TOXIC: Seventeen

39.1K 982 50
                                    


"GOING SOMEWHERE?"

She stops on her tracks upon hearing Jules voice from the kitchen. Naka-topless ito at jersey shorts lang ang suot and barefooted. She snorted.

"Yeah. And I told you, don't walk around the house na ganyan ang ayos mo. Ginagaya ka ni Theon, e. Tapos alam mo naman na narito ang nanny niya." sita niya kay Jules na ngumisi lang at inakbayan pa siya habang palabas siya ng bahay.

"I just missed you, nagging at me like that." Saka ito tumawa ng malakas. "Saan ka ba pupunta? Ah, no. Don't answer that. Alam ko na. Wait here, magbibihis lang ako."

Wala na siyang nagawa when Jules run towards the house at ilang minuto lang ay nakabihis na ito – six pockets khaki shorts and dark blue shirt na may bungo na design na nakapaloob sa star.

"Pogi ko ba talaga?"

Inirapan niya si Jules. "Ang tanda mo na nagpapa-cute ka pa. Buti sana kung bagay." She said as she get inside the car. "Dapat na yata na matututo akong mag-drive."

"Marunong ka naman na mag-drive, ah!" na dinugtungan nito ng tawa. Sira ulo talaga kaya minsan nasasabunutan nalang niya si Jules dahil walang pigil ang bibig sa mga sinasabi, e.

"Dapat hindi nalang ako nagpahatid sa'yo, e." aniya nang tanungin nito kung saan siya magpapahatid at noong sinabi niya na sa opisina ni Terence ay sinabi nito na sasama for old time's sake daw.

"I'll just say hi, okay? Hindi ako manggugulo."

Nasa lobby pa lamang sila nang mamataan sila nila Dwight. Buhat nito ang isa sa kambal habang hawak naman ni Rin ang isa. Kasama rin ng mga ito sila Art, Clyde, Irving at Drae.

"Rei!" niyakap siya ng kaibigan. "What are you doing here?"

She just shrugged her shoulder and smiled at them. "May kakausapin lang."

"It's so nice to see you again, Irinea." Jules butted in as he glanced at Rin and Dwight's twin. "I see... your twins are cute. Mana sa'yo, Rin." Dugtong pa ni Jules na kay Dwight nakatingin.

"Why don't you start building your own family, Mr. Vijandre? I bet your kids will look exactly like you." baling dito ni Dwight.

"What's with the formality, Dwight?" inakbayan siya ni Jules. "We're working on it so you have nothing to worry."

"Jules!" awat niya rito.

"Pero si Terence at Reichelle nakabuo na." singit ni Art na may ngisi sa mga labi. He knows them and she knew him for being a jerk. "And I heard that you and Terence' already working para sa kapatid ni Theon? Mali ba ang chismis?" nilingon pa nito ang katabing si Clyde na ngumisi lang.

"Shut up, Art!" ani Drae bago siya tinanguan at umalis na.

Agad namang nagpaalam na rin sa kaniya si Rin dahil baka magkainitan pa sila Dwight at Jules. She even heard Rin scolded her husband and when she turned to Jules, naka-ngisi lang din ito na parang tuwang tuwa sa nangyari.

"That bastard..." anitong si Dwight ang tinutukoy. "Hindi man lang marunong magpasalamat ang gago. Kung hindi dahil sa akin, wala siyang Irinea ngayon."

Humawak siya sa braso ni Jules at tiningala ito. "Thank you, Jules." She sincerely said. "Kung hindi rin kasi dahil sa'yo, hindi kami magkakalapit ni Terence at wala sana akong Theon ngayon, so, thank you."

"Tsk." Palatak ni Jules as he pat her head. "Ang boring dito. Aalis na nga ako. Magpahatid ka nalang kay Terence sa bahay o kung hindi ka niya maihahatid, just give me a ring, okay? Ikamusta mo nalang ako sa kanya." Then he waved goodbye even before she could utter a word.

With You It's Toxic (DH 5 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon