Chapter Three
061216"MAGKAKILALA PALA KAYO?" Untag ni Amber sa kanilang dalawa.
Walang sumagot, rather, walang gustong sumagot sa kanilang dalawa. No one wanted to break the chilling atmosphere between the two if them that even Amber chooses to ignore the both of them and leave the pool area. Tinangay pa nito si Thea mula sa bisig ni Terence at tuloy-tuloy na tumalikod. Naiwan tuloy siyang mag-isa kay Terence.
"It's been what? Seven years? Eight years? And you've changed a lot." Halos pabulong na nitong sabi habang palapit sa kanya ng dahan-dahan.
Ngumiti siya ng pilit. "Ikaw rin naman." Tipid niyang sagot habang umaatras.
Parang tatalon ang puso niya palabas sa dibdib niya dahil sa kaba. After all these years, Terence still have that effect on her. Funny. Pero noon pa man, her heart always beats erratically whenever he is around. Hearing his voice sends shivers down her spine. And his touch? She wouldn't want to know if his touch still have the same effect on her. Dahil kung susubukan niya at katulad pa rin ng dati ang magiging reaksyon ng katawan niya, baka masundan si Theon ng wala sa oras at makasira pa siya ng isang relasyon.
"Si Theon, anak ni Jules?" Diretsong tanong nito na nagpanganga sa kanya.
"Are you stupid?" Bigla ang pag-ahon ng inis sa dibdib niya. "Kapatid ko si Jules kung nakakalimutan mo Terence." Pagpapaalala pa niya rito.
"Ah." Tumango-tango ito. "That's why he often sleeps on your room back then. Okay. Noted. And maybe, you should try teaching your child to address your brother as uncle."
"Why are you being like this, Terence?" Naguguluhan siya. Alam na ba nito na ito ang ama ni Theon? Why is he acting like that?
Hindi. Hindi pa ngayon. Hindi pa pwedeng malaman ng binata na ito ang ama ng anak niya lalo na at hindi maganda ang sitwasyon nilang dalawa. Pero kailan ba ang tamang panahon?
Nabalik ang atensyon niya kay Terence mula sa malalim na pag-iisip nang maramdaman niya ang marahang pagdausdos ng isang palad nito mula sa beywang niya papunta sa likod niya. Hinapit siya nito palapit sa katawan nito at automatic na itinukod niya ang dalawang palad sa nakahantad na malapad nitong dibdib. Agad ang pagdaloy ng bolta-boltaheng kuryente sa katawan niya nang magdikit ang mga balat nila.
Nang ilapit nito ang mukha sa kanya ay nag-iwas siya ng tingin but in her peripheral vision, she still saw that half smirk on his luscious lips.
"Then, who is the father of your child?" Bulong nito. His breath fanning on the side of her neck.
"Terence, baby, where are you?"
Agad niyang itinulak si Terence nang may marinig siyang boses pero hindi naman siya nito binitawan at kitang-kita ng bagong dating ang posisyon nila.
Nilingon niya ang bagong dating na napahinto at napatitig sa nang makita sila sa ganoong ayos.
It was Gigi — Terence' girlfriend.
"What the heck is going on here?"
Kaswal na binitawan siya ni Terence para lapitan ang kasintahan at gawaran ng marahang halik sa labi. Nag iwas siya ng tingin nang ikawit ng babae ang mga braso sa leeg ni Terence para palalimin ang haik.
"Sorry. Na-miss ko lang ang baby ko." Nakangiting saad ni Gigi sa kanya.
Gusto niyang masuka dahil sa endearment nito kay Terence.
Baby? Kahit saang banda ko tignan ay walang bakas ng pagiging baby kay Terence. Bulong niya sa isip habang pilit na itinago ang disgusto sa mukha.
BINABASA MO ANG
With You It's Toxic (DH 5 || Completed)
Romance[PG-18] She met him when she was vulnerable and curious about things that only him can give. She wanted him like a hot chocolate on rainy days. And she really fell in love with his hot chocolates that can be found on his body. He met her and felt th...