TOXIC: Twenty-One

40.9K 1K 19
                                    


"MOMMY! WAKE UP!" napangiti siya pagkarinig sa boses ng anak. Mukhang tinanghali na naman siya ng gising. Hindi kasi siya kaagad dinalaw ng antok nang nagdaang gabi dahil sa kakaisip kay Terence.


"Terence?" bigla siyang napabangon.


"Good morning, sleepy head."


"Shit lang." mura niya saka dahan dahang ibinaling ang ulo sa pinagmulan ng baritonong boses na iyon.


And there, standing behind her son was none other than his oh-so-good-looking-father. Nakangiti, magulo ang buhok, naka-itim na sando at boxer short lang habang may dalang tray ng pagkain.


"God. I must be dreaming." Humiga siya ulit at nagtalukbong para mapabangon lang din ulit dahil hindi pamilyar sa kaniya ang amoy ng duvet. Nasa bahay nga pala siya ni Terence! Damn!


Tumatawang inilapag ni Terence sa harap niya ang dalang tray ng pagkain. Si Theon naman ay agad na naupo sa tabi ng ama paharap sa kaniya.


"Omelette, French toast and your favorite hot chocolate for breakfast. Sorry. Medyo late na rin kasi akong nagising kaya ito lang ang naluto ko." Inabutan ni Terence ng tinidor ang anak na kaagad nilantakan ang omelette.


"And a red rose for the lady."


Napalunok siya at napatitig sa pulang rosas na iniaabot nito sa kanya. Kinuha niya iyon at nagpasalamat. May maliit na pusong papel nan aka-tali roon kaya binuklat niya iyon para basahin ang mensahe.


"Thank you for giving me this chance."


Nang balingan niya si Terence ay sinalubong siya ng tinidor na may omelette.


"Say aah, mommy." Ani Terence.


"Oh my God!" napatakip siya sa mukha. Bakit ang cute ni Terence? Para sa isang mama na tulad ni Terence, bagay rito ang magpa-cute na ganoon.


"Mommy, come on. Open your mouth!" ani Theon sa kaniya kaya pinandilatan niya ito lalo na at namumuwalan ito sa kinakain.


"Nganga na kasi, mommy." Nakangiting sabi ni Terence sa kaniya. Wala siyang nagawa kung hindi ang kainin ang isinusubo nito.


"Very good!" sabay na sabi ng mag-ama niya kaya napangiti na rin siya. Nag-thumbs up pa ang mga ito nang makita siyang ngumiti na lalong nagpangit sa kaniya.


Hindi tuloy niya maiwasang isipin na paano kaya kung hindi siya umalis pitong taon na ang nakakaraan? Paano kaya kung ipinaalam niya kay Terence kaagad na may anak sila? Ganito kaya kasaya ang bawat umaga nilang tatlo? Kaya kaya nitong pagsabayin ang pagiging ama kasabay ng pagpapatakbo nito sa negosyo ng pamilya nito at maipapatayo kaya nito ang security agency na matagal nitong pinangarap? Kung hindi siya lumayo, magiging ganito pa rin kaya ka-successful si Terence?


Hindi. Dahil kung nalaman nito kaagad ang tungkol kay Theon, marahil ay hindi na nito mapagtutuonan masyado ng pansin ang tungkol sa pangarap nitong security agency lalo na at dalawang kurso ang pinag-aaralan nito ng mga panahong iyon. Idagdag pa ang pag-aaral nitong patakbuhin ang family business ng mga Monroe. He was young and full of dreams that time at malamang na maging pabigat lamang sila kung nagkataon.


Looking at Terence right now makes her proud of the decision she made back then. Dahil ngayon, sobrang successful na ng Terence na nasa harapan niya.


"You're staring too much, honey. Baka matunaw ako."


Pinamulahan siya ng mukha. Hindi niya napansin na matagal na pala siyang nakatitig kay Terence. Mabuti na lamang at na kay Theon na ang atensyon nito.

With You It's Toxic (DH 5 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon