Post-its and Surprises

516 18 5
                                    

So, ayun nga, nag-shop kami ni Yas nang nag-shop hanggang napagod na kami. Basta talaga shopping na ang pinag-uusapan, magkasundong-magkasundo kami ni Yas. Si kuya naman, parang na-bobored na. At para 'di siya, ma-bored, pinahawak na lang namin sa kanya 'yung mga mabibigat na shopping bags namin. Anong connect? Hindi ko din alam. Sabi kasi ng kaluluwa namin ni Yassy, 'pag maganda ka daw, minsan walang connect pinagsasabi mo. Kaya ayun, 10:45 am na kami natapos. *grin* Nakarating naman kami sa bahay nang 11:00.

Umuwi na daw pala 'yung mga relatives namin habang wala kami sabi ni mama habang nag-lalabing labing sila ni papa. Aakyat na dapat kami sa hagdan nang may nakita akong post-it na nakadikit sa may first step.

Leah, marshmallow ka ba?
Kasi simple lang ang itsura mo pero sweet ka at ikaw ang paborito ko.

Aweh? Medyo kinilig ako dun ah. Medyo lang naman. Pero, sino bang naglagay nito?

Pagtapak ko sa dulo ng staircase, may post-it ulit akong nakita.

Ang ganda ng umaga because of you.
Ang ganda ng dream ko, it was all about you.
Ang sakit ng ulo ko, puro you na lang ng you.
Sabi ni doc, maybe because I miss you.

Hala, ang corny niya ngay. Pero kahit ganun, kinikilig ako! Pero slight lang. But, I think si Maurice ang sender nitong mga 'to.

"Buti ka pa, pinsan, ang sweet ng manliligaw mo. Eh ako, ang gag*go ng mga manliligaw ko. Kapag andyan ako, ang babait pero kapag nakatalikod na ako, puro kabalastugan na ang pinaggagawa." Komento ni Yas na tinawanan ko na lang. "Sige, insan, punta na ko sa guest room para aalis na rin ako, mamaya konti."

"Sige Yas. Good luck na lang sa mga suitor. Haha"

Napatingin naman ako sa side ni kuya. Eehh?! Asan na 'yun?! Hay nako, ang mabuti pa, pumasok na lang ako sa kwarto ko.

Pinihit ko na ang door knob pero napatigil ako halfway. May post-it nanaman kasi sa pinto ko.

Leah-sama, kimi wa totemo utsukushii yo. Anata wa watashi ni totte, totemo daiji na sonzai desu. Kotoba de anata e no aijo wa iiarawasenai. Aishiteru. (Leah, You're so beautiful. Napakalaki ng halaga mo sa 'kin. Hindi kayang i-describe ng kahit anong salita ang pagmamahal ko sayo. I love you)

Marunong siyang mag-hapon? Well, I admit napangiti at napakilig niya ako with this effort. Simple lang ang ginawa niya pero nakakakilig pa din.
Tuluyan ko nang binuksan ang pinto at pumasok sa kwarto ko. Huh? Bakit may dress sa kama ko? Ang alam ko wala akong damit na ganyan. Sino kayang naglagay nito?

Lumapit ako sa kama ko. Ngayon ko lang napansin na meron pa lang note sa tabi ni dress.

Ohayo, Leah.(Good morning) Nabasa mo ba mga notes ko? Ang corny noh? Anyway, here's my New Year's gift for you. Isuot mo 'to mamaya ha? Susunduin kita diyan sa bahay niyo ng 12:00 pm. I love you.

P.S Nakapagpaalam na din ako sa parents mo.

-Maurice

Sabi ko na nga ba eh. Napansin ko ding may jewelries sa ibabaw ng dress at may 3-inch wedge sa sahig.

Tinignan ko ang wristwatch ko. Shocks! 11:10 na pala!

Dali-dali akong pumasok sa bathroom, naligo, nag-groom ng sarili and there, I'm ready!

Time check: 11:58. Wew, I barely made it.

Out of the blue, biglang napunta ang tingin ko sa human size na pink teddy bear sa tabi ng unan ko. Linapitan ko ito at niyakap. "Hmm, Britney. Kahit pinaglaruan lang ni daddy si mommy, 'wag kang magtatanim ng galit kay daddy ha? Kasi, kahit dare lang ang relasyon namin ng daddy mo, naramdaman ko naman ang mahalin ng totoo eh. Saka, mahal na daw talaga ni daddy si mommy. Nararamdaman kong totoo 'yun, baby." Saka ko lang na-realize na tumutulo na pala ang luha ko. Ano ba 'yan ang babaw na ng luha ko. "Alam mo Brit, mahal ko pa din ang daddy mo. Pero, sakaling magka-stepdad ka na, 'wag kang magagalit kay mommy ha? Nagkakagusto na kasi si Mommy sa ibang lalaki eh." Narinig kong may nag-doorbell na sa baba. Tinignan ko ang relo ko. 12:01 na pala. Pinunasan ko na ang mga luha ko. "Sige baby Brit ko, aalis na muna si mommy ha? Babye."

