TOXIC: Prologue

75.3K 1.3K 37
                                    

TOXIC
PROLOGUE

"Buntis ka? Punyeta! Sino ang nakabuntis sa iyong malandi ka?!"

Hinatak ng nanay niya ang buhok niya. Masakit. Pero gayun pa man ay pinanatili niyang blangko ang ekspresyon ng kaniyang mukha habang mahigpit na nakahawak sa kumot.

Nakikita niya ang pagdurugo ng kamay niyang may swero pero hindi niya iyon pinansin... hindi niya ininda ang sakit... lahat ng sakit na nararamdaman niya at pinatatag ang sarili.

"Hindi na po iyon mahalaga. Wala na ang bata kaya wala na po kayong dapat na ipag-alala." Walang emosyon niyang saad na siyang nagpakalma sa ina.

Binitiwan nito ang buhok niya at saka siya sinampal sa magkabilang pisngi. Halos ikabingi niya iyon dahil sa lakas pero sanay na siya. Bata pa lamang siya ay ganoon na ang trato sa kaniya ng sariling ina.

"Susunod ka kay Jules sa America. Doon ka titira sa bahay ng kaibigan ko pagdating mo roon. Ikaw na rin ang bahalang mag-alaga sa drug adik mong kapatid na iyon. Kahit ano ang mangyari, hindi mo pwedeng pa ayaan si Jules dahil malaking pera ang nakukuha ko sa kaniya. Naiintindihan mo ba? At iyong kaibigan ko ay pagsilbihan mo ng mabuti dahil kung hindi ay malilintikan ka sa akin! Pero huwag kang mag-alala dahil may pitong buwan ka pa para maghanda dahil busy pa ang kaibigan kong iyon sa paglilibot sa buong mundo. Huwag na huwag kang tatakas dahil bayad na siya sa akin!" Mariing sabi ng nanay niya.

Pagkaalis ng nanay niya ay noon niya pinakawalan ang pinipigil na luha.

It has always been like that since she turned eighteen. Pero kahit yata kailan ay hindi siya masasanay na kung kani-kaninong lalaki siya ibinebenta ng sarili niyang ina na tila ba isa siyang panindang meryenda.

Hindi nga niya alam kung dapat ba niyang ipagpasalamat ang pagkakagusto sa kaniya ng sariling kapatid na si Jules. Oo nga at hindi sila magkadugo dahil anak iba ang ama nito, gayun pa man ay magkapatid pa rin sila sa mata ng mga tao.

Si Jules lamang ang nakakaalam ng mga pinaggagagawa sa kaniya ng sariling ina at sa tuwing ibebenta siya nito sa kung sinong lalaki ay si Jules din ang parating naroon para sagipin siya sa kamay ng mga hayok sa laman.

"Doc..." Aniya sa kapapasok lamang na doktor. May kasama itong dalawang nurse. "Kamusta po ang... ang baby ko?"

Para na siyang mabibingi sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya dahil sa kaba.

Hindi niya alam kung nalaglag ba talaga ang bata sa sinapupunan niya. Pinalabas lang niya na iyon ang nangyari para protektahan ang munting buhay sa sinapupunan niya mula sa nanay niya kung sakali man na buhay pa ito — na labis niyang ipinagdarasal.

"Miss Reichelle Joy Vijandre, right?" Tumango siya sa doctor na may asul na mga mata. Hindi siya sigurado pero parang nakita na niya ito noon.

"Kamusta po ang... baby ko?" Kinakabahan niyang tanong.

"The baby is safe." Ngumiti ito at tinapik siya sa balikat. "Relax. Makakasama sa dinadala mo ang labis na pag-aalala. For now, I'll give you some medicine and vitamins for you and the baby."

Marami pang sinabi sa kaniya ang doktor pero ang atensyon niya ay nakatuon na sa impis pa niyang tiyan kung saan naroon ang bunga ng isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay niya.

That day, she decided to leave everything behind — her old self, her mother, her friends and the person she decided to love but can not have.

***

"OH MY GOD! Jules!"

Halos takbuhin niya ang distansiya sa pagitan nilang dalawa ng binata para yakapin ito. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito kaya talagang nasorpresa siya.

"Hey! Hey! Don't run!" Awat nito sa kaniya at basta na lamang ibinagsak ang dalang gamit para mabilis na makalapit sa kaniya.

Nang akmang yayakapin siya nito ay bigla itong napahinto at napatingin sa malaki niyang tiyan.

"How should I hug you? Your baby bump is so big already." Kunwa ay reklamo nito pero sa huli ay niyakap pa rin siya habang tumatawa dahil sa malaki niyang tiyan na kaagad bumunggo dito.

"Time slips. If I am not mistaken ay lalabas na ito next month." Ani Jules habang nakatitig sa tiyan niya.

"Yes. Pero bakit hindi mo sinabi na ngayon ang labas mo? Sana nasundo kita." Hindi kasi niya inaasahan na lalabas na ito ng rehabilitation center.

"Nah! I want to give you a surprise that's why. Besides," sumeryoso ang tinig nito. "I only have a month or two to convince that bastard."

Alam niya kung sino ang tinutukoy ni Jules — ang lalaking pinagbentahan sa kaniya ng ina.

"The baby is mine and so are you, Reichelle Joy." Madiin nitong saad habang mariing naka-dakot ang mga palad.

"Jules..."

Huminga ito ng malalim at pinakalma ang sarili bago siya muling binalingan.

"Don't worry. Iyon lang ang palalabasin natin. Ako na rin ang bahala sa nanay mo. I'll do anything to keep you safe and the baby, Rei. You know how much I like you pero hindi ka obligadong tumbasan ang nararamdman kong iyon. Just stay here with me and I won't ask for anything else."

"Thank you, Jules."

She was really thankful to Jules. He provided everything for her and the baby. Pati ang pag-aaral niya ay ito rin ang gumastos kaya wala siyang sinayang na oras at panahon at ganoon rin naman si Jules.

Noong maka-graduate siya, si Jules rin ang tumulong sa kaniya na magtayo ng boutique. She was graduate of fashion designing and it was hard to put up a small business in a big City but because of her dedication and passion for her chosen career, dalawang taon lamang ay nagsimula ng makilala ang Theon's. Everyone thought that the owner was a guy and she does not have any intention of correcting them. It is better that way.

She was happy and contented with her life but it seems like people really can't just go on with their lives without fulfilling each hearts desire because despite the contentment she have, deep inside, she's still thinking about that certain person who once upon a time became a big part of her live and would be forever engraved in her heart no matter what the circumstances are.

And it's not really her son who pushes her to come back to the Philippines but it was her own self who's yearning to see him again.

*****

A/N: Hello! Sana may reader pa ko.
If you didn't noticed, in-unpublished ko ang TOXIC dahil balak kong i-edit ng bongga pero tinamad ako ng bongga kaya pasensya na kayo. Itutuloy ko na ito since malapit na rin naman matapos ang Princess No More. Kindly support that story too, guys. 😊

And if you want, you can join to our fb group. You can find the link in my wattpad profile and latest post. Live you guys! 💋

With You It's Toxic (DH 5 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon