080916
IT'S BEEN A WEEK since her last encounter with Terence and she haven't heard anything about him. Not that she misses him but more on she was curious on what he is doing right now after what he said to her last time.
Totoo nga na nagbago na ito. Dati kasi ay hindi man lamang siya nito mapagsalitaan ng ganoong klaseng salita. She didn't even hear him curse before even once. Pero marahil ay nasagad na niya ito dahil sa masasakit na salitang nabitawan niya.
"Rei?"
Isang marahang tapik sa balikat niya ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. They're having dinner, silang tatlo nila Jules at Theon. Sinundo kasi siya ni Jules sa boutique niya at kasama rin nito si Theon na ito rin ang sumundo mula sa pinapasukang eskwelahan.
"Sorry. Medyo wala kasi akong gana. Late na rin kasi kanina noong magkayayaan kami ng mga employee ko na mag-order ng pizza." Saka niya nginitian ng tipid si Jules. But her smile slowly fades away upon seeing a pair of chocolate brown eyes piercing through her. Napalunok siya ng wala sa oras.
Si Terence. Sa braso nito ay naka-angkla ang girlfriend na si Gigi. Hindi niya mapigilan ang pagdaloy ng inggit sa sistema niya dahil sa tagpong nasa harapan niya.
Bakit nga ba kasi sa isa sa mga restaurant nap ag-aari pa ng mga Monroe sila kumain?
Napabuntong hininga na lamang siya. Walang alam si Jules at wala siyang balak ipaalam rito ang nangyari sa Isla. Tama nang nasabi niya ang isang bagay kay Terence na hindi niya dapat sinabi. She knows that it was unfair to Jules but as long as she can, she would keep it to him.
"Iyon ng aba talaga? You've been like that since we got home from the Island. What happened in the Island between the two of you, Reichelle?" puno ng pag-aalalang tanong nito sa kanya.
Nilingon niya si Theon at ganoon rin ang ginawa ni Jules bago bumuntong hininga. "Sa bahay nalang natin pag-usapan, Jules."
Marahang tumango si Jules bago ipinagpatuloy ang pagkain habang siya ay pasimpleng pinagmamasdan si Terence mula sa malayo. Kausap nito ang kambal na sina Clyde at Dwight na pinagtigisahan ang kambal na sina Dash at Elle na parehong natutulog na sa balikat ng mga ito.
Ilang saglit pa ay dumating si Amber at Rin na tumabi sa kambal. Si Amber ay napatingin rin sa direksyon niya kaya napilitan siyang ngumiti nang mag wave ito sa kanya dahilan para mapalingon sa direksyon nila ang lahat.
Nilapitan sila ng mga ito pero si Terence at Gigi ay nanatiling tahimik lamang na nakamasid sa kanila. Hindi maitago sa mukha ni Gigi ang disgusto sa kanya at mukhang napansin iyon ni Amber kaya si Terence na mismo ang naglayo sa dalaga sa kanya at nauna ng umalis.
"What's wrong with Gigi? Nagseselos yata kay Rei kasi iyong jowa niya ay hindi man lang kumukurap sa pagkakatitig kay Rei." Ani Amber sa katabing si Clyde saka tumawa.
Tinignan naman siya ng makahulugan ni Rin. Of course, her friend knows him more than anyone around them. "Let's talk some other time, Rei. Marami kang dapat ikwento sa amin ni Chesca and you can't say no." ani rin sa kanya.
"Alam mo Dwight, bakit hindi mo kunin na model si Rei? Wala lang, pang-inis lang kay Gigi kasi parang insecure siya eh." Singit na naman ni Amber.
"Stop that, Amber. Gumagawa ka ng issue." Anang malamang ay si Clyde na umakbay pa kay Amber. "Bakit hindi nalang ako ang pagtuunan mo ng pansin?" ngisi pa nito.
Natawa na lamang siya. Kahit kailan talaga ay napakagulo ng relasyon nila Amber at Clyde. Now she's wondering what's the real score between the two.
"GO HOME, GIGI. I'll call someone to send you home." Malamig niyang turan.
Hindi mawala sa isipan niya ang nadatnang tagpo sa mismong restaurant nap ag-aari niya. He still couldn't accept the fact that Reichelle chooses Jules over him. Of all people, bakit si Jules pa ang pinili nito? For Pete's sake! They're siblings in the eye of everyone!
