TOXIC: Nine

43.9K 1.1K 53
                                    

080116

NAKAHALUKIPKIP siya sa harap nila Jules at Theon habang nakataas ang isang kilay. Ang dalawa ay nakaupo lang sa couch at naka-ngisi pero hindi makatingin ng diretso sa kanya. Obviously, may sekreto ang dalawa at walang balak sabihin sa kanya.

"Care to tell me what it is, Jules?"

"Tell you what? Come on Reichelle! How long are you gonna stand there and gives us your famous dagger stare?"

"How about you, Theon? Anong sinabi ng Tito Jules mo sa iyo na hindi ko alam?" baling niya sa anak. "Kapag hindi mo sinabi, uuwi na tayo ngayon din!"

May ibinulong dito si Jules kaya lalong nag-init ang ulo niya. "Fine! We're going home and that's final! Pack your things Theon. You too, Jules."

Hindi niya alam pero nainis siyang bigla. Mas sinusunod pa kasi ng anak niya si Jules kaysa sa kanya. Hindi rin siya mapakali dahil alam niyang may itinuro na naman si Jules kay Theon na ayaw ipaalam sa kanya. Kung sa patigasan kasi ng ulo, hindi siya uubra sa anak at kay Jules.

Dumiretso siya sa labas ng hotel at naglakad lakad sa gilid ng dagat. She was still on her bikini at pinatungan lang niya iyon ng shorts sa ibaba. Wala naman talaga siyang balak na umuwi pa, gusto lang niyang mapaamin ang anak pero hindi rin siya nagtagumpay.

She stops on her tracks when she saw that woman with her new man for the nth time. Sa lahat ng taong naroroon ay ito ang pinakahuli niyang gustong makita – her mother.

"Hello there, daughter!" nakangiting bati nito sa kanya at hinagod pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ibang iba ka na talaga. Malaki ang ipinagbago mo mula ng tumira ka sa ibang bansa. Anyway, saan ka ba nagsususuot? Kaninang umaga pa kita hinahanap.

"Bakit hindi nalang ninyo ako diretsuhin, 'nay? Who is it this time?" matigas niyang sabi na ikinatawa ng kaharap.

"May kasama kasi kami. Mayaman, simpatiko, single at naghahanap ng mapapangasawa. Naikwento kita, anak. Do you want to meet him?" may pagbabanta sa tinig na sabi nito.

Ngumiti siya ng mapakla. "'Nay, may anak na ako. Besides, hindi na ninyo ako maibubugaw sa mga kakilala ninyo. Kung kailangan ninyo ng pera, magtrabaho kayo at huwag iyong ibinubugaw ninyo ako sa kung kani-kaninong lalaki. Hindi po ako pokpok na –"

Isang sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi niya na nagpahinto sa kanya sa pagsasalita pero hindi niya iyon ininda kahit pa naramdaman niyang may mahapdi sa pisngi niya.

"Wala kang modo! Ako pa rin ang ina mo! Nakaangat ka lang ng kaunti sa buhay ay akala mo kung sino ka nang malinis! Baka nakakalimutan mon a kung hindi dahil sa akin ay wala kasa kinalalagyan mo ngayon." Galit na turan nito habang pinipigilan ito ng kasamang foreigner na lalaki na naman nito.

"Akala po ba ninyo ay hindi ko alam na pineperahan ninyo noon ang tatay ko? Tapos ano pa? Noong malaman ninyong may gusto sa akin si Jules ay mas lalo pa ninyo akong ipinagtabuyan sa kanya para mas marami kayong makuhang pera." Mahina lamang ang pagkakasabi niya ng mga iyon dahil sa pinipigilang galit.

"Hindi totoo iyan!"

Ngumiti siya ng malungkot. "Pero alam po ba ninyo iyong pinakamasakit? Iyong muntik na pagkalaglag ng anak ko dahil sa inyo!" doon na niya hindi napigilan ang mapaluha.

Nanlaki ang mga mata ng nanay niya dahil sa sinabi niyang iyon.

"Noong akala ko ay may sakit ako at pinapainom ninyo ako ng gamot na para sa pagsusuka ko at pagkahilo, akala ko noon ay nagkaroon na kayo ng amor sa akin pero hindi pala. Pampalaglag! Iyon ang ipinainom ninyo sa akin kaya muntik ng mawala ang anak ko!" sumbat niya sa ina.

With You It's Toxic (DH 5 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon