TOXIC: Twenty-Seven

37.5K 942 29
                                    

Note: For more updates, you can follow me on twitter @MsSongsari23 . Mas madalas ako jan kaysa sa fb, nakiki-chismis. haha


***


"What?"


"Ang bilin po kasi ni Sir Jules, kapag aalis kayo ay samahan kayo."


Napailing na lamang siya at hindi na kumontra sa sinabi ni Brando, ang isa sa mga bodyguards ni Jules. Kasama nito si Alfonso na siyang nagmamaneho.


Ayaw niya ng may bodyguard. Hindi naman siya VIP na tulad ni Jules kaya nagtaka siya nang si Alfonso ang makitang driver niya. Tapos ay kasama pa si Brando. Hindi na lang siya kumibo. Ayaw na niyang makipagtalo pa kay Jules ng tungkol sa bagay na iyon. Nakakasawa na rin kasi.


"Saan po tayo, Ma'am Reichelle?" Ani Alfonso.


"Sa mall. Pero dumaan muna tayo sa opisina ni Jules."


Nitong mga nakaraang araw ay halata niya ang pagod ni Jules. She was also a part of the Vijandre Holdings, Inc. dahil magkatulong nilang pinalago iyon ni Jules. Wala siyang masyadong alam sa clothing industry kaya noong mapunta siya sa ibang bansa ay iyon ang pinag-aralan niya para matulungan si Jules. Maliit lang ang share niya sa kumpanya dahil ang gusto talaga niya ay ang magtayo ng sariling boutique. She has one, ang Theon's na iniwan niya sa kaibigan niya sa States. Puro pang bata ang naroon habang and dito sa VHI ay iyong mula pambata hanggang pangmatanda.


"Si Jules?" Bungad niya sa sekretarya nito na agad ngumiti sa kaniya at sa anak niya nang makilala sila.


"Na sa conference meeting pa po, Ma'am Reichelle pero patapos na sila. In a couple of minutes ay baka narito na iyon. Sa loob na lamang po kayo maghintay."


Tumango siya at iginiya siya nito sa loob. She eyed Jules secretary. Maganda, sexy at simpleng manamit na kabaligtaran noong isa pang secretary ni Jules. This is Jules type at kung walang ED si Jules ay iisipin niyang isa na ito sa pinagkakalibangan ng huli.


"Thank you, Camilla."


"Mom, can I go outside?" Theon asked, tugging on her blouse.


"Sure. Pero huwag kang bababa nitong floor, alright? At huwag kang masyadong manggugulo sa mga empleyado." Palagi naman kasi niyang isinasama ang anak sa trabaho kaya kilala na ito ng mga empleyado at kilala na rin ni Theon halos lahat ng nasa floor na iyon.


"Theon!"


Saktong papalabas si Theon nang makasalubong ito ni Jules. Agad itong binuhat ng huli pero ibinaba rin.


"I'll go outside, Tito."


Tumango si Jules at sinundan muna ng tingin ang direksyong tinungo ni Theon bago siya binalingan. "Ba't nandito ka?" He kissed her cheek.


Inirapan niya si Jules. "Do you need me here? Ilang araw na akong hindi pumapasok."


With You It's Toxic (DH 5 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon