TOXIC: Twenty-Four

34.7K 888 29
                                    

A/N: Comment kayo while or after reading. Salamat!


***


"Reichelle, let's talk!"


Hindi niya pinansin si Terence. Ipinagpatuloy niya ang pagda-dial sa cellphone niya. Dalawang ring lang ay sinagot naman ni Jules ang tawag niya.


"Sunduin mo kami. Ngayon na. Nandito kami sa bahay ni --"


Naputol ang sasabihin niya ng marahas na hablutin ni Terence mula sa kaniya ang cellphone at ibalibag iyon ng malakas na nagpangiwi sa kaniya. Theon stirred in the bed because of the noise created by the broken gadget.


"Ano ba, Terence?!" Nilapitan niya ang cellphone. Basag ang screen at patay na iyon.


"I said let's talk. Mahirap ba'ng intindihin iyon? Can't you even spare me a minute or two?" May bahid ng iritasyon at pagpipigil na saad nito.


Saglit lang niyang sinulyapan si Terence bago nilapitan ang anak na hindi naman tuluyang nagising. Binuhat niya ang anak at walang sere-seremonyang naglakad palabas ng silid. Nilagpasan niya ang nakapameywang na si Terence na nakatiim bagang at tila ba anong oras ay sasabog na dahil namumula ang mukha nito hanggang leeg.


"I'm not going to come back here anymore. Maaari mong hiramin si Theon pero hindi ako papayag na sa'yo siya titira." Pero pinangangambahan niya ang bagay na iyon. Alam niya na may batas tungkol sa kustodiya ng bata. And Theon's turning seven months from now. Sabik na sabik pa ito sa ama at baka kung papiliin ng korte ay kay Terence ito sumama.


"Reichelle Joy!"


Dumadagundong ang boses ni Terence at inilang hakbang lang ang pagitan nilang dalawa. Hinarangan nito ang daraanan niya. She was tall but Terence was taller and he was towering her! Kung gugustuhin nito ay kayang kaya siya nitong ibalik sa kwarto at ikulong. But she knows he wouldn't do that.


"Huwag kang sumigaw! Hindi ako bingi!" Mariin niyang sabi dahil ayaw niyang magising si Theon at makita silang nag-aaway. "At ayoko munang makausap ka kaya pwede ba? Padaanin mo kami. Wala kang karapatan na pigilan ako, Terence. Hindi kita asawa o kahit boyfriend man lang. The only connection we have is our son."


"You're not leaving this house without hearing me out." Madilim na madilim na ang mukha ni Terence pero masamang masama naman ang loob niya rito kaya wala siyang pakialam sa nararamdaman nito.


Hindi naman niya ipinagpipilitan ang sarili kay Terence. Hindi niya ugali ang ipagsiksikan ang sarili sa kung saan o sa kung kanino. Pero bakit palagi na lamang siyang naiipit sa isang sitwasyon na hindi maganda? At palaging ang pagkatao niya ang inuungkat ng kung sino mang umiipit sa kaniya?


"You don't have a hold on me, Terence. We'll talk but not now so let me through." Pero hindi pa man nakakasagot si Terence ay iniwasan na niya ito at tuloy-tuloy na bumaba. Nadatnan pa niya ang mag-asawang Dwight at Rin na kinakausap si Gigi.


Akmang lalapitan siya ng kaibigan pero umiling siya at nagtuloy-tuloy sa paglabas ng mansion na iyon. Si Dwight ay namumula sa iritasyon ang mukha habang nakapameywang sa harap ng nakaupong si Gigi.

With You It's Toxic (DH 5 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon