Chapter Seven
071016"SUSUNDUIN KO KAYO BUKAS."
Iyon ang huling sinabi sa kanya ni Terence pagkahatid sa kanya sa kwartong inookupa nilang mag-ina at ni Jules.
Tulad ng dati, parang ngayon lang nag-sink in sa kanya ang lahat ng nangyari sa buong araw at ang namagitan sa kanila ni Terence. Napahawak siya sa pisngi niya. Pakiramdam kasi niya ay nag-iinit iyon dahil sa ala-ala nang nagdaang gabi.
"Did I really give him a blow job?" she unconsciously whispered.
"Did you what?"
Bigla siyang napalingon sa nagsalita. Naroon pala si Jules sa couch at nakahiga.
Couch. Last night, sa couch nila ginawa ang bagay na iyon ni Terence. Hindi lamang isang beses kung hindi paulit-ulit kaya nga medaling araw na siya nakauwi. Mabuti na lang talaga at malaki na si Theon dahil hindi na ito umiiyak kapag nagigising ng alanganing oras sa gabi.
"May sinabi ba ako?" pag-iwas niya dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.
"Ewan ko sa'yo, Reichelle. Anyway, saan ka nanggaling kagabi?"
Hindi niya alam kung hinuhuli lang ba siya ni Jules o talagang wala itong alam kaya pinili niyang balewalain na lamang ang tanong nitong iyon at ibahin ang usapan.
"Nasaan nga pala si Theon?" pang-iiba niya ng usapan.
"Playing games in my room."
Napa-ismid siya. Ayaw na ayaw niyang pinaglalaro ng computer games ang anak dahil kapag nagsimula na itong maglaro, napakahirap ng awatin.
Binato niya si Jules ng nadampot na kalamansi. "Kunsintidor ka talaga! Sunduin mo na para makakain na tayo sa ibaba ng breakfast. Ayoko magluto, tinatamad ako."
Tumawa lang si Jules bago sinundo si Theon sa kwarto nito at maya-maya pa ay lumabas na rin ito buhat si Theon.
"Let's go, Mommy!"
Pagbaba nila ay nakasalubong nila si Terence na papasok din sa seafood restaurant na pinuntahan nila. He was wearing a white shirt and white pants. Actually, parang kagagaling lang nito sa higaan at hindi man lang nag-abalang ayusin ang sarili. Basta lang yata nagbihis, nagsuot ng shades at saka bumaba. His stubbles were visible already. How she hates it before but right now, Terence looks sexier with it.
"Hi!" bati nito sa kanila o mas tamang sabihing sa kanya lang.
"Hello!" bati naman ni Theon rito.
Binalingan ito ni Terence at ginulo ang buhok na himalang hindi man lang ikinasibangot ng anak niya. Theon hates it when someone's ruffling his hair. Di niya alam kung kay Terence nito namana ang kaartehang iyon o nagaya lang kay Jules.
Nagulat pa siya nang biglang buhatin ni Terence si Theon na hindi naman nagreklamo. Nilingon niya si Jules at kitang kita niya ang pagkuyom ng kamao nito. Of course, he knew that Terence was Theon's biological father and he can't do something about it. It was an awkward situation for her, knowing that the father of her child and the one who takes care of her child and acted like a father were both in front of her.
"Sumabay ka na sa aming mag-breakfast." Iyon lang ang sinabi ni Jules bago nagpaunang pumasok at iniwan silang tatlo.
Nilingon siya ni Terence as if asking her if it was alright. She just shrugged her shoulders and followed Jules pero sinabayan siya ni Terence sa paglakad habang buhat si Theon at hinawakan ang isang kamay niya.
BINABASA MO ANG
With You It's Toxic (DH 5 || Completed)
Romance[PG-18] She met him when she was vulnerable and curious about things that only him can give. She wanted him like a hot chocolate on rainy days. And she really fell in love with his hot chocolates that can be found on his body. He met her and felt th...