090816
SHE WAS GLAD that Terence got an emergency call from his office, hindi nga lang niya alam kung saang office dahil ang pagkakaalam niya ay bukod sa family business ng mga Monroe na Hotel and Restaurants around the world ay mayroon ding itinayong sariling security agency si Terence and it was one of the most successful agency in the Philippines.Alam niya na kahit huthutan ito ng nanay niya ay hindi maghihirap si Terence because he is already a millionaire kahit hindi halata at maraming hindi nakakaalam noon. Well, lahat naman silang magkakaibigan ay pawang mga milyonaryo na and what you can really admire in them is that they stayed in a low profile. Hindi sila makikita madalas sa mga peryodiko dahil puro sila maiilap sa media. Tanging si Dwight at Terence lang ang madalas makuhanan ng stolen shots ng media dahil sa uri ng trabaho ng mga ito.
"Earth to mommy, please."
Napalingon siya kay Theon na kunot ang noo at halatang naiinip na. Pagkauwi kasi niya mula sa condo ni Terence ay nagmamaktol si Theon at gustong lumabas, hindi lang ito mailabas ni Jules dahil may importanteng business meeting ang binata kaya nakarating sila ngayon sa pinakamalapit na fast food chain.
"Are you that hungry?" aniya sa anak na nilalantakan ang French fries na nasa harapan at isinasawsaw pa sa sundae nito. Wala pa kasi ang order nilang Jolly spaghetti, jolly hotdog, and a bucket of chicken joy.
"Yes. Tito Jules said that we'll go here but then he left me when I was still sleeping." Sumbong pa nito. Wala kasing Jollibee sa New York kaya nawiwili si Theon sa pagpunta sa Jollibee. Marami daw kasing bata na tulad niya.
"Mom,"
"Hmmn?" aniyang nakisubo na rin ng french fries.
"I want a baby sister or a baby brother like those kids." Anito habang may tinitignan sa likuran niya. "Or a twin maybe? Just like those kids in the counter."
Nilingon niya ang tinitignan nito at napakunot noo pa siya dahil parang kilala niya ang lalaking may brown at medyo kulot na buhok na iyon na may kasamang babaeng itim na itim naman ang buhok na siyang may akay sa kambal. Mukang nag take-out ang mga ito. Napangiti siya.
"That's your Tita Rin and Tito Dwight." Aniya at sakto naman na dumating ang mga order nila kaya sa pagkain na nabaling ang atensyon ng anak niya.
Tinawag niya ang kaibigan at nagkamustahan lang sila saglit dahil may pupuntahan pa raw ang mga ito kaya nag-take out na lamang ng pagkain para sa mga bata dahil iyon daw ang gusto ng kambal.
Masaya siya para sa kaibigan. Rin has Dwight and the twin while Chesca just gave birth to their first child. Masaya na sa kanya kanyang buhay may pamilya ang mga kaibigan niya habang siya ay wala pa ring direksyon ang buhay.
Pagkatapos nilang mag-Jollibee ay nag-grocery muna sila bago umuwi. Nadatnan nila si Jules na nakahiga sa couch sa living room at mukhang natutulog kaya hindi nalang niya muna pinansin.
Inayos niya ang mga pinamili at saka naghanda ng damit na susuotin dahil susunduin daw sila ni Terence for dinner at his pent house. Kasalukuyan niyang inaayos ang mga damit niya nang makatanggap siya ng tawag mula sa ina.
"Kailangan ko ng pera. Natalo ako sa sugal at naibenta ko na ang apartment na ibinigay mo kaya kailangan ko ng bagong matutuluyan. Ang lintik na Amerikanong iyon! Pagkatapos akong pagsawaan ay basta na lamang bumalik ng America at iniwan ako rito sa Pilipinas na parang isang puta! Tatanggalan ko siya ng bayag kapag nakita ko ulit ang gagong iyon!" bungad sa kanya ng nanay niya.
Iyon na ang ikalawang apartment na ibinigay niya rito. Kung tutuusin ay kaya naman niyang bigyan ng magandang buhay ang ina ngunit sa estado ng nakasanayan nitong buhay ay ayaw niyang masaksihan iyon ng anak niya. Her mother was still living like a whore. Kung kani-kanino pa rin ito sumasamang lalaki and worst ay natuto itong magsugal atlahat ng halos pwedeng ipusta ay ipinupusta nito.
