Friendship is Over?

468 20 4
                                        

“F-Fine. Oo, m-mahal ko pa siya.”

Nakangiti siyang lumayo, inakala ko ngang lalayo na siyang tuluyan eh, pero hindi pala.

Napalitan 'yung ngiti ng ngisi tapos, tapos...

OH EM GEE!

Hinalikan lang naman niya ako! Hindi pa kami, hindi pa pwede! Kahit smack lang ang ginawa niya, hindi pwede! Labag sa batas ko ang mahalikan ng hindi ko boyfriend! Pero, hinalikan naman ako Clark nung Christmas Ball, hindi lang nga smack 'yun eh. Ahihihi... Pero, hindi talaga maaari ito!

Tinignan ko siya ng masama, as in 'yung sobrang sama. 'Yung kapag nakakamatay lang ang tingin, pinaglalamayan na siya ngayon. Pero ang loko, nag-drive na agad at sumipol sipol pa. Patay malisya pa ang lolo mo!

“Bakit ang sama ng tingin mo Le-- OUCH! Aray!” Ayun, pinalo-palo ko kasi 'yung braso niya.

“Ang sama mo! Bakit mo ako hinalikan?! Hindi pa naman kita boyfriend ah! Bawal ‘yun sa ‘kin!”

“Edi tayo na para pwede-- Ouch! Oo na, sorry na!”

Pinalo ko kasi ng sobrang lakas ‘yung braso niya. Pati nga kamay ko, sumakit eh. Tapos humarap na lang ako sa harapan nang naka-simangot at cross arms.

“Ayiiee! Namumula siya! Kinilig sa sinabi ko!”

“Che! Magtigil ka nga diyan kung ayaw mo ma-busted ngayon! Saka hindi ako kinilig nuh, allergic lang kasi ako sa mga feeling!”

Hindi naman kaya ako kinilig, slight lang.

~♥~

Sa wakas, nakarating din kami sa restaurant na sinasabi niya.

Naunang bumaba si Maurice sa ‘kin para pagbuksan ako. Bababa na din sana ako nang may makita akong something something.

Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko para malaman kung namamalik-mata lang ako, pero hindi, kinusot ko na ng todo ang mga mata ko to the point na sumakit pa ang mga ito pero hindi pa din sila nawawala, meaning totoo ang nakikita ko!

Dali-dali akong bumaba at pumasok sa restaurant saka tinakpan ang mata ni Rhea. Oo, si Rhea ang nakita ko, and guess what, kasama lang naman niya ang naging crush ko dati na walang iba kundi si Patrick Diaz. Nako, may something na pala between them, ‘di ko man lang nalaman.

“Hala, uy, Patrick! Remove your hands na please?” sambit ni Rhea habang hirap na hirap sa pagtanggal ng kamay ko. Hindi man lang ba niya ma-figure out na pang-girl ang kamay na nakatakip sa mata niya?

Magsasalita na dapat si Patrick nang panglakihan ko siya ng mata. Kaya napatawa na lang siya nang malakas.

“Hala, who are you? Magugulo ‘yung mascara at eyeliner ko uy!” Naka-mascara at eyeliner si Rhea?! Tinignan ko kung nasa likod ko na si Maurice at buti naman, andun na siya.

“Maurice, pakuha ako nung shades ko sa bag!” sambit ko.

Agad-agad namang nagkalkal si Maurice saka inilabas ang shades ko. Kinuha ko ‘yun pero naka-cover pa din ang isa kong kamay sa mga mata ni Rhea. Mahirap na kung may makakita sa itsura niya ngayon.

Tinanggal ko ang isa kong kamay at isinuot agad sa kanya ‘yung shades ko.

Hooh! Buti na lang hindi kita ‘yung mata niya or ‘yung paligid ng mata niya sa shades ko. Humarap siya sa ‘kin nang naka-busangot. Tinignan ko ‘yung kamay ko at, HAHAHA! May mga bakas nga ng eyeliner at eye shadow! Buti na lang may dala akong tissue at cosmetics, kundi! Ewan ko na! Hahaha

Sinabihan ko muna ‘yung dalawang boys na maghanap na ng upuan at aayusan ko muna si Rhea bago kami pumunta sa comfort room. Nilabas ko na ang make-ups ko bago ko tinanggal ang shades ko kay Rhea. At hala, grabe ako magpigil ng tawa ngayon! Sobra kasi ‘yung kinalat ng make-up niya. Napadiin ata ‘yung pagtakip ko, sorry.

Tapos na ako sa paglagay ng eyeliner kay Rhea at namimili ako ng magandang kulay na bagay sa suot niya nang may narinig ako, “Edi ginagawa mo lahat para lang mapalayo si Maurice kay Leah?” sabi ng kaboses ni Pearl.

“Oo. Tinutulungan ko pa nga si Clark na makipagbati kay ahas na Leah eh. Alam naman kasi nung BESTFRIEND kong ahas na may gusto ako kay Maurice eh, tapos pinayagan pa niyang mag-rebound at manligaw sa kanya.” sagot ng kaboses ni--.

Hindi naman siguro siya ‘yun diba? Magkaboses lang naman sila diba?

Tinignan ko ang pinanggagalingan ng boses at nasagot ang katanungan ko nang pumasok sila sa cr. Nahulog ko pa ang palette ng eyeshadows kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Hindi ako makapaniwalang kaya niyang magsabi ng ganun sa akin. Na kayang gawin ni Marie ‘yun sa ‘kin. Magkasama sila ni Pearl.

Kusang naglakad ang mga paa ko at sinampal ng malakas ng kamay ko ang pisngi ni Marie. Napa-gasp silang tatlo at halatang nagulat. Pati naman ako nagulat sa ginawa ko eh. Pero wala, nagawa ko na, dapat panindigan ko.

“Buti pala nagkalat ang make-up ni Rhea! Buti pala kinailangan kong i-ayos ang nagkalat niyang make-up at nalaman kong bina-backstab na ako ng naturingan kong bestfriend!”

“Buti nga eh. Mabuti at narinig mo ang hinaing ko sayo! Sa dinami-dami ng nagkakagusto sayo, si Maurice pa! Si Maurice pa na pinaka-close na pinsan ng p*tang*nang ex mo at mahal ko ang pinayagan mong mag-rebound at manligaw sayo!” At siya naman ang sumampal sa ‘kin.

“Oo pinayagan ko siya, kasi alam kong hanggang February 14 lang kami! Pwede mo naman na siyang angkinin pagkatapos ng Valentines eh! Hindi naman kasi forever na kami na! Kung gusto mo isaksak ko pa siya sa baga mo pagpatak ng mismong 12:00 am ng February 15!”

“Pero dapat bang pagsalitaan mo pa si Leah ng masama?! And the worst, sa likod pa niya at sa harap ng Pearl na ‘yan! ‘Yang timer na ‘yan na niloko si Clark kaya dinare nila Seven si Clark na siya naman ang makipaglaro?!” sigaw ni Rhea

~♥~

Hindi ko alam na ‘yun pala ang sanhi ng dare na ‘yun na nagpabago ng buhay ko. Na dahil lang pala sa pesteng Pearl na ‘yun kaya nagkaganito-ganito kami.

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon