Happy Break-up!

692 30 3
                                        

(Clark's P.O.V)

Andito ako ngayon sa labas ng gate nila Leah. Susunduin ko siya for the first time in our almost one month "relationship". Wala lang, trip ko lang man-surprise. As if on cue, lumabas si Leah sa gate nila. Nagulat nga siya nang makita ako eh.

"Good morning baby bear!" greet ko.

"Morning." matamlay niyang sagot.

Nilapitan ko siya at hinawakan ko ang kamay niya. "Hey, may problema ba?"

Umiling siya. "Wala naman." tapos binitawan niya 'yung kamay ko at mabilis na pumasok sa kotse ko. O--kay, what was that?

Pumasok na rin lang ako sa kotse ko at inistart na ang engine. Tahimik lang si Leah na nakaupo sa passenger's seat habang nakadungaw sa bintana.

Hindi ko na lang siya pinansin. Alangan namang kulitin ko, eh ayaw naman niyang magsabi. Pinaandar ko na lang ang kotse ko at tahimik na nag-drive.

Malapit na kami sa academy nang magsalita siya, "Clark, pwede 'pag susunduin mo ako magsabi ka? Wrong timing kasi 'tong pagsundo mo eh, may cocommute dapat ako ngayon. Hindi na nga rin ako nagpahatid kay kuya kahit gusto niya eh."

Tss... siya na nga sinundo, siya pa magrereklamo. Tss... kung hindi lang 'to para sa motor ni Seven, hindi ako magtyatyaga dito eh.

Bumaba agad siya sa kotse ko nang makapagpark ako sa parking lot. Ni wala man lang thank you or bye. K*ng*na, ano bang problema ng babaeng 'to?!

~❤~

Nang makita ko siya kasama ang mga kaibigan niya, napaka-lively naman niya. P*ta, bakit sa 'kin ang cold niya.

Pumunta na ako sa upuan ko katabi ni Adrian. "Problema dude?"

"Si Leah, ang cold niya."

Tinawanan niya lang ako kaya sinamaan ko siya ng tingin. "'Yun lang pala eh! Parang ang laki-laki naman ng problema mo!"

Oo nga naman, parang mahal ko naman 'yung babaeng 'yun.

Dumating ang homeroom prof namin kaya nagsibalikan na sila sa mga upuan nila. "Class, I want you to choose a boy and a girl to be our class' representatives for the upcoming pageant on our school fest."

Tss... Antagal pa nun eh.

Nagtaas ng kamay si Adrian. "Maricar and me."

Aba! Galawan ng lalaking 'to!

"Do you agree?"

"NOOO!!!"

"'Di mo bagay pageant, Adrian! HAHAHA!"

"Ampanget ni Adrian, ma'am!"

Natawa sa mga reaksyon ng mga kaklase namin. Si Adrian naman, disappointed. Haha!

"Any other suggestions?"

Nagtaas si Cedric ng kamay. "Leah and Clark"

"WOOO!!! Yes, ma'am!!"

"Yes naman ma'am! King and Queen 'yan eh!"

Halos lahat positive ang reaksyon pwera sa tropa ni Leah na nakabusangot. What's with them? Dati botong-boto sila sa 'kin ah!

"Ms. Rodriguez?"

"I don't mind." then she faked a smile.

"Mr. Sanford?"

"Sure"

"I'll talk to you after dismissal, okay?"

"Yes ma'am" sagot naming dalawa

~❤~

Natapos ang klase na walang importanteng nangyari. Dismissal na agad eh wala pang isang word ang nasabi ni Leah sa 'kin mula nang magsimula ang klase. Nauna nang umalis ang mga kaibigan ni Leah at dumiretso naman siya sa table ng homeroom prof namin kaya lumapit na rin ako.

"Okay, you need to prepare at least a 3-minute individual performance for the pre-pageant. The pre-pageant will be on January 27. Mr. Sanford, you need a tuxedo and appropriate clothes for your talent. And also you, Ms. Rodriguez, a cocktail dress and clothes for your talent." Tumango kami pareho. "You may go." pagkasabi nun ni ma'am, umalis na agad si Leah. Bitbit niya na kasi kanina pa ang bag niya kaya ready-to-go na agad siya.

Leah, why so cold?

~❤~

[November 26]

From: Leah

Meet me at the open field near my house. 5:00 pm SHARP

Hmmm... Baka may surprise lang siya kaya cold siya the recently. Tama, may surprise lang siya.

4:00 na pala. Mabilis akong naligo at nagbihis. Tapos nag-drive na ako papunta sa open field na sinasabi niya.

~❤~

Nakita ko agad si Leah. Pero hindi niya alam na nandito na ako kasi nakatalikod siya sa direksyon ko. Linapitan ko siya. "Hi Baby Be--"

*pak*

Isang malutong na sampal ang natanggap ko. P*tang*na 'tong babaeng 'to! Namumuro na siya! "What the f*ck is your problem?!"

"Problema ko?! Hindi mo pa ba alam ang problema ko?! Sige sasabihin ko na sayo! Nagmukha akong t*ngang pinaglalaban ka! Pinaglalaban kita kahit pinagmumukha mo akong t*nga! Hindi mo ba alam 'yun?!" Tears start to stroll down her face.

"I don't get what you wanna say." mahinahon kong sabi

"Hindi mo pa din gets?! Tingin mo ba magiging ganto ako just for nothing?! Use your d*mn brain for f*ck's sake! There's only one reason why I'm acting like this!"

One reason? Cr*p! Don't tell me she knows the dare already?! "Y-You know their dare--"

"Exactly! Their dare to you! Dinare ka nila na shotain ang babaeng sa tingin mo hindi mo magugustuhan! Pero bakit sa dinami-dami ng babae dyan, ako pa napili mo?!"

"Let me explain!"

"Explain?! Do I deserve you effin explanation?! Hindi mo naman ako girlfriend para mag-explain ka sa 'kin diba?! I'm just a f*cking nobody na napili mong paglaruan! So I'm greeting you, HAPPY BREAK-UP! Hah! Wala nga palang "tayo", bakit pa ako nakikipag-break sayo. So then, nice meeting you, Mr. Sanford."

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon