Flashbacks

579 25 4
                                    

"Otosan..." (Father...)

Oo, tatay ko siya. He's a Half Japanese while my mom is Half American

"Go to your room now. I'll talk to you tomorrow."

Hindi ko na siya sinagot at umakyat na ako papunta sa kwarto ko.

Pagkabukas ko ng kwarto ko, nagulat ako sa nadatnan ko, wala na lahat ng gamit ko, joke lang. Sobrang linis ng kwarto ko. Usually kasi makalat ang kwarto ko at pagdating ko lang ng bahay galing sa kung saan saka ko aayusin 'tong kwarto ko eh.

Ayoko kasing nagpapapasok sa kwarto ko nang wala akong permiso maliban kay mama so baka siya ang nag-ayos.

Kumuha ako ng tuwalya at pantulog na damit dahil maliligo muna ako.

Hinanda ko muna ang tubig sa bath tub tapos ni-lock ko ang pinto ng CR ko. Tinanggal ko na rin ang damit ko ang lumublob sa tub.

Andaming nangyari ngayong araw na 'to.

Una, binigyan ni Sir Jacob ng third degree detention slip at pinahiya pa sa klase si Rhea a.k.a Rin. (see the chapter entitled TNT) Pero hindi ata siya pumunta kaya mas grabe pang parusa ang matatanggap niya bukas. Nako, magmemeeting nanaman siguro kaming mga Student Council Officers kasama ang terror guidance counselor.

Pangalawa, luckily natapos na rin ang tambayan namin a.k.a TNT kaya magkakaroon na kami ng kapayapaan (see the chapter entitled TNT) but, katabi neto ang headquarters ng Lucky 7 kaya 50/50 ang tiyansa ng kapayapaan namin. (see the chapter entitled TNT: Part 2)

Pangatlo, nalaman naming schoolmate na pala namin simula third year ang mga kababata namin ni Maw na sina Ced at Pat na ngayo'y miyembro na ng Lucky 7 na pinamumunuan ng boyfriend ko at nagkausap-usap pa kami.

Pang-apat, nakita ko si Clark na boyfriend ko na may kausap at katawanang babae at nakita ko rin silang magkahawak-kamay.

At ang huli, bumalik na ang ama kong business-centered at mag-uusap daw kami bukas.

I'm really exhausted today.

Bigla ko na lang naalala ang past ko kasama sila Ced, Pat at Maw.

Flashback

10 years ago...

"Okay baby, goodbye na. I'll fetch you later, okay?" Paalam ni Mama sa 'kin

"Yes mama"

Umalis na si mama ko kaso may biglang humila sa 'kin mula likod ko. Napaharap ako tapos nakita ko 'yung babaeng medyo matangkad kesa sa 'kin.

(Author's Quick Note: 6 years old si Leah, okay? Hope you understand.)

"Hala! Sino ikaw? Ano gagawin mo sa 'kin?"

Lingon siya sa 'kin tapos sabi niya,
"Watashi no namae wa Marie desu. O-namae wa nan desu ka?"

"Huh?"

"Oooppsie! I spoke Japanese again! I mean, my name is Marie. What's your name?"

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon