TOXIC: Epilogue

69.7K 1.4K 77
                                    

Note: Hello sa lahat ng nagmamahal kay fafa Terence at Rei. Thank you for coming this far! This is the last part of this story. Thank you sa lahat ng sumuporta. See you on Chasing Hearts (DH Series 6) and To The Boy Who Break My Heart (A Madrigal Story). God bless everyone!! :)

* * * * *


"THEODORE NOEL V. Monroe. I like it, Mom. It's shorter than Vijandre." Theon chuckles then starts writing his name again and again in a scratch paper.


Nagkatinginan kami ni Terence at sabay na napangiti. Parang may sariling buhay naman ang mga kamay ni Terence na mabilis na pumulupot sa beywang ko para hapitin ako palapit sa katawan niya at saka ako dinampian ng halik sa sentido.


Katatapos lang ng kasal namin ni Terence na ginanap sa Isla del Amor – ang Isla na binili niya para kay Theon na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapaniwalaan. Pwede naman kasi na rentahan na lamang niya ang Isla kung nanaisin niya pero hindi, binili talaga niya!


Noong unang beses kong nalaman ang tungkol doon ay hindi ako makapaniwala. Sino ba namang baliw ang magreregalo sa anak na halos pitong taong gulang pa lamang noon ng isang Isla? Wala! Si Terence lang! Palibhasa ay walang mapaglagyan ng pera.


"Come on, buddy! It's already late. You should get some sleep." Binuhat ni Terence ang anak at akmang ilalabas na ng silid nila nang may maisip siya.


"Hayaan mo na. Ayaw mo ba ng ganito? First time natin matutulog bilang isang pamilya dito sa Isla." Nginitian ko pa si Terence na lalong nagsalubong ang mga kilay. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko.


"Reichelle Joy, baka nakakalimutan mo na tatlong buwan mo akong –"


Pinutol ko agad iyong sasabihin niya. "Nakaya mo nga ng seven years kaya wala lang iyong tatlong buwan na iyon at ano na lamang ba ang isa pang gabi? Atat much?" I arch my brow to him.


"No. Theon will sleep in his room."


"But I want to sleep with you, Dad. This will be the first time we're going to sleep together again." Pumalakpak pa si Theon.


"Are you gonna break your son's heart?" I whispered and he just sighs in defeat.


"Fine! But tomorrow, you have to sleep in your room, okay?"


"Yes, Dad!" At sumaludo pa ito sa ama.


Masayang Masaya si Theon habang si Terence ay parang hindi natunawan ang itsura. Natawa na lang ako at hinayaan siyang patulugin si Theon sa kama namin.


"Maliligo lang ako. Patulugin mo na iyan at magmamadaling araw na." sabi ko habang papasok ng banyo. Hindi na ako nag-abalang lingunin ang mag-ama ko. They're too comfortable with each other that sometimes, Theon prefer his Dad to help him around. Medyo nakakaselos kasi kung dati, palaging naka-"mommy" si Theon, ngayon ay puro si Terence na ang hinahanap nito.


I took off every piece of cloth I am wearing and stared at my reflection in the floor to ceiling mirror wall of the bathroom. After all the insecurities, controversies, lies, trials and goodbyes, we will get to home together now because I am now Mrs. Terence Monroe.

With You It's Toxic (DH 5 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon