TOXIC: Six

53.5K 1.1K 65
                                    


Chapter S*x.
Charot! Hihihi :D
070316


NAKAUPO SIYA SA buhangin habang pinagmamasdan ang papalubog na araw. The environment was relaxing and yet she couldn't relax a bit. Hindi mawala sa isip niya si Terence. She was wondering how much he'd change.

"Mom! A star fish!" tuwang tuwang tumatakbo palapit sa kanya si Theon habang hawak ang isang malaking star fish. Naupo ito sa harap niya at inilapag ang hawak na star fish.

"Ang laki naman. Wait here. Kukunin ko iyong camera." Patayo palang siya ng mgay isang pares ng paa ang huminto sa harap nilang mag-ina. Automatically, they looked up at the person standing in front of them.

"Terence." She said almost a whisper.

"That's one big star fish. Did you find it yourself?" anito kay Theon. "Come on, I'll take a picture of you."

"Woah! Okay!" pagsang-ayon agad ni Theon habang siya ay nanatiling nakatingin lang kay Terence.

"Mommy, smile a little bit. Don't just keep on staring at me." Then he wink at her kaya inirapan niya ito.

"Hindi kita anak kaya huwag mo kong ma-mommy mommy." Pero tinawanan lang siya nito habang patuloy sa pag-shot.

Nang makuntento ay tumigil din si Terence at tinignan ang mga picture sa hawak nitong camera. "Ang pangit ng mommy mo sa pictures." Komento pa nito at ipinakita kay Theon ang mga iyon.

"Right." Pagsang-ayon naman ng anak niya. "You should smile a bit, Mom."

"Come on." Sabay hili ni Terence sa kanya patayo. Sa gulat niya ay muntik pa siyang masubsob rito. Mabuti nalang at naitukod niya ang mga palad sa dibdib ng binata.

"Ano ba?!" iritableng piksi niya na tinawanan lang nito bago isinuot sa leeg niya ang camera.

"Kami naman ang kuhanan mo ng picture." Utos nito sa kanya at bago pa man din siya makatangi ay gumawa na ng posing ang mag-ama habang hawak sa magkabilang dulo ang star fish.

Napangiti siya at wala sa loob na napatitig sa dalawa.

"Got 'ya!" ani Terence na may hawak na cellphone na nakatutok sa kanya. "Look Theon, your mommy's lovelier when she smiles like this, right?"

"Of course! That's my Mom."

Pagkatapos nang tagpong iyon ay hinayaan na lamang niya ang anak na makipaglaro kay Terence – sa tunay nitong ama dahil wala pa naman si Jules. Isa pa ay mas mabuti na rin na makahalubilo ni Theon ang ama para pagdating ng panahon na kailangan na niyang ipakilala ang mga ito sa isa't isa ay hindi na siya masyadong mahirapan. Terence and Theon looks good playing together.

"Room 069. Eight pm sharp."

Iyon ang huling sinabi sa kanya ni Terence bago sila naghiwalay noong papalubog na ang araw at ngayon nga ay nakatayo na siya sa harap ng kwartong inookupa nito pero hindi niya alam kung kakatok nab a siya o hindi pa dahil kinakabahan siya.

She examined herself; she was wearing a floral midi dress and a pair of white flat sandals, her hair was in a messy bun and she didn't bother to put any make up on aside from a pink lip gloss.

She inhaled deeply before she knocks three times. At kung gaano katagal niyang pinigil ang hininga niya ay hindi niya alam nang may sumigaw mula sa loob ng kwarto na 'coming'.

Pagbukas ng pinto ay nagtama ang mga mata nila ni Terence and she immediately inhaled his after shaved scent while on Terence' lips, a lopsided smile formed.

"Hi!" aniya sa kawalan ng sasabihin. Tinanguan siya nito at iginiya papasok sa loob. And just like what she thought, ang kwarto nito ay isang VIP room na katulad ng kwarto nila ni Jules. The only difference is that their suite has two rooms.

With You It's Toxic (DH 5 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon