091516
PAGDATING NILA SA pent house ni Terence ay marami ng tao. Everybody's having a goodtime and no one notices their arrival until Terence cleared his throat.
"You party like you owned this place." Iiling iling na sabi nito pero nakangiti naman habang buhat pa rin si Theon at siya ay nasa tabi lang nito.
"Here comes another daddy!"
It was Arthur Iglesias, a known playboy who tie the knot a year ago. Sino ang hindi makakakilala rito gayong naging laman ng balita at peryodiko ang pagkaka-aksidente ng asawa nito sa araw mismo ng kanilang kasal? And to think na ang napangasawa nito ay ang nag-iisang babae ng mga Madrigal, kaya marami ang nakisimpatya at mayroon din naman na nagsabing karma daw iyon ni Art sa pagiging babaero.
Tinignan niya si Art na may buhat na batang babaeng may magulong buhok na malamang ay ang panganay nito at ni Emerald, he looks happy and contented.
Isa-isa ng naglapitan sa kanila ang mga kaibigan nito pero nangunguna si Meg na malaki ang ngiti habang palapit sa kanila. Agad siya nitog niyakap pagkalapit sa kanya tapos ay hinarap ang kuya nitong si Terence na noon ay ngiting ngit habang buhat pa rin si Theon.
"Theon, she's your Tita Meg." Pakilala ni Terence sa kapatid. "And don't bother about the other people here." Biro ni Terence.
"Bad influence!" ani Meg sa kuya nito saka pinisil ang pisngi ni Theon. "Hi Theon! Ang pogi mo naman. May ipapakilala ako sa'yong maganda and that's me, I'm your Tita Meg. This guy beside me is my husband, your Tito Drae at si Thea naman iyong kulot na batang babae na iyon na kumakain ng marshmallow." Turo ni Meg sa batang babae sa isang sulok na may kasamang ilang bata na mas matanda rito.
"Rei!" nilingon niya ang tumawag sa kanya.
"Rin! Oh my God! You're here!" nagyakap silang magkaibigan.
Nagkamustahan silang magkaibigan at si Rin na rin ang nagpakilala sa kanya sa mga taong naroon dahil nasa isang sulok ang mga lalaki at nag-uusap ng tungkol daw sa plano ni Art na pakasalan ulit si Emerald. Hinayaan na lamang nila ang mga ito.
Ang mga bata naman ay abala sa paglalaro at pag-iihaw ng marshmallow kasama ang kanya kanyang mga nanny.
"You didn't tell me na may boyfriend ka pala noon? And I really thought you lost the child back then. Masyado akong na-guilty noon lalo na at bigla ka nalang umalis papuntang ibang bansa." Ani Rin.
"You're just too busy to notice. And Terence' not really my boyfriend back then. He used to be my personal bodyguard. The attraction between us was there and there was no way we couldn't avoid each other because he was my bodyguard. And there, the moment our skin touch, nawalan na kami parehas ng preno." Kwento niyang natatawa pa. "We're so reckless back then." Napapailing nalang siya sa tuwing maiisip niya iyon.
"Reckless ka diyan! Malibog kamo kayo!" bulong ni Rei bago humagikgik. Natawa nalang siya. "But how come he became your bodyguard eh ang yaman ng pamilya nila?"
Nagkibit-balikat siya. "I don't exactly know the reason. Tapos na iyon at hindi naman na naming mababago ang mga nangyari. We just need to focus on the present. But I have to admit that we're at mess right now." Napabuntong-hininga nalang siya as she sipped on her guyabano shake.
Rin held her hand. "Kahit na ano ang gawin mo, you will be going back on what happened in the past. Hindi maaayos ang kasalukuyan ninyo ni Terence kung mayroon pa kayong issue sa nakaraan ninyo. Believe me because I've been there before at ilang taon din ang nasayang sa amin ni Dwight at naayos lang iyon pagkatapos naming mapag-usapan iyong nakaraan niya. I was so stupid back then and he was a top coward!" tumatawang kwento ni Rin.
BINABASA MO ANG
With You It's Toxic (DH 5 || Completed)
Romance[PG-18] She met him when she was vulnerable and curious about things that only him can give. She wanted him like a hot chocolate on rainy days. And she really fell in love with his hot chocolates that can be found on his body. He met her and felt th...