Umahon na ako sa tub at itinapis ang tuwalya. Drinain ko na rin ang tubig at inayos ko ang sarili at dumiretso sa kama ko.
Haayyy... Ano kayang pag-uusapan namin ni Dad bukas?
Ang mabuti pa, matulog na ako. Para at least makawala ako sa mga problema ko kahit panandalian lang.
Pinikit ko na ang naggagandahan kong mata, charr, and there, I'm off to wonderland!
~❤~
Bumaba na ako sa kwarto ko. Unlike the usual, hindi ako masayang naglakad papuntang dining room.
Pumasok na ako sa dining room at umupo sa usual seat ko. Si Dad nagbabasa ng diyaryo habang umiinom ng kape na tinambalan ng sandwich.
Gumawa na ako ng cereals ko. Ito lang kinakain kong breakfast kapag wala akong gana.
Si mom naman at kuya, kumakain ng hotdog and fried egg with fried rice.
Oo may kuya ako.
"Ang kuya Larry mo ang maghahatid sayo." wika ni mom.
"Sure."
"Ma'am Lorainne, nakahanda na po ang kotse niyo." pinaalam ni Manang Leni kay mom.
"Okay. I'm going now."
"Mom, where are you going?"
"I'm just going to meet somebody. Don't worry, Leah, your dad knows her."
"Hai. Sayonara, ukasa." (Okay. Goodbye, mom)
"Sayonara, minna!" (Goodbye, everybody!)
"Are you done eating?"
"Nope, onii-chan."
(onii-chan = kuya)
"Okay. Sabihin mo lang 'pag tapos ka na at ihahatid na kita sa school mo."
Third year college na kasi si kuya.
"Tara na ngarud. Tapos na ako."
Tumayo na ako pero napaupo ako ulit nang magsalita si kuya, "Tapos ka na sa lagay na 'yan? Ni wala pa ngang 1/4 'yung naubos mo. Ubusin mo 'yan."
"Eeh wala akong ganang kumain." tas ginamit ko ang worth 1-million-dollar pout ko. Gumana kang pout ka!
"Nah. Ubusin mo 'yan. Gagawa ka kasi ng isang planggana tapos 'di mo din pala uubusin. Nagsasayang ka lang. Porket ba mayaman tayo, sasayangin mo na lang 'yang pagkain mo. Tandaan mo, maraming batang nagugutom."
Grabe naman si kuya. Hindi naman isang planggana ang ginawa ko. Isang punong-punong bowl lang.
It's first time na hindi gumana ang pout ko na 'yon.  ̄︿ ̄
"Edi ibibigay ko na lang sa kanila." natatawa kong sabi.

BINABASA MO ANG
The Dare
Teen FictionAkala mo totoo na, laro lang pala. Meet Leah Rodriguez. Isang mabait, anak mayaman, maganda, matalino, mahinhin, loyal, halos lahat na ng positive adjectives para sa babae pwedeng ipang-describe sa kanya. Sa mas maikling description, full packaged l...