"Nay, why don't you quit playing in the casino? Bakit hindi nalang ninyo iwan ang ganyang buhay at sumama na lamang kayo sa akin?" she was still hoping na magbabago ito pero mukhang Malabo na talaga yatang mangyari iyon.
"Ano? Nahihibang ka na ba? Ito ang buhay na gusto ko. Ngayon, kung hindi ka magbibigay ng pera ay doon ako hihingi kay Jules o kaya ay roon sa Terence na iyon. Leche kang bata ka! Kung sinabi mo agad na isa palang napakayamang lalaki ang nakabuntis sa'yo, sana ay matagal ka ng milyonaryo. Kahit kailan talaga ay napakaboba mo. Manang mana ka sa ama mo na piniling pakasalan ang babaeng mahal kahit na nabuntis na nag iba."
Napabuntong hininga na lamang siya. Paulit ulit na nitong linya iyon pero bakit ba hindi pa rin siya masanay-sanay?
She closed her eyes and heaved out a deep sigh. "Magpapadala na ako kaya huwag na huwag na kayong hihingi ng pera kay Jules lalong lalo na kay Terence. Bigyan naman po ninyo ako ng kaunting kahihiyan."
"Ang dami mo pang satsat. Magbibigay ka rin naman pala." Iyon lang at pinatay na nito ang tawag.
Ayos na sa kanya na ganoon sila ng ina. Ang tanging hiling nalang niya ay huwag sana itong makakuha ng sakit sa mga lalaking nakakarelasyon nito. Her mother may have done the worst thing on her but she's still her mother.
Kinagabihan ay sinundo sila ni Terence. Mukhang kagagaling lang nito sa opisina dahil naka-coat and tie pa ito.
"Sorry. I just got out from work." Anitong hindi itinago ang kaswal na paghagod ng tingin sa ayos niya.
Naka-off shoulder siyang blouse na naka-tucked sa high-waist denim skirt na tinernuhan niya ng flats.
"Okay lang. Dapat nga nagsabi ka nalang na hindi ka na darating para mas maganda." Nakaingos niyang sabi. "Si Gigi, ano'ng balak mong gawin sa girlfriend mo?"
"Let's not talk about her. Where's Theon?"
"Mommy! Tito Jules called...oh, hi!" ani Theon na humahangos mula sa loob ng bahay. Huminto ito sa tabi niya at tiningala si Terence.
"Hey buddy!" nginitian ito ni Terence at ginulo ang buhok saka tumingin sa kanya na parang tinatanong siya kung alam na ni Theon na ito ang ama.
Niyuko niya ang anak. "Theon, you knew already that he is your Daddy, right?"
"Yes. Tito Jules told me."
"Then, you should call him daddy from now on."
Agad na nagliwanag ang mukha ng anak nila dahil sa sinabi niyang iyon. Para naman siyang nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa naging reaksyon ng anak.
"Really? As in, mommy?" tapos ay bumaling ito sa ama. "Can I really call you daddy?" nakatingala nitong tanong.
"Of course!" nakangiting turan ni Terence bago binuhat si Theon at niyakap.
God! She wanted to cry. It was a sight to behold! Parang lahat ng bigat sa dibdib niya ay nawala dahil sa tagpong nasa harapan niya ng mga sandaling iyon. marami siyang gustong itanong kay Terence pero kahit isa sa mga iyon ay hindi niya magawang itanong rito dahil sa tuwing sila na lamang dalawa ang magkaharap, palaging nauuwi iyon sa tagpo sa kama.
Isa pa iyon sa ikinababahala niya. sa tuwing mapagsosolo sila ni Terence ay palagi na lamang sex ang kinahahatungan nila. Hindi niya magawang tumanggi kahit pakiramdam niya ay natatapakan na ang pagkababae niya. Galit si Terence sa kanya kaya nito iyon ginagawa pero siya rin ang dahilan kung bakit ito nagalit.
But it was a lie. A big lie that will cover the truth why she has to hurt him with those words she said that awakens the beast in him.
BINABASA MO ANG
With You It's Toxic (DH 5 || Completed)
Romance[PG-18] She met him when she was vulnerable and curious about things that only him can give. She wanted him like a hot chocolate on rainy days. And she really fell in love with his hot chocolates that can be found on his body. He met her and felt th...