TOXIC: Two

60.5K 1.3K 45
                                    

Chapter Two
052916


"KUYA HAWAKAN mo nga si Thea, magba-banyo lang ako." Sabay baba ni Meg ng bata sa tiyan niya.

Nakahiga lang siya sa couch ng living room nang dumating ito. He is having a headache because they had a celebration with his team last night. Medyo naparami ang inom niya.

"Nasaan ba ang tatay nito?" Habol niyang tanong sa kapatid.

"Nagpa-car wash lang si Drae!" Pasigaw na sagot ni Meg.

Natuon ang atensyon niya kay Thea nang sundutin nito ang pusod niya. Pinisil niya ang cute nitong ilong at ibinaba para magsuot ng damit.

"Macho si Tito, di ba, Kulot?" At ipinakita pa niya sa batang walang muwang ang biceps niya.

"What are you doing? You look stupid there, Terence. Ako lang ang pogi at macho para kay Thea." Mula sa front door ay bungad ni Drae. Naka-cargo shorts at itim na sando lang ito. "Where's Meg?"

"Nag-cr." Binuhat niya si Thea at iniabot sa ama nito. "Maliligo lang ako. Dito lang ba kayo ngayon sa bahay mag-stay?"

"Hindi. Iiwan sana namin si Thea sa'yo dahil check up ni Meg. Are you going somewhere?"

"Yeah. Sa mall lang. Isama ko nalang si Kulot. Babalik rin naman ako after an hour or two so you should be here by that time."

"Thanks, bro. Masyado kasing malikot ang isang iyan kung isasama sa clinic." Sagot ni Drae habang inaayos ang head band ng anak.

His sister, Meg was seven months pregnant. He still couldn't believe that his little sister is now a married woman.

Many years ago, he knew that Meg had a little crush on Drae. Hinayaan lang niya since his sister was on her teenage years that time and he thought that it's normal. But when he felt that there is something special with the way Drae treats his sister, noon siya kinabahan kaya iniwasan niya na magkita ng madalas ang dalawa.

When Drae got engaged to Amber, he was relieved and alarmed at the same time because of the hurt that was written all over his sister's face.

At habang nagkakagulo silang lahat noon dahil sa nalaman nilang nangyari kay Clyde, nawala ang atensyon niya kay Meg. He was furious that time because she was nowhere to be found until Drae gave him a phone call.

Trust.

Iyon ang tanging bagay na pinanghawakan niya noong mga panahong iyon nang malaman niyang nasa condominium unit ni Drae si Meg. Pinagkatiwalaan niya si Drae pero si Meg pala ang mas may malaking kalokohan na kayang gawin.

"Kuya, dadaan nga pala rito sila Ate Amber at Ate Reichelle. Ang sabi nila ay on the way na sila. Dadaanan lang nila itong pabili ni Clyde kay Drae from Spain." Tapos ay may ibinaba itong limang paper bag sa couch. "The one with the blue ribbon was for Rei. Iyong pink ang ribbon naman ay kay Art. Pakisabi nalang kay Amber. Alam na niya ang gagawin diyan."

"Amber with who?" He asked. Parang namamali yata siya ng dinig dahil sa kakaisip kay Rei mula noong makita niya ito sa isang resto-bar kung saan kasama niyo si Jules na sa pagkakaalam niya ay step brother nito at isang batang lalaki na tinawag si Jules na "daddy".

"With Reichelle. Iyong friend nila ate Faye and Rin. Iyong maganda, sexy at tinititigan mo sa resto-bar dati." Sabay tawa ni Meg.

With You It's Toxic (DH 5 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon