A/N: Update na pilit. hahaha. Sabaw itu mga besh. Pasensya na. Tinamaan ako ng writer's block eh. Sorry na. Pero comment pa rin kayo ha? Sige naaaaa. Para ma-inspire naman akes. hahaha.
Tapos pa-plug na rin! Haha. Kindly support Chasing Hearts && To The Boy Who Broke My Heart. Para iyan sa mga forever basted at para sa mga di maka-move on. Comment kayo dun.
Enjoy this chapter kahit sabaw. Don't forget to vote and comment na din!! :)
***
WHEN SHE HOLDS Terence' hand, it gives her the feeling like after so long, she was holding her happiness... at last! Like she's finally home again after such a long time.
"Daddy!"
Napahinto sila ni Terence at agad humarap sa pinanggalingan ng tinig ni Theon. She was about to let go of Terence' hand but he firmly holds her hand as he gently squeeze it.
"Yo! Little buddy!" Anito sa anak at ginulo ang buhok.
Ramdam niya na natigilan ang mga empleyado. Natahimik rin ang lahat at tanging ang munting kwento lamang ni Theon kay Terence ang maririnig sa lugar.
Alam niya na aware ang lahat ng taong naroroon tungkol sa relasyong mayroon si Terence at Gigi. Pati ang pagkakaroon ng anak ni Terence sa kaniya ay siguradong alam na rin ng mga ito at iyon ay dahil pa rin sa mga impormasyon tungkol sa kaniya na ipinagkalat ni Gigi sa media. Pero walang kumpirmasyon mula sa kanila ni Terence kung totoo ba ang balitang iyon.
At ngayon, ang pagtawag ni Theon ng daddy kay Terence ang nagkumpirma sa balitang iyon. Not that she will hide it to everyone. Kung pwede nga lang ay magpa-press conference siya at ipagsigawan na may anak sila ni Terence ay ginawa na niya.
"I uploaded our video in the Island, Dad. They said that mom's so pretty and that I look exactly like you." Kwento ni Theon sa ama na tila tuwang-tuwa. "But your video is way cooler. You edit it!"
Naka-ngiting pinakikinggan lamang ito ni Terence na magkwento. Sa ibang pagkakataon ay hahayaan niya ang mag-ama niyang magkwentuhan ngunit hindi sa ngayon. She wanted to clear things up with Terence. Iyong sila lang dalawa. Iyong walang Gigi na sisingit. Sila lang talaga.
Tinawag ni Reichelle ang sekretarya nang mamataan itong naroon lamang sa gilid niya. Kaagad naman itong lumapit sa kaniya.
"Yes, Ma'am?"
"Jenna, Mr. Monroe and I have something to discuss in my office. Paki-tignan na lang muna si Theon at kung maaari, huwag kang magpapapasok sa office ko while we are there. Kahit si Jules o si Theon." Aniya sa sekretarya.
"Oh, no Reichelle. It can wait. Bakit hindi na lamang muna kayo sumama ni Theon sa akin? Let's have some lunch then later at home, doon na lamang tayo mag-usap." Suhestiyon ni Terence na hindi pa man siya nakakasagot ay hinila na siya paalis habang sa kabilang kamay nito ay hawak si Theon.
Nang lingunin niya ang sekretarya para sana bilinan sa huling sandali ay tumango ito sa kaniya at ngumiti na tila ba alam na ang gagawin. She mouthed thank you bago tuluyang sumunod ng lakad kay Terence.
BINABASA MO ANG
With You It's Toxic (DH 5 || Completed)
Romance[PG-18] She met him when she was vulnerable and curious about things that only him can give. She wanted him like a hot chocolate on rainy days. And she really fell in love with his hot chocolates that can be found on his body. He met her and felt th...