Hala kayo kukutusan na kayo nung zombie." bulong KUNO ni Sam.
Tumigil naman sila sa pagtawa.
"Pero, seryoso, bakit ganyan mata mo?" - Ricar
"Oo nga. Umiyak ka nuh?" - Rhea

BINABASA MO ANG
The Dare
Teen FictionAkala mo totoo na, laro lang pala. Meet Leah Rodriguez. Isang mabait, anak mayaman, maganda, matalino, mahinhin, loyal, halos lahat na ng positive adjectives para sa babae pwedeng ipang-describe sa kanya. Sa mas maikling description, full packaged l...