082416
PINAGMASDAN NIYA ang natutulog na si Reichelle. Mahimbing pa rin itong nakabaluktot habang yakap ang unan niya. magulo ang lampas balikat at itim nitong buhok na nakakalat sa mukha nito at sa unan pero ganun pa man ay hindi nakaligtas sa paningin niya ang mapupula nitong labi.
Gumapang ang tingin niya pababa sa leeg nito, balikat at brasong nakahantad sa kumot. Makinis iyon at pantay ang mala-crema nitong kulay na namana ng anak nilang si Theon.
Unang kita pa lamang niya kay Theon ay alam na niyang anak niya ang bata. Hindi iyon maitatanggi lalo na at para itong aparisyon na batang siya. Pati ang kapatid niyang si Meg ay napansin din iyon pero idinaan lamang sa biro ang pagkakasabi.
Dinampot niya ang cellphone at nag-dial. Tatlong ring lamang ay sinagot na agad nang nasa kabilang linya ang tawag niya.
"This is Terence. I'm picking up my son. I'll be there in a couple of minutes." Iyon lang at ibinaba na niya ang cellphone. Ni hindi na siya nag-abalang pakinggan ang sasabihin ni Jules sa kabilang linya.
"What did you said?"
Napalingon siya kay Rei. Nakaupo na ito habang nakaipit sa kili-kili ang kumot at hinahawi ang buhok na nakasabog sa mukha nito. Namumungay pa ang mga mata nito habang nakakunot ang kilay na nakatingin sa kanya.
Biglang nanikip ang pantalon niya sa tanawing nasa harapan niya. bakit ba napakadali niyang ma-arouse kapag nakikita si Reichelle? Hindi naman siya ganoon kay Gigi at sa iba pang babaeng nakarelasyon niya pero bakit kay Reichelle, kahit wala itong ginagawa ay naa-arouse pa rin siya?
"Susunduin ko si Theon. You'll be moving out from Jules house. Sa mansion na kayo titira sa ayaw at sa gusto mo." Saka niya ito tinalikuran pero di pa man siya nakakalabas ng pinto ay binalibag na siya ni Reichelle ng cellphone at sapul siya sa ulo.
"Damn it, Rei! Napakadaming ibabato pero cellphone? Balak mo bang basagin ang bungo ko?" inis niya itong binalikan sa kama. Mukhang made-delay ang pagsundo niya sa anak nila. Kailangang maparusahan muna niya ang pasaway na nanay ng anak niya. Akmang huhubarin na niya ang suot na shirt ng mapatitig siya kay Rei. Nagpipigil ito ng tawa.
"Sorry." Anitong ibinaling pa ang tingin sa kung saan hindi siya nito makikita.
Napangiti siya. "Darn. Huwag kang tatawa. Kapag tumawa ka, sisiguraduhin kong hindi ka na makakatayo sa kama na iyan." Banta niya habang nangingiti.
"Ikaw kasi eh! Hindi ka pwedeng magdesisyonng basta basta! Ayokong tumira sa mansion mo. Besides, bakit pa ako aalis sa piling ni Jules samantalang kumportable na ako sa kanya?" padabog itong tumayo at pumasok sa banyo habang nakapulupot lamang ng kumot.
Muli niyang dinukot ang cellphone at tinawagan si Jules. "I'll be a little late." At mabilis ding pinatay ang tawag bago akmang susundan si Rei sa banyo nang makarinig siya ng doorbell.
"Damn!" mura niya bago tinungo ang pinto. Sinilip muna niya sa CCTV kung sino ang nasa labas at ang nakangising kapatid niya ang nakita niya.
"What is it, Meg?" bungad niya nang mapagbuksan ito ng pinto.
"Ang daya, Kuya! Bakit iniba mo ang pin ng pinto? Kinailangan ko pa tuloy kumatok." Reklamo nitong tuloy-tuloy na pumasok. Natisod pa ito sa nakakalat niyang pantalon na hinubad niya nang nagdaang gabi.
"Where's Drae? And what are you doing here, anyway?" kakamot-kamot sa ulong tanong niya habang pinupulot ang mga nagkalat na damit sa sahig.
BINABASA MO ANG
With You It's Toxic (DH 5 || Completed)
Romance[PG-18] She met him when she was vulnerable and curious about things that only him can give. She wanted him like a hot chocolate on rainy days. And she really fell in love with his hot chocolates that can be found on his body. He met her and felt th...