"What? So that's it? After mo akong pagparausan ay ganoon nalang? Why are you being like that these past few days? Was it because of her again? Damn it,Terence! Are you torn between me and that fucking bitch?" sigaw ni Gigi sa kanya.
Alam na nito ang tungkol sa kanila ni Reichelle at nagwala ito nang malaman iyon. Dalawang araw niya rin itong sinuyo na sana ay hindi na lamang niya ginawa.
"Your mouth, Gigi. She's still the mother of my child and you were just my girlfriend. You are not allowed to bad mouth Reichelle." No one is allowed except me.
"Bigla nalang nawala iyong Terence na kilala ko mula nang dumating ang babaeng iyon. Akala mo ba hindi ko nahahalata? You still like her! Nanlamig ka na sa akin kasi nariyan na ang dati mong babae. Ayoko ng may kahati ako sa atensyon mo, Terence. I want you for myself alone!" saka ito padabog na tumayo at pinulot ang mga nagkalat na damit.
Tumayo na rin siya at isinuot ang pantalon bago nagsalin ng alak sa isang baso saka iyon inisang lagok. Ramdam niya ang pagguhit ng init sa lalamunan niya pero binalewala niya at muling nagsalin ng isa pa bago nag-dial sa cellphone para sa maghahatid kay Gigi pauwi.
Nilingon niya si Gigi na nakabihis na at itinatali ang mahaba at kulot nitong buhok. Pinagmasdan niya ito. She's beautiful and sexy with or without make up but there is something missing about her that he couldn't pin point.
Nilapitan niya ito at hinapit sa beywang saka hinalikan para malaman kung ano iyong kulang na hinahanap niya pero hindi pa rin niya natagpuan.
"Can't get enough of me?" mapanukso nitong turan bago ikinawit ang mga braso sa batok niya at inabot ang labi niya.
Nang matapos ang halik ay marahan niyang kinalas ang mga braso nitong nakapulupot sa kanya at saka ito iginiya sa pintuan ng condo niya. "Go home, Gigi. Nasa ibaba na ang maghahatid sa'yo."
Ngumuso ito. "Bakit kasi hindi nalang tayo magsama dito?"
"Go home. It's late and I'm not feeling well." Pambabalewala niya sa sinasabi nito.
He's always been like that to her. Palagi niyang iniignora ang karamihan sa mga sinasabi nito para maiwasan na rin nila ang mag-away.
"Fine." Nakanguso nitong sabi bago lumabas. Hinaplos nito ang pisngi niya at tumingkayad para gawaran siya ng marahang halik. "Uminom ka ng gamot. Uuwi na ako. I love you, baby!"
Tinanguan lang niya ito at pinanood hanggang sa makasakay ito sa elevator. Nang masiguro niyang nakauwi na ang dalaga aymabilis siyang naligo at umalis.
Hindi maalis sa isip niya si Reichelle at hindi siya matatahimik hangga't hindi niya ito nakikita. And just thinking that Reichelle's with Jules at the moment makes him mad. So what if the man has an ED? He still has hands and mouth to use to make Reichelle happy.
Happy? Damn it but they don't deserve to be happy while he is miserable after knowing that they used them. At ano? Habang para na siyang masisiraan ng bait ay nagpapakasaya ang mga ito kasama ang anak niya? There's no way he would let that to happen. Kung kailangang kuhanin niya ang bata ay kukuhanin niya. if he couldn't get Reichelle then at least, he knows that he can get their son.
Pagtapat niya sa bahay na tinitirhan nila Jules at Reichelle ay agad niyang tinawagan ang huli. Wala na siyang pakialam kung may ginagawa man ang dalawa o wala.
"Hey fuck buddy! I'm outta here so come out. I need you now at kung hindi ka lalabas, ako mismo ang hahatak sa iyo mula sa loob ng bahay ninyo palabas." He said before dropping the call.
BINABASA MO ANG
With You It's Toxic (DH 5 || Completed)
Romance[PG-18] She met him when she was vulnerable and curious about things that only him can give. She wanted him like a hot chocolate on rainy days. And she really fell in love with his hot chocolates that can be found on his body. He met her and felt th...