TOXIC: Twenty-Five

36K 844 24
                                    

Note: Sorry. Dapat kagabi pa 'to eh. Kaya lang sobrang pagod ako galing Manila. Sa nagagalit kay Reichelle, HAHAHAHAHA! I love you guys! I can feel you. HAHAHAHA. Sobrang natuwa ako sa mga comments nyo. Pinost ko pa sa fb ko. Ay sa twitter yata. hahaha. Comment ulit kayo rito ha? :)


***


"Wanna go back to States?"


Jules' suggestion's still lingering on her head. It was very tempting and she thinks that it was the easiest way to escape. Pero gusto ba niyang tumakas at iwan ang lahat ng kaguluhan dito sa Pilipinas?  Lahat ng kahihiyan?


That was the least thing she would do.


Kahit na nasa ibang bansa na ang buhay niya, na sa Pilipinas pa rin naman ang puso niya.


"Wala silang basehan sa mga sinabi ni Gigi sa media. Pati ang pagsisiwalat niya ng balita na buntis siya at si Terence ang ama ay hindi pa natin masisigurado." Ani Rin. Dinalaw siya nito dahil hindi daw kasi siya ma-contact. Sira nga kasi ang cellphone niya. Bwisit kasing si Terence!


"Most of it are true." Aniya sa kaibigan. "Hindi ko lang alam kung saan napulot ni Gigi ang mga impormasyong iyon. Imposible naman na kay Jules." Sa lahat kasi, si Jules ang mas nakakaalam ng mga pinagdaanan niya.


"Ano'ng ibig mong sabihin? May koneksiyon ba iyong dalawa?" Tukoy nito kay Jules at Gigi.


She just shrugged her shoulder. "Ang alam ko lang ay dati na silang magkakilala. Naging magkaklase yata noong high school or school mate? I don't know. Isang beses lang naman nabanggit ni Jules sa akin ang tungkol doon." She doesn't have any idea who is Gigi to Jules but whoever she is, ayaw niyang magkaroon pa ng connection ang dalawa. Gigi's not good for anyone. Even for Jules.


"But Reichelle," Hinarap siya ni Rin. "Si Jules, hindi ba at may gusto siya sa'yo? At magkasama kayo for seven years sa ibang bansa. Wala bang nangyari? I mean, gwapo si Jules, walang maikakaila roon. He has the body, the looks and everything. Kahit na nalulong siya noon sa ipinagbabawal na gamot, siya rin naman ang umayos sa sarili niya because he likes you." Walang ano mang bakas ng pandidiri o galit na saad ni Rin.


Itinali niya ang buhok bago sinagot ang kaibigan. "Actually, I tried. I tried considering his feelings. Kahit nitong narito na kami sa Pilipinas ay sinubukan ko pa rin. And every time I did, nasasaktan ko siya. If it's just me, I'll choose Jules. Pero kahit minsan, sa tuwing susubukan ko, si Jules ang umaatras. Alam niya kasi na hindi ko kaya."


Sa buong buhay niya, isang lalaki lang talaga ang hinayaan niya na angkinin ang buong pagkatao niya. Pero tulad nang una niyang akala na hindi siya nababagay rito noon, mas lalo lamang tumibay iyon ngayon. It was like everything is against them.


"Jules an ass pero hindi naman lahat binabalahura niya." Kibit-balikat ni Rin na nangingiti. Si Jules kasi ang dahilan kung paanong nagkalapit ito at ang asawang si Dwight. "Pero matanong kita, Rei. I want an honest answer, okay? Do you like Terence?"


She nodded without hesitation. Bakit pa niya itatanggi? Iyon naman ang totoo. Kahit noon pa ay gusto na niya si Terence kaya nga nabuo kaagad si Theon, eh.

With You It's Toxic (DH 5 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon