TULAD NG INAASAHAN ay naging laman ng balita ang nangyari kay Gigi at Terence. Kung ano-anong article ang lumalabas lalo na sa social media at pati siya ay nadamay. Well, not that she cared about it. Hindi naman siya sikat na tao at kung ikukumpara siya kila Terence at Gigi, she's nothing but an ordinary woman who happened to ruined their relationship.May mga nanghinayang at nakisimpatya kay Gigi, mayroon din naman na natuwa sa paghihiwalay ng dalawa at aminin man niya o hindi ay isa siya sa mga natuwa. Noong una pa lang ay alam na niyang hindi niya makakasundo si Gigi. Pero ang ikinaiinis niya ay ang pagbanggit ni Gigi sa pangalan niya kaya ngayon ay may ilang pictures na siya na kumakalat sa internet.
"You're such a bitch, Rei and I'm so proud of you!" pumapalakpak pa si Chesca habang sinasabi iyon.
"Alam naman natin na sa ating tatlo, itong si Reichelle talaga ang walang inuurungan. Ikaw ang malandi," turo ni Rin kay Chesca na umirap lang. "Ako ang mabait,"
"Martyr ka kamo saka medyo tanga!" ani Chesca.
"At si Rei ang pinaka-maldita sa atin." Pagpapatuloy ni Rin habang naka-ngisi.
"They already broke up even before this incident kaya huwag na huwag kong mababasa ang pangalan ko sinulot ko ang Terence Monroe na iyan." Aniya pa.
"Hindi nga ba?" sabay pa na sabi ni Chesca at Rin.
"Kasalanan ko ba na maganda ako?" she said, flipping her hair.
Nagkakatawan silang magkakaibigan when Theon thug her shirt. "Mom, Elle wants a Barbie and Dash said he's hungry."
Nagkatinginan sila ni Rin at parehong napangiti.
"Theon's such an adorable kid. Manang mana sa tatay niya." Ani Rin. "Seriously speaking, Reichelle Joy Vijandre." Hinarap siya nito pagkatapos iabot kay Theon ang Barbie ni Elle. Si Chesca naman ay nagpaalam na gagawa ng snacks ng mga bata.
"What?" aniya kay Rin nang huminto ito sa sinasabi.
"I can see how much you like him. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit pilit kang lumalayo kay Terence. Why don't you give him a chance? Bagay naman kayo at may Theon na kayo."
Umiling siya. "Kilala mo ang nanay ko, Rin at alam mo ang mga nangyari sa akin noon bago ko pa nakilala si Terence. Kung wala si Jules, baka hindi ako ganito. At kahit noong nasa States ay hindi huminto si Nanay. Si Jules... si Jules pa rin ang gumawa ng paraan para sa akin at kay Theon."
Rin squeezed her hand and give her a soft smile. "You know the truth, Rei. At ako na ang nagsasabi sa'yo, you're just making things complicated when in fact, you just have to follow this," turo nito sa dibdib niya. "And everything will be alright."
Napabuntong-hininga siya. Siguro nga ay ginagawa lamang niyang komplikado ang sitwasyon nila ni Terence. Kahit naman kasi ano ang gawin niya ay hindi niya maiiwasan ang nanay niya.
"I'll think about it and this time, I'll consider this." Turo niya sa dibdib bago nginitian ang kaibigan.
"Alam mo kasi ang problema sa'yo Rei? Pinapangunahan mo yung sa tingin mo ay problema." Nilapag ni Chesca ang nachos sac enter table. "Paano kung hindi naman pala talaga problema iyong problema? Ay teka, parang magulo." Tapos ay tumawa ito. "Well, sa isang relasyon kasi, hindi naman maiiwasan ang problema. Halimbawa na lang kami ni Irving James the Third, palagi kaming nagtatalo kung anong flavour ng condom ang – ouch!"
Sabay nilang hinampas ni Rin ang kaibigan. Kahit kailan talaga ay walang mapupulot kay Chesca.
"Ang halay mo, Chesca Fayelin!" aniyang natatawa.
BINABASA MO ANG
With You It's Toxic (DH 5 || Completed)
Romance[PG-18] She met him when she was vulnerable and curious about things that only him can give. She wanted him like a hot chocolate on rainy days. And she really fell in love with his hot chocolates that can be found on his body. He met her and felt th...