NOTE: Baka may malito. Minsan kasi may nalilito. Si Terence 'tong na sa part na 'to ha? Nalilito kasi yung iba pag may POV ang lalaking bida. Kung magsulat kasi ako, parang sa pocketbook which is parehong may pov ang bidang lalaki at babae. Pero kung naka-fisrt person's pov (like Chasing Hearts), iyong babae lang ang nagsasalita. So, ayun! Just read between the lines nalang. Thank you! :)
***
"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pinagkakaguluhan ka ng dalawang babaeng iyon. I mean, mas gwapo naman ako sa'yo pero hindi naging ganyan ka-komplikado ang buhay pag-ibig ko." Kibit balikat ni Art. "Not that I want to have a complicated life. But you know me, before, I have women from A-Z." Na dinugtungan pa nito ng tawa.
Nilagok niya ang whiskey sa hawak niyang baso at nagpasalin muli sa bartender na nasa harapan nilang magkakaibigan. Ramdam na ramdam niya ang init na dulok ng likidong iyon na gumuhit mula sa lalamunan niya hanggang tiyan.
"I didn't know that Gigi will ruin his career for you." Si Dwight naman ang nagsalita. Wala kasi si Clyde at may duty pa kaya nasisiguro nila na si Dwight ang kasama at kausap ngayon. Si Drae ay wala rin dahil nasa ibang bansa pa. "Hindi ka naman ka-gwapuhan." Tapos ay nakipag-high five ito sa katabing si Art.
Itinulak niya ng malakas si Dwight at minura dahilan ng pagkakahulog nito sa upuan pero mabilis rin namang bumalik sa pagkakaupo habang ngingisi-ngisi.
"Tangina kasi kung saan-saan mo itinututok iyan, eh!" Mura ni Art na natatawa. "Alam mo naman na kapag natikman tayo ng mga babae, mga nahihibang sila. Lalo na kapag natutukan na ng sandata."
Napailing siya sa sinabing iyon ni Art. Paano kaya ito natatagalan ng asawa? Emerald is such a sweetheart kahit na medyo mataray samantalang si Art ay napaka-libog! Kulang ang salitang SPG sa mga ginagawa nito. SSPG, pwede pa.
"Why don't you just marry one of them? Para matapos na. Hindi pwede na dalawa sila. Magpapatayan iyon." Ani Irving sa tabi niya at iiling-iling.
Sumubo siya ng mani. "She doesn't want to. Ilang beses ko ng inalok si Reichelle but she keeps on refusing my proposal." Napatiim bagang siya sa katotohanang iyon.
Ilang beses ng may nangyari sa kanila at ramdam niya na hindi lang dahil sa nadala ito kaya bumigay sa kaniya. Mula noon pa man, the attraction between him and Reichelle was always been there. Hindi iyon nawala kahit na pitong taon na ang lumipas. Mas lalo pa nga iyong tumindi sa palipas ng panahon.
Noong makita niya si Reichelle matapos ang pitong taon na bigla na lamang nitong paglalaho na parang bula ay muli silang nakaramdam ng matinding pagnanasa na palaging makita ang dalaga. Reichelle Joy Vijandre is a mystery for him.
Ang malalalim nitong mga mata ay tila ba kay daming sikretong itinatago. Even the way Reichelle stares was too different. Para bang walang paki-alam ang dalaga kung sino man ang tinitingnan niya as long as it doesn't concern her. Si Reichelle iyong tipo ng babae na hindi madaling maiintimidate ng kung sino lang lalo at hindi nito kilala.
Irving grins. Sumimsim ito sa hawak na baso bago muling nagsalita. "I bet you didn't make an effort on proposing."
BINABASA MO ANG
With You It's Toxic (DH 5 || Completed)
Romance[PG-18] She met him when she was vulnerable and curious about things that only him can give. She wanted him like a hot chocolate on rainy days. And she really fell in love with his hot chocolates that can be found on his body. He met her and felt th...