Tapos niyakap ko muna ulit ang teddy bear na anak daw namin ni Clark bago lumabas sa kwarto ko at bumaba papunta sa main door na binuksan na pala ni Manang Lina. Parehas na napatingin sa gawi ko si Maurice at manang.

"Oh andyan na pala si Ms. Leah. Hala sige, una na ako at may gagawin pa ako." ani Manang.

"Sige po."

"Tara?" aya niya.

Tumango lang ako bilang sagot.

Nagtungo na kami sa kotse niya sa labas ng gate. Pinagbuksan pa nga ako ni Maurice eh.

Nagsimula na siyang mag-drive kaya ako na lang nag-on the audio player. At kung minamalas nga naman ako, theme song pa namin ni Clark ang na-play.

Ililipat ko na dapat ng mapansin kong boses-Maurice ang naririnig ko.

"Is that your voice?"

"Yup! Ang gwapo noh?"

"Yah." tunog-malungkot kong sagot. I tried to sound happy, but I just can't. Sumandal na lang ako sa upuan at itinuon ang tingin ko sa bintana.

"Did you not like it?"

"Well, I like it and I appreciate the effort." tapat kong sagot. "You just did what Clark did on our first date and you also sang our theme song." I whispered.

Naipunta agad sa kanya ang tingin ko nang pumreno siya.

"Why are we stopped?"

"Do you still love him?" tanong niya sa 'kin saka ako tinignan direkta sa mata.

Him? Is he talking about Clark? Yeah, I'm stupid if I'll think he's talking about someone else.

"Dare?" (Who?) pagmamaang-maangan ko.

"Sino pa bang nagpaiyak sayo?"

Uhmmm... sino pa nga ba? Ahh! "Apat na kasi nagpaiyak sa 'kin. Malay ko ba kung sinong 'him' ang tinutukoy mo." Totoo naman eh. Malay ko ba kung sino talaga ang sinasabi niya.

"God, Leah. You're slow! I'm talking about my d*mn cousin!"

Hala maka-damn siya oh! "Ah sabi ko nga siya ang tinutukoy mo. Naninigurado lang. Alam mo namang mahirap umasa lalo na kung walang kasiguraduhan ang inaasahan mo diba?" Luh? San ko nahugot 'yun?

But, more importantly, pano ko maiiwasan ang tanong na 'yan? Oo, inaamin kong mahal ko pa si Clark, pero ayoko namang sagutin dahil alam kong masasaktan lang siya. Bakit pa kasi siya nagtanong ng ganyan eh alam naman niyang siya ang masasaktan.

Bakit ba kasi ganyan tayo, masokista? Tayo na mismo gumagawa ng paraan para masaktan tayo---

Naputol ang paghugot ko nang nagsi-businahan ang mga sasakyan sa likod. Nakalimutan na namin na nasa gitna pala kami ng kalsada. And because of that, may naisip ako.

"Nevermind that, Maurice! Male-late na tayo sa date natin at madaming na-dedelay dahil sa paghinto mo!"

Tinignan ko siya, nakangisi si koya! Pinaandar niya ang sasakyan.

Yeah! Mission Acco-- Failed! Pinaandar lang pala niya para i-park muna sa gilid!

Nagtanggal siya ng seatbelt. Akala ko nga bababa siya eh, ilalapit lang pala niya 'yung mukha ni-- Nilapit niya ang mukha ni sa 'kin!!!

Oh mah gash! I can't breath! Oxygen please!

"Now, tell me, do you still love Clark?" Sheeeemays! Ang bango ng hininga niya mga dodong at inday! Langhap sarap!

"W-Wait lang. L-Lumayo ka muna. I-I can't breathe."

Pero, instead na lumayo siya, lumapit pa siya lalo to the point na nagdikit na ang tips ng ilong namin. Buti nga, matangos ang ilong namin pareho eh.

"I love you too, but, I will only move forward until you answer me honestly."

Ulol 'to, wala naman akong sinabing I love you kanina tapos nag-I love you too! Pero, may choice pa ba ako? "F-Fine. Oo, m-mahal ko pa siya."

Nakangiti siyang lumayo, inakala ko ngang lalayo na siyang tuluyan eh, pero hindi pala.

Napalitan 'yung ngiti ng ngisi tapos, tapos...

OH EM GEE!

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon