TOXIC: Eight

48.4K 1.1K 71
                                    

072316

"UUWI NA TAYO."

Nabaling ang atensyon niya kay Jules na nakaharap sa laptop nito. Pumangalumbaba siya at pinagmasdan ito. Gwapo si Jules at hindi iyon maikakaila. He has curly brown hair, round eyes with curly lashes and a nice body. Paano niya nalaman? Well, Jules has a bad habit of going naked when drunk then walked around the house. He is such a baby when he's drunk.

"Why so fast, Tito Jules?" tinabihan ito ni Theon.

Hindi niya alam kung kailan nagsimulang tawagin ni Theon na Tito si Jules at kung sino ang nagturo dito but she was glad about it and at the same time, medyo nalulungkot siya para kay Jules. She knows how he wanted to be called as father by Theon.

Ginulo ni Jules ang buhok ni Theon. "Tapos na ang business ni Tito dito but if you really want to stay a little longer, pwede naman." Nilingon siya ni Jules. "Extend tayo?"

Ngumiti siya. "Sure."

Nagtatalon naman si Theon sa tuwa at hinalikan pa sila ni Jules. "Let's go Mom before it gets dark!"

Natawa nalang sila ni Jules. Sa totoo lang ay ayaw niyang lumabas. Baka mamaya, mag-krus na naman ang landas nila ni Terence. Ayaw muna niyang makita ito pagkatapos ng mga napag-usapan nila kaninang umaga sa tabing dagat. Isa pa ay baka makita na naman nila ang nanay niya.

"Rei, I know you still have feelings for him. But please, huwag mong madaliin ang lahat. I know that he's the main reason why you decided to come back here in the Philippines but many things have changed already and he already has a girlfriend. Baka gumaganti lang siya sa'yo dahil sa ginawa mong pang-iiwan sa kanya noon at sa pagtatago kay Theon." Ani Jules habang naglalakad sila sa gilid ng dagat at pinapanood si Theon na naglalaro.

Napayuko siya. "Sinabi ko na ang tungkol kay Theon and he wasn't surprised anymore."

Tumawa si Jules. "Kahit naman ako, noong makita ko ulit ang Monroe na iyon, alam ko na agad na siya ang ama ni Theon. Hindi mo maikakaila dahil para silang pinagbiyak na bunga."

"Ako kaya ang kamukha ni Theon."

"Kung hindi lang sa'yo nanggaling si Theon, iisipin ko na hindi ikaw ang nanay niya eh." Tumatawang saad ni Jules. Hinampas niya ito para tumigil pero lalo lang itong natawa.

"I slept with him last night." Aniya na nagpahinto kay Jules sa pagtawa.

"I know. Pero ingat lang Rei, baka masundan si Theon. Settle everything first bago kayo sumige ng sumige." He then taps her head tapos ay inakbayan siya.

"Sorry Jules."

Bumuntong hininga ito. "Nah! I know, brother-zoned talaga ako sa'yo kahit noon pa man." Tumawa ito. "Kaya magpapakatandang binata nalang ako." Biro pa nito.

Siniko niya si Jules. "Huwag! Sayang ang genes mo." Tawa niya tapos bigla siyang napahinto noong maalala niya na may erectile disorder nga pala si Jules.

Dati, she was thankful for that dahil hindi nito nagalaw si Rin but right now, she pitied him for having that disorder. He's a bachelor and yet, he can't even get laid.

Tinawanan lang ulit siya ni Jules. "Ido-donate ko nalang."

Hinarap niya ito. "Why don't you try consult a doctor, Jules?"

"Saka nalang. Kapag naka-move on na ako sa'yo."

Inirapan niya ito. Ginagawa nalang talaga nitong biro ang pagkagusto sa kanya. Kung minsan ay naiilang pa din siya pero madalas ay tinatawanan nalang niya si Jules at idinadaan nalang nila sa biro ang lahat. She was really hoping for his recovery.

With You It's Toxic (DH 5 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon