TOXIC: One

73.8K 1.4K 35
                                    

CHAPTER ONE
052116

"I'M FINALLY HOME!" she breathed deeply, feeling the hot atmosphere and inhaling the dusk from the outside of NAIA Terminal 1. Ang tagal na rin kasi mula ng makatapak siya ng Pilipinas.

"Mom," Theon, her six years old son thug her shirt. Halata sa cute nitong mukha ang pagkayamot. Namumula na rin ang mga pisngi nito dahil sa init. His eyes were also squinting dahil sa tindi ng sikat ng araw.

Pinisil niya ang matangos nitong ilong na lalo lamang nagpasibangot rito. Napangiti tuloy siya lalo. Kamukhang kamukha ito ng ama kapag ganoong nakasibangot at nagsusungit.

"Where's Dad? Ang init, Mom." Reklamo pa nito.

Kahit lumaki ito sa States ay sinanay pa rin niya itong mag-tagalog. Marahil ay dahil ramdam niyang one of these days ay tatapak siyang muli sa Pilipinas kasama ito. Isa pa ay mas mabuti na rin na marunong itong mag-tagalog dahil purong Pinoy naman ito.

"Kinuha lang iyong car. O, ayan na pala." Aniya at mula sa isang itim na ferrari ay umibis si Juleshabang si Theon naman ay agad na pumasok sa loob. Napailing siya. Pati si Jules na kabababa lamang ng sasakyan ay sinundan ng tingin si Theon tapos ay bumaling sa kanya.

Nagkibit siya ng balikat. "Naiinitan kaya tinotoyo. Manang mana sa'yo eh."

"Ikaw dyan ang topakin tapos ako ang ituturo mo? Kanino ba iyan lumabas? Di ba sa'yo?" ganti naman nito.

She rolled her eyes. Kahit kailan talaga hindi pwedeng hindi ito gaganti sa kanya. Di nalang niya pinansin at dumiretso na siya sa loob ng sasakyan at sinundan ang anak. Si Jules naman ay ipinasok na ang mga dala nilang mga maleta sa backseat.

Sa byahe ay tahimik lang siya habang kalong ang anak na natutulog. Wala pa ring ipinagbago ang Manila, makalat pa rin, marami pa ring sidewalk vendor at higit sa lahat, sobra pa rin ang traffic.

"I have so many bad memories herein the Philippines. Akala ko talaga, hindi ko na gugustuhin pang bumalik rito. But I know, I have to face the ghost from my past not only for me but also for Theon."

Jules held one of her hand and gently squeezed it.

"I'm always here so you have nothing to worry." Pagbibigay garantiya pa nito bago binitawan ang kamay niya at nagfocus muling mabuti sa pagmamaneho.

Ngumiti siya at hinalikan ang anak na natutulog. She'll do anything for Theon. Hindi siya papayag na lumaki itong may kulang.

"Thank you, Jules. And please, wala sanang makaalam sa mga nangyari nang mga nagdaang taon. Gusto ko na iyong ibaon sa limot at kung maaari nga lang ay guto ko ng maialis sa ala-ala ko iyon."

"Don't think about it, Rei. Besides, we both have dark pasts at magkasama na nating tinalikuran iyon matagal na panahon na ang nakakalipas."

Ngumiti siya ng mapakla at pinili na lamang manahimik. Walang nakakaalam ng tungkol sa bagay na iyon maliban sa kanilang dalawa ni Jules, ng nanay niya at ng tatay nila.

Pagdating nila sa bahay ni Jules ay sinalubong siya nila Chesca at Rin.

"Welcome home!" Sigaw nang dalawa at sinugod siya ng yakap. Oh God! Na-miss niya ng sobra ang dalawang kaibigan.

Nilingon niya si Jules na karga ang natutulog na si Theon.

Ngumiti ito sa kanya nang makalapit sa kanilang tatlo na magkakayakap.

"I know you would be glad to see them so I invited them here. Iaakyat ko na muna si Theon." Paalam nito sa kanilang tatlo.

Pagktapos nilang magkamustahan ay napagpasyahan nilang pumunta sa isang resto-bar para panoorin si Chesca na kumanta. Well, old habits are hard to die and it was always been Chesca's passion – to perform.

With You It's Toxic (DH 5 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon